CHAPTER 35: Wala Na Akong Magagawa

637 27 21
                                    

Abe's Pov***

I’m tired, can’t think of anything at gusto ko lang ipatong sa table ang aking mukha.

Hindi pa ako makuntento kaya sinubsob ko ang mukha ko sa table at doon nagsimula na namang pumatak ang aking mga luha.

Hindi ko alam kong dapat ba akong magpasalamat o magalit na lang. Oo inaamin ko napapagod din ako at hindi ako manhid upang hindi ko maramdaman yung sakit.

Si Vin kasi ginawa niyang isang fairy tale yung buhay namin. Yung akala ko tuloy may happy ending. Yung akala ko gagawin niya akong reyna o kaya prinsesa sa kaharian niya. Nilagyan niya ng magic yung buhay namin na inakala kong magiging masaya kami hanggang dulo. Every note he play and every word he write ay puwang isang mahiwagang bagay na lang sa akin.

Malaki na ang anak namin ngayon. Bakit ngayon pa? Sa isang iglap lang? nawala ang lahat.

Hindi na ako aasa na may happy ending pa. Kasi ngayon pa lang unti-unti ng nasisira ang relasyon namin. Marami kaming napagdaanan, naging malakas at matatag kaming mag-asawa kaya lahat ng pagsubok at problema namin noon ay napagtagumpayan namin pero iba yung ngayon. Ibang-iba yung ngayon. Kahit ako inaamin ko sa sarili ko na ayaw ko na, suko na ako at pagod na ako.

Asher's 16th Birthday

"Nak, mag-wish kana." ani ko habang nakatitig lamang sa anak ko. Binata na si Asher malaki na siya ngayon. Mas matangkad pa siya kaysa sa akin. Kamukhang-kamukha siya ng daddy niya.

"Simple lang naman po ang wish ko." sabi niya at ipinikit niya ang kanyang mga mata.

"Sana bumalik na si daddy. Gusto kong makita ulit ang mga ngiti ng mommy ko. Sana mabuo ulit tayo. Miss na miss ko na po iyon." sinabi niya iyon sa harapan ko mismo kasabay ng mga luhang nanggigilid mula sa mga mata niya.

Niyakap ko si Asher. Hindi ko pinakita  sa kanya ang lungkot at sakit na nasa dibdib ko. Ayaw kong masaktan ang anak ko dahil lang sa malungkot ako.

"Binata kana anak. Sobrang laki na ng pinagbago mo. Alam mo? masaya ako na nandyan ka. Masaya ako dahil kasama kita. Ikaw ang lakas ko Asher. Happy Birthday anak. Lagi mong tatandaan mahal na mahal kita.

Habang nakayakap ako sa anak ko ay siya namang pagtulo ng mga luha ko. Ang hirap, ang hirap magpanggap na ok ka, na masaya ka kapag kaharap mo ang anak mo.

Gabi na. Nakauwi na ang mga bisita. Nakapaglinis na rin. Tahimik na ang buong bahay. Nagpapahinga na rin si Asher sa kanyang kwarto habang ako umaasa pa rin na mabigyan ni Vin si Asher kahit sandali o kaunting oras man lang at maalala niya na kaarawan ngayon ng kanyang anak.

"Mom? bakit gising ka pa po?" napasulyap ako kay Asher na nasa dulo ng hagdan. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Lumakad ako papunta sa main door at nilock na ang pinto.

"Hindi kasi ako makatulog nak."

"Dahil po ba kay daddy? namimiss mo na siya?

Umiwas ako sa tanong niya.

"Papasok na ako sa kwarto ko. Matulog kana rin."

"Opo." sagot niya sabay halik sa pisngi ko. "Good night mom."

"Good night." sagot ko naman.

Yung tipong antok na antok kana pero hindi ka makatulog. Paikot-ikot lang ako sa kama hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako. Kinabukasan paggising ko bumungad sa akin ang isang napakalaking kahon. Sigurado akong para kay Asher iyon dahil may naka- note naman. Hinayaan kong si Asher ang magbukas ng kahon dahil para sa kanya naman iyon. Nagluto muna ako ng agahan. Niready ko na rin yung breakfast para kay Asher bago ako maligo dahil maya-maya ay papasok na rin ako sa trabaho.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon