Kiefer Ang's Pov***
Bakit nga ba hanggang ngayon ay wala pa rin akong nobya? ito ang huling tanong sa akin ni Abe noon.
Bakit nga ba? Kahit man ako ay hindi ko kayang sagutin. Isa ako sa naging malapit na kaibigan ni Abe. Mula nang magtrabaho sa akin si Abe bilang sekretarya ko ay naging magaan na ang loob ko sa kanya.
I remembered I didn't want her before. Instead of hiring another applicant, I still managed to accept her. Siguro dahil nakukulitan na ako sa kanya. Pinipilit niyang magaling siya, smart at kaya niyang gawin ang lahat. Pag-aaralan niya lahat ng mga trabahong ibibigay ko sa kanya dahil mabilis siyang matuto. Wala akong nagawa kaya binigyan ko siya ng pagkakataong magtrabaho sa akin.
Lumipas ang mga araw ok naman siya. Unti-unti ko siyang nagugustuhan. Magaling siya katulad ng sinabi niya. Ewan ko ba pero dumating ang araw na biglang tinamaan ako sa kanya. Bagama't alam kong may asawa na siya ay pinagpatuloy ko paring magustuhan siya.
Mali diba? Maling magmahal ng isang tao na alam mong pagmamay-ari na ng iba. Ngunit ang puso ay hindi kayang turuan kong sino ang dapat nitong magustuhan.
There are days when I just stare at her mula sa malayo. There are days when I look at her in the middle of work. Napapangiti na lang ako ng lihim. Doon ko nalaman na na iinlove na pala ako sa kanya. She rarely smiles but her beauty is still there. Mula sa aking mga daliri wala pang sampo ang mga ngiting nakita ko sa kanyang mga labi.
Tinanong ko ang sarili ko. Pwede ko naman siyang pangitiin sa ibang paraan. I decided to give her flowers and chocolates in secret. Minsan iniiwan ko sa labas ng kanyang office. Well, maraming beses kong ginawa iyon sa halip na mapasaya ko siya ay mas lalong nagalit. Usually I wait for her to come home first. Pero wala akong magagawa dahil tuwing dadaanan ko siya sa kanyang opisina ay sinasabi niyang tatapusin niya lang ang trabaho niya.
Mga gabing gusto niyang manatili sa office ay gabing umiiyak siya. Sa bawat hikbi niya at bawat mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata ay puwang masasakit. Nalaman kong may ibang babae ang kanyang asawa. Nalaman kong buntis siya. At plano niyang surpresahin ang kanyang asawa ngunit sa kabila ng lahat ay nawala ang dinadala niya. Ako ang unang nasaktan. Alam iyon ng mommy ko dahil walang ibang magsasabi nu'n sa akin kundi ang kanyang private doctor na si Divina Ang. Siya ang mommy ko na palagi kong sinasabi ingatan niya si Abe.
At those times I wanted to be with Abe. I could do nothing napakasakit na makita siyang nasasaktan. If I could just hug her I would.
Siguro kung ako ang una niyang minahal hindi ko hahayaang masaktan siya ng ganito. Si Abe ang babaeng nakita kong mahilig magtago ng tunay niyang nararamdaman. Napakagaling niyang ngumiti sa harap ng maraming tao.
Tuwing lumalapit siya sa akin para ayusin ang polo ko napapatitig na lang ako sa kanya. Iniisip kong sana ako na lang. Sana ako na lang ang mahalin niya. Tuwing hinahatid ko siya palagi kong tinititigan ang mga mata niyang malungkot.
Lumipas pa ang maraming taon mas naging komplikado ang lahat. Bagamat nandoon ang hirap at sakit na kanyang pinagdaanan ay hindi ako nawala bilang boss at kaibigan niya. Yung nararamdaman ko ay mas lalong lumiliyab hanggang sa dumating sa puntong mahal na mahal ko na siya.
Ako itong mas nakakaintindi sa sitwasyon niya kaya kung sasabihin ko ang tunay kong nararamdaman ay baka mas lalong maging masakit sa kanya. Ayaw kong malaman niya dahil baka mawala siya ng tuluyan sa tabi ko. Okey na akong ganito, simple lang naman para mawala ang sakit na kinikimkim ko dahil dinadaan ko na lang sa alak. When the pain is still there I let myself get drunk hanggang sa makatulog ako.
Ganito magdusa ang taong may lihim na pagtingin. Wala tayong magagawa dahil pinili natin ito. Masakit man sa damdamin kaya paring tiisin.
Itong huling mga nakaraan tila ba may napansin ako. Pagkatapos mabaril si Abe ay biglang may dumating sa buhay ng magkapatid. Kinilala nila bilang si Sarah Conde. Sa una naming pagkikita ay hindi na ako naging comportable sa kanya. May mga pagkakataong iba ang mga titig niya. Simula nu'n I tried to investigate her. Kumuha ako ng mga taong mag-iimbestiga sa pagkatao niya. Walang ibang nakakaalam nu'n kundi ako lang at ang mommy ko.
BINABASA MO ANG
He Cheated
RomanceI may forgive you, but i am not stupid enough to trust you again. Cheating me was your choice not a mistake - Abegail Olesco