CHAPTER 28: My Love For Him Will Not Change.

662 28 4
                                    

Abe's Pov***

"I miss you my wife. Ayaw kong nagtatampo ka sa akin. Sorry, sorry asawa ko."

Iyon ang huling salitang narinig ko mula sa kanya pagkatapos ay hindi na nasundan iyon.

Five months ago.

Sa limang buwang nakalipas ay marami na ang nagbago. Totoo ngang hindi natin malalaman kung ano ba ang mangyayari kinabukasan o pagdating ng araw. Hindi mo mababasa o mahuhulaan kung anong susunod na mangyayari sa future. At sa limang buwan na 'yon ay marami ang nagbago sa amin ng asawa ko.

"Can you go home now? iyon ang laman ng aking messenger chat mula sa aking asawa. Tinatanong ko kasi kong makakauwi siya.

"I'm not sure. He replied.

"I already cooked our dinner. Akala ko ngayon ang balik mo?

"Babawi ako next time. Bago ko makalimutan baka matagalan ako bago makabalik d'yan.

"Kailan ka pa nagsinungaling sa akin? Diba sabi mo ngayong araw ang dating mo tapos ngayon sasabihin mong matatagalan ka pa bago ka makabalik?"

"Sorry."

"Sorry na naman? palagi kana lang nag-sosorry."

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na lang pinansin ang kanyang message. Pinatay ko na ang computer at sinubsob ko na ang aking ulo sa table. I woke up when I heard na umiiyak si baby. Nagmadali ako upang kargahin at patahanin ang anak ko.

"Shhh, nandito na si mommy. Bakit ka umiiyak anak?" sabay haplos sa kanyang malambot na pisngi. Sandaling tumigil sa pag-iyak si Asher kaya napanatag ako. Napasulyap ako sa orasan alas onse na pala. Muli kong sinulyapan ang natutulog kong anghel hanggang sa bigla na lang itong umiyak.

"Baby, tahan na." sabi ko habang henehele ang anak ko. Medyo kinakabahan na ako dahil hindi ko mapatahan ang baby ko.

"Baby, nagugutom ka ba? may masakit ba sa'yo? natatakot ka ba dahil hindi makakauwi ang daddy mo? O inaantok ka ba? baby please, tahan na."

Naiiyak na ako. Ewan ko ba, bakit ngayon pa ako pinanghihinaan ng loob? kung nandito lang sana si Vin baka mapatahan niya si Asher.

"Anak, paano ko malalaman kung ano ang gusto mo? I'm worried about you Asher. Mahirap hulaan kung ano ba ang gusto mo o nararamdaman mo."

Kinalma ko ang sarili ko. Alam ko kasing walang ibang makakatulong sa akin kundi sarili ko lang. Habang pinapatahan ko si baby ay tinatawagan ko rin sina mama at mommy. Pati sina Gab at Anika. Mas mabuti na ang sigurado.

To the rescue naman sila sa akin. Minsan nga ayaw ko na silang abalahin pa dahil nahihiya na talaga ako sa kanila.

"Abe, nangangayayat kana." pansin ni mama sa akin. Napapabayaan ko na rin kasi ang sarili ko.

"Hindi naman ma. Sagot ko.

Naramdaman ko ang kamay ni mama na hinahaplos ang aking dalawang kamay.

"Napapabayaan mo na ang sarili mo. Magpahinga ka naman anak. Nandyan naman si Ana.

"Ayaw ko namang iasa sa kanya ang pag-aalaga kay Asher. Wala naman din akong ginagawa ma eh."

"Ang lalim na ng mga mata mo. Kulang kana sa tulog.

"Hayaan mo ma, para rin naman kay baby ang ginagawa ko. Masaya po akong inaalagaan ang anak ko.

"Gusto mo bang dumito na lang muna ako?

"Ma 'wag na po. Alam ko namang busy kayo sa trabaho kayo ni papa. At si Gab naman ay ayaw kong abalahin sa kanyang pag-aaral. Ok na po akong nakakapasyal kayo rito tuwing freetime n'yo.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon