CHAPTER 7: Pagod Na Ako

4.4K 92 11
                                    

"Mahal, narito ako ngayon nakatayo sa harapan mo. I am yours now from this moment on. Take my hand. Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin. Magpakasawa ka, gawin mo ang lahat habang nandito pa ako.

Nakatitig lang siya sa akin. Nanggigilid ang kanyang mga luha. Hinawakan niya ang aking kamay and he rubbed my cheek slowly.

"Please do not speak." bulong niya sabay dikit ng noo niya sa noo ko. Hindi ako nagpapigil kundi nagpatuloy parin ako sa pagsalita.

"Maybe it's time to let go. It's time to move on. It is the time to forget what we have shared. Ayaw kong mawala ka. But i have to let you go. It hurts me more when i still kept on holding someone who do not even value my presence. Mas mabuti pang sabihin ang salitang goodbye than staying in the wrong one. I'm tired for so many lies. Yung tipong gusto kong umiyak pero walang luhang gustong tumulo siguro pagod na ang mga mata ko at naubos na sa kakaiyak.

"Come back to me. Please i need your love, Abe." Niyogyog niya ako habang nakahawak sa magkabilang balikat ko to the point na baka magising pa ako at bawiin ang mga sinabi ko.

"I want you to stay but you never love me anymore! sigaw ko.

"I really don't want you to go Abe!" You know i love you! Don't do that to me!"

"I let you go not because i don't love you anymore. I let you go because ito ang tama. Mahal kita pero may mahal ka ng iba. I let you go because i know that you will be happy with her. Nawala na rin ang lahat ng mga pangarap nating dalawa. Nasira na ang lahat sa isang pagkakamali. Pagod na ako! Pagod na pagod na ako Vin!

"Abe ngayon kapa ba susuko? Ngayon pa na minamahal na kita? What i mean ngayon kapa susuko kung marami na tayong ginawang memories? Mahal na mahal kita iyon ang totoo kaya pakiusap huwag mo naman itong gawin sa akin dahil hindi ko kakayanin."

"Kalimutan na natin ang lahat. Sa mahabang panahon na magkasama tayo sabay nating buburahin iyon ngayon. Napasulyap ako sa kamay ko at hinugot ko ang wedding ring namin sabay pakita sa kanya. "Itong singsing hindi ko na ito kaylangan kaya mas mabuti pang itapon na lang ito! Binato ko ang singsing hanggang sa hindi ko na ito makita. Dapat umiiyak na ako pero walang luha ang lumalabas. Siya naman ay mugto na ang mga mata habang pinipigilan ako.

''Wag kang umalis, ayaw kong mawala ka."

"Pagod na ako. Tama na ayaw ko ng magpakatanga sa taong hindi naman nakikita ang halaga ko. Hindi ikaw ang pag-ibig ko! Hindi ikaw ang taong dapat alayan ko ng pagmamahal kong ito. Kung mayroon man sana sa tamang tao na. Kalimutan mo na ako at kakalimutan na rin kita.

"How can i unlove you when you give me so much to remember?

"Tomorrow is a lonely day that i must face. Sasanayin ko na ang sarili ko na wala kana sa tabi ko. Tuwing gigising ako iisiping hindi kita nakilala. Kunting iyak na lang ito maayos na ang lahat makakangiti na rin ako ng totoo at hindi na uli masasaktan. After kong sabihin iyon ay tumalikod na ako. Pinigilan niya naman ako na halos hindi na makagalaw sa sobrang higpit nang pagkakayakap niya. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon dahil huli na, iyon na ang huling mayayakap niya ako.

Matagal bago niya ako binitawan. Hindi na ako lumingon dahil kapag lumingon pa ako baka hindi ko kayanin. Panahon na para matauhan ang puso ko. Panahon na para pagpahingahin ang pusong nasusugatan. Hihintayin ko ang araw nang paghilom at muling harapin ang bagong bukas.

After one week bumalik ako sa bahay. Sa bahay na noon ay plinano namin noong nag-aaral pa lang kami. Nangangarap noon na titira kami kasama ang magiging anak namin. Ngayon naglaho na ang lahat. Nasa tapat na ako ng gate nakatitig lamang habang iniisip kung tutuloy pa ba o hindi. Sa oras na pumasok ako sa loob baka hindi ko na kayang lumabas pa. Iniwan ko ang malalim na pagbuntong hininga bago ako nagdisesyong pumasok sa loob. Vin is at work kaya binuksan ko ang pinto ng bahay. Alam kong wala siya ngayon dito kaya malaya akong gawin ang gusto ko. Lahat ng bagay na makikita ko sa sala ay tinitigan ko. Hinipo ko ang paboritong sofa na madalas hinihigaan namin tuwing pagod kaming pareho. Ang sofa na madalas noon ay tambayan namin para maglambingan. Ang sakit sa dibdib kapag naaalala ko iyon. Dumako ako sa kusina. Nakikita ko ang mga araw na sobrang sweet niya. Hindi siya umaalis sa tabi ko hangga't hindi ako natatapos magluto. Naiinis pa 'yan sa'kin kapag sobrang tagal ko sa kusina. Nakayakap habang nakasuksok ang ulo niya sa balikat ko. Inaamoy niya rin ang batok ko at madalas niyang ikiss kaya minsan imbis sumarap ang luto ko ay kung anong elemento na ang sumanib sa lasa ng niluto ko. Napangiti ako sa alaalang iyon.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon