CHAPTER 34: Forgiveness

666 16 0
                                    

Abe's Pov...

We all fell silent as the priest began to speak. The ceremony was short and the last one was unexpected na ikinagulat naming lahat.

Bigla kasing bumagsak ang kanang kamay ni Sheena, senyales na wala na ito at nahulog ang isang nakatuping papel mula sa kanyang kamay.

"Sarah!" mahinahon lang ang boses ni Jaylord habang inaalog ang nakayukong si Sheena. Tahimik lang kami habang naghihintay na sumagot kahit man lang mula sa mahinang boses.

"Hindi mo na ba ako mahihintay?" aniya at napaluhod na si Jaylord kasabay nang pagyakap nito kay Sheena. Nakita ko ang kalungkutan nito habang kinakausap parin ang babaeng alam kong matagal niya ng minahal.

"You need to rest. I know you are tired." Bulong nito habang nakadikit ang labi sa noo ni Sheena at tuluyan na ring bumagsak ang mga luha. Sandali nitong inabot ang nakatuping papel at binasa ang nakasulat. Kinalaunan ay tumingin ito sa akin, tumayo ito at tahimik na lumapit sa pwesto ko.

"Alam kong para sa'yo ito. Aniya habang inaabot ang papel sa akin matapos nitong makita at mabasa ang sulat. Napasulyap ako sa papel na nasa kamay nito.

"Kunin mo." he added. Kinuha ko naman at nakita ko ang sulat kamay na hindi ko naman napigilan na hindi basahin iyon.

Ang kamatayan ay nakaabang na sa akin at hindi ko tatalikuran iyon. Kapag wala na ako, alam kong walang mga luhang babagsak mula sa mga mata ninyo habang ang katawan ko ay unti-unti ng binabaon sa lupa. Because I know I have left many wounds in your hearts na alam kong mahirap kalimutan. Ang mga aparatong nakakabit sa aking katawan ay siyang dahilan kung bakit kailanman ay hindi ko na masisilayan ang mundong sana ay tunay kong minahal. Naging makasarili ako, na akala ko makukuha ko ang lahat ng gusto ko. Hinayaan ko ang sarili ko na lamunin ng kasamaan hanggang sa marami akong nasaktan. With each passing day I am ashamed to call on the name of God. Kahit ang panginoon ay baka hindi ako mapatawad. Alam kong wala ng makikinig at maniniwala sa akin dahil inaamin kong masama akong tao. But I gained strength, the light peeking out the window every morning was the way for me to continue my life to fight. Gusto kong lumaban, gusto ko pang mabuhay kahit sandali because i want to apologize to them, gusto kong humingi ng tawad sa mga taong nasaktan ko at higit sa lahat sa inyong dalawa Abe and Vin. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa inyo bago man ako mamatay ay masabi ko iyon. Hindi ko na kayo mahihintay pa dahil alam kong anumang oras at araw ay mawawala na ako kaya sa pamamagitan ng sulat na ito ay sana maipaabot ko sa inyo ito at maibsan ang bigat na nasa dibdib ninyo. Umaasa akong sana kahit papano ay mapagaan ko ang loob n'yo at mabawasan ang galit d'yan sa puso n'yo. Alam kong mahirap magpatawad at hindi ko hinihingi agad iyon. Hindi na ako magtatagal, napapagod na ako at hirap na hirap na ako sa kalagayan ko. Alam kong hindi ako perpekto alam kong nagkamali ako at hindi ko man lang pinag-isipan ng husto ang mga naging desisyon ko. Marami akong natapakan, marami akong nasaktan, at marami akong nasirang pamilya. Sana hindi kayo magsawa na patawarin ako sa mga paghihirap at sakit na iniwan ko sa inyo. Habang pinagsisisihan ko ang mga kasalanan ko ay mas lalo kong nakilala ang sarili ko. Marami akong natutunan, na sana noon pa ginawa ko na. Huli na, huli na. Vin? Abe? i'm so sorry. Patawarin ninyo ako." At sa lahat ng mga taong nasaktan ko. Vin, thank you for agreeing to play Paubaya ni Moira Dela Torre. Iyan ang huling request ko bago ako mawala. Pinaintindi sa akin ng kantang 'yan kung paano palayain ang isang tao. At mas naunawaan ko na ngayon na kailangan ko ring magpaubaya. I love you so much Vin pero mas higit kang mahal ni Abe. Pinapaubaya na kita, pinapalaya na rin kita. Tinatanggap ko na rin na kailanman ay hindi magiging akin ang lalakeng minahal ko ng lubusan. Kung saan man ako dalhin ng tadhanang nakalaan sa akin pangakong hinding-hindi ko na kayo guguluhin.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon