CHAPTER 32: My Special Day

701 18 1
                                    

Vin's Pov***

Today is my birthday. Paggising ko wala na sa tabi ko ang asawa ko. Akala ko pa naman ay magiging maganda ang umaga ko. Akala ko pa naman gigising akong siya ang unang makikita ko. Umasa ako na siya ang unang taong babati sa akin. Tumayo na ako at binuksan ang bintana. Ginilid ko ang kurtina at sumilip sandali sa labas at mukhang tahimik ang buong paligid.

Paglabas ko ng kwarto bigla akong kinalabit ni Anika at kinantahan niya ng birthday song. Dinala niya ako sa sala at doon naghihintay si mommy kasama nito sina Ate Ana at baby Asher. Sabay-sabay na rin silang kumanta.

"Happy 27th birthday Vin!" sabay-sabay nilang bati sa akin. Ngumiti ako ngunit pakiramdam ko hindi parin kompleto ang araw ko dahil wala ang asawa ko. Kung sabagay sinabi niya na dati pa na baka busy siya sa araw na ito o 'di kaya'y baka mawala sa isip niya na kaarawan ko ngayon kaya binati niya na ako noon ng mas maaga. Mas ok na iyon kaysa wala diba?

"Thank you mom. Thank you Anika and thank you Ate Ana sa pagbati sa akin." Sabi ko sa kanila. Kinuha ko si Asher at kinarga ko ito sabay halik sa pisngi.

"Mag-wish kana Vin. Wika ni Anika sabay lahad nang cake.

"Wish ko simple lang. Pinikit ko ang aking mga mata then I blow the candle. Sayang wala si Abe, wala ang taong inaasahan ko. Kumain kami pagkatapos ay kinausap ako ni Anika.

"Sa akin muna ngayong araw si baby Asher. Aniya habang nakatanaw sa pool.

"Wala naman akong gagawin ngayong araw kaya bakit mo naman kukunin si Asher?

"Gusto kong mag-celebrate kayong mag-asawa. Birthday mo ngayon kaya kailangang mag-enjoy ka.

Napabuntong hininga ako.

"Hindi na kailangan."

"bakit?"

"Yung taong inaasahan kong makakasama ko ngayong araw ay sa tingin ko nakalimutan n'yang kaarawan ko ngayon. Ngumiti akong bahagya ngunit sa puso ko ay may tampo at kalungkutan.

"Edi puntahan mo. Yayain mo siya."

"So ako pa talaga ang magpapaalala sa kanya? tanggap ko na Anika na hindi na ako mahalaga sa kanya. Ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad niya ako? Diba umalis na nga ako sa trabaho para mabigay ko ang lahat ng oras ko sa kanya kaso mukhang siya naman ang unti-unting nawawalan ng oras at panahon sa amin ng anak niya.

"Alam mo kambal nga kita. Pareho tayong madrama. Pero sana makapag celebrate man lang kayo ni Abe. At sana mapatawad n'yo na ang isa't-isa.

"Hindi ako susuko sa kakasuyo sa kanya. Alam mo naman kung gaano ko siya kamahal.

"You know Vin, if I have a new life I will still choose you to be my brother. Do you know why? because you are a good person. Mapagmahal pa sa pamilya and having a pure heart.

"Thank you."

"So, anong plano?

"Pupuntahan ko siya sa trabaho. Susubukan kong yayain siyang kumain.

"Go! ako na ang bahala kay baby Asher.

I smiled. I honestly have no idea what to do. I feel like hindi parin kami magiging maayos ni Abe. As usual pagtatabuyan niya parin ako. Kahit ganu'n ang nasa isip ko ay pumunta parin ako sa restaurant niya.

And now nasa harapan na ako ng store. Tanaw na tanaw ko ang asawa kong abalang makipag-usap sa mga costumer. Siguro nga ay hindi ko na siya iistorbuhin pa. Hihintayin ko na lang siyang makauwi mamayang gabi. Habang nasa loob ako ng kotse ay may lalakeng kumatok sa bintana ng kotse ko kaya binuksan ko naman ang bintana ng sasakyan.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon