CHAPTER 19: Dalawang Pasyente

1.1K 31 0
                                    

Kiefer Ang's Pov***

Kung matutupad lang ang mga bulong ng puso ko siguro ako na ang isa sa mga pinakamasayang tao sa mundo. Nagtagpong muli ang aming mga mata at nilandas ng aking mga paa ang pwesto niya upang yakapin siya ng mahigpit.

Oo siya. Siya lamang ang kinabaliwan ko ng ganito. Sa kanya lang ako umibig kahit alam kong kasalanan ang mahalin siya. Kung pwede ko lang aminin sa kanya kung ano ba talaga ang totoo kong nararamdaman ay ginawa ko na.

"Abe mahal na mahal kita." Iyon ang binubulong ko sa hangin habang nakayakap parin sa kanya.

"Boss anong may'ron? palag niya mula sa mga yakap ko.

"Bawal bang kumustahin ang isang kaibigan? bumitaw ako mula sa pagkakayakap at ngumiti sa harap niya.

"Hmm, masaya ako. Masaya akong nakita ka Keifer."

"Mukha namang nag-eenjoy ka rito kasama ang mga ibon at kalapating nasa himpapawid.

"Ang mabuti pa ay pumasok tayo sa loob. Malayo ang lugar na ito para puntahan mo. Ganu'n mo ba ako na miss?

Napatitig ako sa kanya.

"Isang araw lang na hindi kita makita halos mamatay na ako." iyon ang nasa utak ko na dahilan kung bakit biglang natulog ang diwa ko.

"Baka pagod ka pa sa byahe Keifer, kinakausap kita pero hindi kaman lang sumasagot.

"A-ano nga ulit iyon? pasensya kana siguro nga napagod ako sa byahe.

"Wala!" sagot niya at hinila niya ako papasok ng bahay ni manong Renzo.

Pagdating namin doon ay agad akong sinalubong ng dalawang batang nasa sampong taong gulang ata iyon. Magkabila nila akong hinawakan sa kamay at tinanong ng kung anu-ano.

"Doon po tayo sa kubo ni itang. Sakto po nakapagluto na ang itang namin." sabi ng isang batang nasa kaliwa ko.

"Kayo po ba ang asawa ng ate Abe namin? Ang gwapo niyo naman po." sabi naman ng isang batang babae na nasa kanan ko. Napasulyap ako kay Abe na tawang-tawa sa mga tanong ng bata.

"A-eh-nauutal kong wika sabay hinto at kamot sa aking ulo.

"Kuwan kasi, hi-hindi ako ang asawa ng ate Abe ni'yo. Dagdag ko na nagpasimangot sa dalawang bata.

"Eh, sino po?" Sabay pang tanong ng dalawa.

Lumuhod ako sa lupa para magkasing height lang kami ng mga bata. Hinawakan ko sila sa magkabilang balikat.

"Alam ni'yo isa ako sa mga kaibigan ng ate Abe ni'yo. Ako si kuya Keifer.

"Sorry po kuya Keifer kung napagkamalan ka naming asawa ng ate namin. Ako po pala si Mikee." sabay ngiti. Napasulyap ako sa kapatid niya na nakangiti rin.

"Ako naman po si Mika. May asawa kana po ba kuya Keifer? Gusto ko katulad mo ang magiging asawa ko."

Napahalakhak ako ng malakas. Nakakatuwa naman sila. Kahit na medyo malilito ka kung sino sa kanila si Mikee at Mika ay makikilala mo agad dahil palabiro ang isa. Hindi ko akalain na may kambal na anak si manong Renzo.

Pagdating namin sa loob ay agad naman akong sinalubong ni Renzo. Natuwa ito sa pagdalaw ko. Gabi na hindi parin ako makatulog dahil sa mga kulisap at kuliglig na aking naririnig.

Napagpasyahan kong manatili muna sa labas habang hinihintay na dalawin ng antok. Habang nakaupo ako sa upuang gawa sa kawayan ay tila ba may kakaiba akong naramdaman.

"Gabing-gabi na sir bakit gising pa ho kayo? bungad sa akin ni manong Renzo.

"Kahit ipikit ko ang aking mga mata ay hindi parin makuhang pumikit nito. Hindi ko alam kung bakit, ngunit isa lamang ang aking nasisiguro.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon