"Pay attention to her! Soon you will realize the decision you made. I know pare, your wife is a good woman kaya 'wag mo siyang pakawalan at 'wag mong sasayangin ang lahat at mapupunta lang sa wala.
"Oo nga mahal ko siya. Mahal ko si Abe pero hindi ko alam kung bakit? Para bang may kulang pa.
"Labas na ako sa kung anong problema ninyong mag-asawa pare. Pero kung mahal mo siya hindi kana maghahanap ng wala sa kanya at dapat masaya kana sa kung anong may'ron sa inyong dalawa. What if kung malaman ng asawa mo na nag-checheat ka sa kanya? Kasal na kayo diba?
"Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin.
"Ito lang ang maipapayo ko sa'yo bilang kaibigan. Don't lie, don't cheat. Sabay tapik sa braso ni Vin.
Ako si Abegail Olesco Madera. Tatlong taon na kaming kasal ni Vin. Mahal ko siya sobrang mahal kaya pinakasalan ko siya at buong-buo ang tiwala ko na siya na talaga ang lalakeng mamahalin ko hanggang sa huli ng aking hininga.
Akala nila nakaalis na ako ng bahay going to office pero ang hindi nila alam ay bumalik ako para kunin ang susi ng kotse na naiwan ko sa sofa. Wala kasi ang driver ko kaya ako muna ang magmamaneho papunta sa opisina.
Nang makuha ko na ang susi ay aksidente kong narinig ang kanilang pinag-uusapan. Nakikinig lang ako habang nakasandal sa pader ng silid habang yakap-yakap ang sarili ko.
And yes alam ko. Alam kong matagal na akong niloloko ni Vin. Alam kong bukod sa akin ay may iba pa siyang babae. Hindi lang ako ang nag-iisang babae sa buhay niya na inakala kong ako lang at wala ng iba.
Pain makes me stronger. Halos dalawang taon na niya akong niloloko. And tears makes me braver. Umiiyak lang ako kapag wala siya. Unan at table ko lang sa office ang tanging karamay ko habang umiiyak at hinahayaan na umagos ang mga luhang walang tigil sa pag-agos mula sa namumugto kong mga mata. Pagkatapos kong iiyak ang sakit na nararamdaman ko ay magiging ok na uli ako. Sandali lang naman iyon pagkatapos ng ilang oras nang pag-iyak ay makakangiti na naman ako at magkukunwaring masaya na parang walang nangyari. Mahal ko si Vin at ayaw kong mawala siya sa buhay ko.
Siya nga pala gusto kong surpresahin ang asawa ko na, noon ay matagal ko ng gustong sabihin subalit wala akong mahanap na tiyempo. Thanks God buntis ako. This weekend sasabihin ko na ang tungkol dito. Alam kong magiging masaya siya dahil ito ang pangarap niya na magkaroon kami ng anak.
Malaki ang pag-asa ko na kapag nalaman niyang buntis ako ay baka magbago na siya.
But one day nakita ko siya sa harap mismo ng bahay namin. Hinalikan niya sa forehead ang babae at isang mahigpit na yakap ang pinabaon niya bago tuluyang umalis ang babae sakay ng puting kotse.
It hurts, very painful. Napahimas ako sa aking tiyan at kasalukuyang sumandal sa pinto ng aking sasakyan.
I can't stop crying. This pain in my heart's killing me. It's so hard. It slowly cutting my heart.
"Tutuloy pa ho ba tayo mam sa loob? Baka ho makasama 'yan sa baby mo. Pukaw sa akin ni Renzo driver ko. Lumabas kasi ako ng sasakyan.
Napasulyap lang ako kay Renzo. Pinipigilan ang mga luhang gusto ng pumatak. Naninikip na naman ang dibdib ko.
"Bumalik na lang tayo sa office. Gusto ko munang magpalipas ng oras doon. Tatawagan ko na lang si Vin at sasabihing marami pa akong dapat tapusin. Ani ko pero sa totoo lang gusto ko na talagang umuwi ng bahay para makita ang asawa ko at sabay kaming maghahapunan.
"Pero mam baka hanapin kayo ni Sir Vin. Hahayaan niyo na lang ho bang makuha siya ng iba? Mananahimik na lang ho ba kayo? Hanggang kailan pa? Eh, paano na lang ang magiging baby niyo?
"Sasabihin ko rin ang tungkol dito. Palilipasin ko na lang muna ang sakit na nararamdaman ko. Kapag pakiramdam ko ok na baka sakaling masabi ko na.
Mga panahong naghahanap ako ng tiyempo para sabihin sa kanya ang napakahalagang bagay na noon pa man ay alam kong pinapangarap niya na. Pero palagi akong nabibigong sabihin iyon sa kanya dahil sa tuwing handa ko na siyang kausapin ay siya namang nahuhuli ko sa akto na kasama niya ang babae niya.
Sobra na akong nasasaktan pero patuloy pa ring nagmamahal kahit sobrang sakit na. Dahil ba totoo at wagas lang talaga akong magmahal? Kaya hinahayaan ko lang ang sarili kong magpakatanga sa asawa ko.
Pwede ko namang itigil at tapusin ang lahat diba? para wala na akong sakit na maramdaman.
Pero ayaw kong bumitaw dahil kaya kong panindigan ang mga pinangako ko sa kanya noon.
Sana hindi ako mapagod. Sana kaya ko pang lumaban. Gagawin ko iyon para sa magiging anak namin at sa ngalan ng aming pag-ibig.
_MissRas25
BINABASA MO ANG
He Cheated
RomanceI may forgive you, but i am not stupid enough to trust you again. Cheating me was your choice not a mistake - Abegail Olesco