Abe's Pov**
Tumambad sa akin ang babaeng hindi naman pamilyar sa akin. Isang babaeng maamo ang mukha. Isang babaeng napakaganda at sexy. Hindi ko akalaing magkakaroon ng ganoong kaibigan si Gab. Nalaman ko lang nang ikwento ni Sarah ang tungkol sa kanila ni Gab.
Hindi na ako nagtaka at nagtanong pa dahil siya pala ang tinutukoy ng kapatid ko. Hindi naman kasi ako madalas lumabas ng bahay dahil sa nangyari sa akin. Salamat dahil naghilom na ang sugat mula sa pamamaril sa akin ng hindi pa nakikilang suspek.
Isang buwan na ang nakalipas mula ng makilala ko si Sarah. Madalas siyang nasa bahay at siya rin ang madalas na kasama ni Gab. Nabanggit niya sa akin na gusto niyang ipakilala sa amin ang kanyang asawa. Naalala ko tuloy si Vin dahil sa mga kwento niya.
Magaling na ako. Katulad ng sinabi ni Vin ginawa ko iyon dahil gusto kong magkita na uli kami. Pero ang sabi ni Gab bumalik ito sa ibang bansa dahil mas kailangan siya ng kanyang pamilya. Kailan? Kailan ba kami babalik sa dating kami? Kailan ba maaayos ang lahat para maibalik namin kung saan kami nagsimula.
Nasa balcony ako. Tanaw na tanaw ko ang naliligong si Gab na nasa pool kasama nito si Sarah.
"Baka gusto mong sumama sa kanila. I looked behind who spoke si Keifer pala.
Humarap ako sa kanya na may kasamang mga ngiti.
"Mas ok na akong nakikitang nag-eenjoy sila.
"Sabihin mo kung saan mo gustong pumunta sasamahan kita Abe.
"Hindi kaba napapagod at nagsasawang kasama ako? Alam mo boss nahihiya na talaga ako sa'yo. Muli akong tumingin sa dako kung saan nakapwesto sina Gab at Sarah. Naramdaman kong lumapit sa akin si Keifer at inabot ang isang bote ng mineral na kanina pa niyang hawak. Kinuha ko naman at nagpasalamat.
"Ginusto ko ito. Mas gusto kitang kasama at nakikita. Kahit paulit-ulit man tayong nagkikita hindi parin ako magsasawa sa'yo.
"Keifer." iyon lamang ang aking nasambit habang nakatitig sa kanya.
"Lilinawin ko lang ang sinabi ko. Hindi ako magsasawang tulungan ka dahil magkaibigan tayo Abe. Alam mo 'yan diba?
Tumango ako at nginitian siya.
"Ikaw talaga kung ano-ano ang iniisip. Sabay gulo sa aking buhok. Inayos ko naman at naupo na.
"Sabihin mo namimiss mo lang ang asawa mo. Napakaswerte naman ni Vin dahil nagkaroon siya ng babaeng katulad mo. Dagdag pa niya.
"Why do you still not have a sweetheart? you are handsome, mabait at maginoo."
Tinawanan niya lang ako at tumalikod sa akin habang nakatanaw sa di kalayuan.
"How can i have a gf kung pagmamay-ari na siya ng iba?
"Hala sino?"
"Hindi mo kilala kahit sabihin ko pa.
"Kaya nga kikilalanin ko eh."
"Wag mo ng isipin iyon sasakit lang ang ulo mo.
"Malay mo makatulong ako.
"Ayos lang. I don't want to ruin others' relationships. It's okay for me na ako lang ang nasasaktan. Alam kong mahal na mahal nila ang isat' isa kaya ako na lang ang mananahimik.
"You need hug? sabi ko. Sa kabila ng lahat ng naitulong niya sa akin dapat ako naman ang maging sandalan niya. Niyakap ko siya at binulungan.
"Kaya mo 'yan boss nandito lang ako.
Sumunod na araw.
Kami lang ni Sarah ang nasa loob ng kotse. Magkatabi kami sa upuan. Tahimik kaming pareho habang hinihintay si Gab at Renzo na nasa loob pa ng bahay. Bakit ang tagal nila kukunin lang naman ang mga naiwang foods na niluto ng maid namin. Napagkasunduan kasi naming magpicnic dahil matagal na rin ng huli naming gawin iyon.
BINABASA MO ANG
He Cheated
RomanceI may forgive you, but i am not stupid enough to trust you again. Cheating me was your choice not a mistake - Abegail Olesco