CHAPTER 17: Patawarin Mo Ako

1.7K 57 10
                                    

Vin Pov***

"Pinapayagan na kita. Malaya kana Abe. Ito na ang huli nating pagkikita. Ito ang gusto mo diba? Gagawin ko na. Pinuputol ko na kung anuman ang ugnayan nating dalawa. Alam kung wala ng pag-asang maayos pa, patawarin mo ako. Gusto mong bumalik sa akin? please, tama na. Gusto mong ibalik ang nakaraan natin kung gaano tayo naging masaya? Please, tama na dahil wala ka ng babalikan pa.

"Kung kailan tanggap ko na ang lahat saka ka naman bibitaw. Gusto kong maayos ang lahat. Gusto kong ibalik kung saan tayo nagsimula. Sorry, sorry kung ako ang unang naging mahina. Nasaktan kita, tinakwil, pinagtabuyan."

"Patawarin mo ako nakapagdesisyon na ako."

"Bakit ganito? Sa kabila ng lahat mahal na mahal parin kita Vin! Paumanhin, pero hindi kita kayang kalimutan."

Mga luhang patuloy sa pag-agos mula sa kanyang mga mata ay puwang mga bobog na unti-unting bumabara sa aking lalamunan. Hindi ko siya kayang tingnan sa kalagayang higit siyang nasasaktan.

Hinayaan ko lamang siyang yakapin ako. Hinayaan ko lamang siya habang pinipilit akong ayusin ang nakaraan at ibalik kung saan kami nagsimula. Ni hindi ko man lang siya nagawang yakapin o hawakan man lang. Naging manhid ang aking damdamin ng makita kong papalapit sa amin si Sheena. Tinulak ko bigla si Abe kaya napahandusay siya sa lupa.

"Vin! Abe!" Wika ni Sheena at pumagitna sa amin. Ano ba ang nangyayari?" Tanong pa nito. Sumulyap ito kay Abe at tinulungang makatayo. Nakatitig lamang ako sa langit habang pinipigilan ang mga luhang nasa gilid na ng aking mga mata.

"Vin sumagot ka! sigaw pa nito. Alam kong kinikimkim lang ni Abe ang sakit na nararamdaman. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, ni walang linyang mga salita ang sumasagi sa aking isipan.

"Siya ba ang tinutukoy mong asawa mo? Bakit kaibigan ko pa Vin?! Bakit si Abe pa?"

Hindi ako sumagot bagkos napalunok ako at napayuko. Lihim akong nasasaktan sa harapan nila. Tila ba binubuhusan ng likido ang puso ko. Sumulyap ako at nakita kong hinawakan ni Sheena sa kamay si Abe. Humihingi ito ng sorry at nagpapaliwanag kung bakit sa dame ng babae ay sila pang dalawa ang naging asawa ko. Napatikom ang aking mga kamao. Gusto kong sumigaw gusto kong manakit ng taong nagbabait-baitan na parang isang anghel. Naiinis ako!

"Patawarin mo ako Abe, hindi ko alam na dalawa tayo sa puso niya. Kung alam ko lang sana ako na lang ang lumayo pero mahal ko si Vin. Mahal ko ang asawa ko na asawa mo. Ngayon Vin mamili ka sa aming dalawa, ako o si Abe? Sino ba ang mahal mo sa aming dalawa?!"

Napalunok ako. Ito na ang kinatatakutan ko.

"Vin! mamili ka sa amin!" huling sigaw ni Sheena na biglang gumising sa natutulog kong diwa. Napasulyap ako kay Abe na kanina pang humihikbi. Gusto ko siyang lapitan para yakapin. Kaso hindi, hindi maaari. Takot ako, takot akong mawala siya ng tuluyan.

"Mahal na mahal kita Abe. Ikaw ang pinipili ng puso ko. Abe please, sana marinig mo ang bulong ko sa hangin."

"Ano pang hinihintay mo Vin! mamili ka sa aming dalawa! Si Abe ba o Ako?! Hirit pa ni Sheena. Bago ako sumagot napasulyap uli ako kay Abe. Pumatak ang mga luha ko bago ko ibuka ang mga labi ko.

"Patawarin mo ako, nakayuko kong sabi. Sorry Abe dahil si Sarah ang pinipili ko. Mahal ko si Sarah kaya sana maintindihan mo iyon."

Dinig na dinig ko ang paghagulhol niya. Kung gaano siya nasaktan sa naging sagot ko.

"Hindi ako naniniwala Vin, ako ang mahal mo diba?" hikbi niyang sabi at lumapit sa akin. Tinakwil ko ang mga kamay niya at tumalikod na sa kanya.

"Vin nakikiusap ako! sabihin mong ako ang pinipili mo! mahal mo ako diba?"

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon