CHAPTER 23: Please Stay By My Side Forever

1.3K 50 5
                                    

Vin's Pov***

Wala akong magawa. I can't do nothing. Napasulyap ako kay Sheena na walang tigil sa pag-halakhak habang pinanonood ang kalagayan ng asawa ko. Bumagsak ang mga luha ko ng muli kong sulyapan si Abe. Nahihirapan na siyang huminga mula sa loob ng salamin na punong-puno na ng tubig.

"Abe! sigaw ko at pinilit kong kalasin ang kadenang nasa kamay at paa ko pero nabigo ako. Ngayon ko pinagsisisihan ang lahat ng mga nagawa ko. Kung hindi lang sana ako naging duwag at naging sunod-sunoran kay Sheena hindi sana aabot sa ganito. Napaluhod na ako habang umiiyak. Nawawalan na ako ng lakas. Kusa ng pipikit ang aking namumugtong mga mata.

Ngunit biglang bumukas ang pinto. Lahat ng atensyon namin ay nakuha nila. Bumungad sa amin ang mga police. Nagulat ako at hindi ko inasahan iyon.

"Mga police kami!"

Napasulyap ako kay Sheena na bigla na lang hinablot ang baril upang depensahan ang kanyang sarili.

"Wala kayong karapatang hulihin ako! hindi ako kriminal at wala kayong ebidensya laban sa akin!"

"May Warrant of Arrest kami laban sa'yo.

"Hindi! walang katotohanan 'yan!"

Malakas ang boses ni Sheena habang pinipilit niyang wala siyang kasalanan. Iyon na lang ang huli kong nakita at narinig. Bumagsak na ang katawan ko sa sahig at bigla na lang akong nawalan ng malay.

Pagdilat ng aking mga mata ay nakita ko agad sina Anika at Keifer na nag-uusap malapit sa pwesto ko. Siguro nga ay hindi nila ako napansin. Nakikinig lang ako sa kanila, ewan ko ba dapat ba akong maging masaya? Naalala ko ang mga pangyayari at alam kong inaresto ng mga police si Sheena at ang mga tauhan niya. Dapat nga talaga akong maging masaya dahil makukulong na ang babaeng sumira sa amin ng asawa ko. Nagpanggap akong tulog habang nakikinig lamang sa kanila.

"Hinuli si Sheena sa bisa ng warrant of arrest na inilabas matapos siyang ireklamo sa patong-patong niyang mga kaso ayon kay NBI Cybercrime Division chief David De Guzman. Tama lang iyon sa kanya dahil matagal na dapat nangyari iyon. She will die in prison! Hayop siya!"

"Huminahon ka Anika. Ang mahalaga ay nahuli na siya ng mga pulis. Natuklasan ng NBI na may mga warrant laban sa kanya para sa iba pang mga kaso gaya ng human trafficking, Illegal recruitment at estafa. Napakaraming kaso kaya mabubulok siya sa kulungan. Iniimbestigahan na ng NBI ang totoong pagkatao ni Sheena o Sarah Conde man 'yan, bukod sa panloloko at paggamit ng ibang pangalan.

"Salamat Keifer, salamat dahil tinulungan mo akong mahuli ang babaeng iyon. Ngayon matitikman niya ang paghihiganti ko.

"Hindi mo na kailangan pang gumanti dahil ang batas na ang bahala sa kanya. Ang isipin natin ngayon ay ang kalagayan ni Abe.

Nang marinig ko ang pangalan ni Abe ay agad akong bumangon. Hindi paman ako lubosang magaling pero pinilit ko parin ang sarili kong makaalis sa kamang hinihigaan ko.

"Vin?" Masaya akong gising kana. Te-teka tatawag ako ng doctor."

"Please Anika, dalhin mo ako kay Abe. Gusto kong makita ang asawa ko." Tiningnan niya lang ako at agad na lumabas ng silid. Pinaubaya niya ako kay Keifer na nanatiling nasa tabi ko upang alalayan ako.

"Huminahon ka Vin."

"Paano ako hihinahon kung wala sa tabi ko si Abe? Kung ikaw ang nasa kalagayan ko anong mararamdaman mo? Ha? Keifer?"

Hindi na siya nagsalita pa dahil nandyan na ang doctor at mga nurse. After nila akong icheck ay kinausap nila si Anika na siyang ikinalawak ng ngiti ng kambal ko. Naging kampante naman ako dahil kailangan ko ring magpalakas para kay Abe. I know I'm not dreaming anymore. This is the beginning and I know everything is going well. Umayos ako ng higa dahil papalapit na sa akin si Anika at Keifer.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon