CHAPTER 5: Hindi Ko Kakayanin

4.7K 80 1
                                    

Kapag nagmahal ka hindi pwedeng hindi ka masaktan. Iyan ang mapait na reyalidad. Ang susubok sa'yo dahil iyon naman talaga ang totoo. Kung mahina ka talo ka. Hindi mo alam kung saan magsisimula at paano ito tatapusin. Katulad ko, umasa ako sa mga pangako. Nalinlang ako sa mga matatamis na salita. Ngayon ako ang mas higit na nasasaktan. Nagmahal lang naman ako ng totoo, heto ako nagpapaloko parin at kayang magtiis at magsakripisyo.

Matapos niyang saktan at malinlang, kapag nakita ko siya at paulit-ulit na humihingi ng sorry lumalambot agad ang puso ko. Mahal ko si Vin, mahal na mahal ko ang asawa ko.

Two weeks na ako rito sa Cebu. Inaalala parin kung ano ang kalagayan ng asawa ko. Namimiss ko na siya, pero siya namimiss din kaya ako? Ni isang call at text wala akong nareceive galing sa kanya. Nakahiga lang ako sa kama ko habang hinihimas ang tiyan ko.

"Abe anak!" sigaw ni mama mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at pinagbuksan ang humahangos na si mama. Medyo may katandaan na kasi kaya hiningal dahil nasa second floor pa ang kwarto ko at hindi naman siya madalas umakyat dito.

"Ma? bakit po? Pasok kayo ng makapagpahinga kayo. Pinaupo ko muna si mama bago ko siya pinagpatuloy sa pagsasalita.

"Nasa labas si Vin. Ayaw niya namang pumasok dahil baka raw magalit ka.

"Si-si Vin po?" gulat kong tanong.

"Puntahan mo na siya anak, kausapin mo.

Napalunok ako at sumilip sa bintana. Nakita ko ang asawa ko habang nakasandal sa harapan ng kanyang sasakyan. Humarap akong muli kay mama at tumango na lang. In short pinuntahan ko ang asawa ko para kausapin siya.

Magkaharap na kami ngayon. Walang may gustong magsalita kundi matagal na titigan na para bang namimiss namin ang isat'isa.

"Sa loob tayo hinihintay tayo roon ni mama. Akmang hahakbangin ko na ang aking mga paa ng bigla niya akong pigilan at hawakan sa aking kamay.

"Nagkamali ako, pakiusap patawarin mo na ako. Nagsisisi na ako sana bumalik kana mahal ko. Tanggapin mo akong muli dahil hindi ko kakayaning mawala ka sa akin. Hindi na mauulit dahil ito na ang huling pagkakamali ko. Sorry Abe, please." Sabay yakap sa akin isang backhug na sobrang higpit.

Napapikit ako. At nagkunwaring ok lang ako.

"Bawat sandali hinahanap-hanap kita Vin! Araw at gabi hinihintay kita pero nasaan ka?" Nasaan na rin ang Vin na nakilala ko noon? naiiyak kong sabi habang nakayakap parin siya.

"Nasaktan man kita hindi ko sinasadya. Mahal kita asawa ko. Please umuwi na tayo."

"Ginawa mo akong kawawa Vin! Noong gabing iyon akala mo ayos lang ako? Halos bumaha ng luha, wala akong kasama habang umaasang darating ka. Ang sakit ng ginawa mo! Ang sakit-sakit!" Lumayo ako sa kanya pero hinihila niya parin ako. Tinulak ko siya. Heto na naman umiiyak na naman ako. Kasabay ng pagpatak ng ulan. Sa wakas dahil hindi makikita ni mama na umiiyak ako. Pasalamat ako dahil wala sina papa at Gab dahil kung nandito iyon malamang baka nasigawan na naman siya ng kapatid ko. Wala kaming pakialam at hindi na rin ininda ang ulan.

"Labis ang pagsisisi ko Abe. Umaasa akong babalik ka. Hayaan mong bumawi ako sa'yo. Halika na umuwi na tayo. Tuwing gabi sinisigaw ang pangalan mo pati sa panaginip ikaw ang hinahanap-hanap ko.

"Umalis kana pakiusap!"

"Hindi ako aalis dito, hihintayin kita.

Hinayaan ko siyang yakapin ako. Sa gitna ng ulan wala kaming ginawa kundi ang umiyak pareho. Humarap ako sa kanya at nilakasan ang loob kong kausapin muli siya.

"Noon, nag-aaway man tayo pero hindi na pinapatagal. Pero ngayon hindi ko na maintindihan! Lagi nating tinatandaan ang mga sumpaan natin noon. Naaalala mo pa ba iyon? na love each other, don't lie, pero pakiramdam ko ang dami-dami mong tinatago sa akin. Stay sweet, malabo ng mangyari iyon na halos araw-araw iyon ang hinahanap ko sa'yo. When you get hurt just forgive and forget, noon kung sino ang may mali inaayos na natin at pinapatawad ang isa't-isa maliit man o malaki ang pagkakamali.  Pero ngayon para bang ang hirap-hirap ng tanggapin ang salitang sorry. Never talk about break-ups and when you had a fight, don't let the day pass. Ilang araw na tayong ganito Vin pero ang sakit-sakit parin. Ang sarap magmahal ng katulad mo pero noon iyon. Sabi ko pa nga noon ikaw ang kayaman ko dahil ikaw lang ang taong higit na nagpapasaya at nagpapangiti sa akin.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon