CHAPTER 1: Mga Pahina Ng Ating Nakaraan

6.4K 102 6
                                    

Binuhos mo na pero bakit kulang parin? Iniisip mo kung ano pa ang dapat mong gawin para lang maayos ang mga bagay na alam mo sa sarili mong imposible ng maibalik. Halos lahat yatang luha ay nailabas mo na. Kaso kahit umiyak kapa wala parin siyang pakialam sa'yo.

Stop crying! Laging sinasabi ng mga kaibigan ko. Stop caring to the person who treats you nothing at higit sa lahat 'yung binabaliwala ang lahat ng mga ginagawa mo.

Minsan naisip kong lumayo na lang. Lumayo hindi dahil sa hindi ko na siya mahal kundi isa lang ang gusto kong mangyari ang mahalin din naman ang sarili ko. Kaso hindi ko kaya, hindi ko kayang lumayo dahil palagi ko siyang namimiss. Sobra! sobra ko siyang minahal.

Hindi kaduwagan ang salitang pagsuko. May mga bagay talagang dapat ng  i give up. Hindi dahil sa sawa o pagod na ako. Dahil ang totoo ay hindi na siya para sa akin kahit anong gawin ko.

Pero nagmahal lang naman ako diba? Kaya kahit mukhang tanga na ako, kahit alam kong napapagod na ako pero ayaw kong sumuko. Kahit na alam kong ako na lang ang lumalaban. Kahit baliwala na ako sa kanya sige lang ako, kahit na hindi na ako ang first priority niya nandyan parin ako. Alam ko, alam ko na kahit siya ang inuuna at iniintindi ko at wala lang sa kanya ayos lang sa akin dahil mahal na mahal ko siya. Ipaglalaban ko ang relasyon namin na pinakaiingatan ko.

Do i need to fight? Lalaban paba ako o susuko na? I love you but i don't really feel the love from you. Gustong-gusto na kitang pakawalan pero mahal na mahal kita. That's why i always do the best for us. I was dying. Diko na alam kung ano ang gagawin.

Sabi nga ang lahat ng bagay ay nagbabago. Pero sabi ko sana ang puso ko ay hindi magbago. Gusto ko ikaw parin ang una at huling tinitibok nito. Gusto kong balikan ang ating nakaraan kung saan at kailan tayo nag-umpisa mahal.

Hayaan mong balikan ko ang ating nakaraan. Gusto kong simulan ulit ang mga panahong tayo ay masaya pa. Gusto kong balikan kung paano kita tinanggap at pinapasok sa puso ko at maging parti ng buhay ko.

Sa unang pahina ng aklat ng ating nakaraan ikaw at ako ay nasa magkaibang mundo. Wala kang alam tungkol sa buhay ko at ganoon din naman ako sa'yo.

High school tayo niligawan mo na ako. Sa una nahihiya kang lapitan ako. Nahihiya kang kausapin para magpakilala sa akin.

Nilukot mo ang kapiraso ng papel at binato mo sa akin. Dinampot ko iyon. Tinarayan kita at lumapit sa'yo kasabay ng pagbato ko sa mukha mo at ang sabi ko sa'yo.

"Inaano ba kita? Kilala ba kita? Bakit nangbabato ka?!" Galit na galit ako noon sa'yo habang nakataas pa ang isang kilay ko.

Napakamot ka sa batok at nahihiyang humarap at tumingin sa akin. Hanggang sa naghiyawan ang mga kaklase mo kaya simula noon naging loveteam tayo sa loob ng campus. Iyon din ang daan para lubos nating makilala ang isa't isa. Umamin ka sa akin na simula noong nakita mo ako ay nagustuhan mo na agad ako. Hindi mo alam kong bakit ka na inlove sa akin ng walang dahilan. Sinusubaybayan mo rin ako tuwing papasok at uuwi.

Sa ikalawang pahina ng ating nakaraan naging close na tayo at naging magkaibigan ng dalawang taon. Hindi man tayo naging magkaklase pero sabay nating inaaral at ginawa ang mga assignment at project sa loob ng library at madalas pa nga ay sa tambayan nating dalawa. Sobrang saya natin noon. Wala tayong iniindang problema kundi puro tawa at harutan lang. Oo, tama ka nga akala ko ikaw lang ang nakakaramdam ng ganito. Ikaw ang unang umamin na gusto mo ako pero sabi ko pwede bang magkaibigan lang muna tayo. Sa loob ng dalawang taong pinagbigyan mo ako hindi ka nagsawa at hinintay mo ako na ibalik sa'yo ang nararamdaman mo para sa akin.

"Oo sinasagot na kita." Maarte kong sabi sa'yo na ikinatuwa mo ng marinig mo ang sagot ko.

"Yes! Yes! Ang saya mo noong araw na iyon. Hindi lang ikaw ang masaya kundi ako rin naman. Naging magkasintahan tayo sa loob ng isang taon.

Sa tambayan natin inukit mo sa puno ng mangga ang petsa kung kailan naging tayo. Sabay tayong nagsulat ng mga pangako natin sa isat'isa iyon ang LDSWNW pagkatapos ay nilagay natin sa bote at binaon natin sa paanan ng mangga.

At ito na nga ang ikatlong pahina ng ating nakaraan. Isang taon nating itinago ang tungkol sa atin. Naging masaya tayo sa unang taong naging tayo. At ito na nga pareho tayong kinakabahan hawak mo ang aking kamay habang kaharap natin ang mga magulang natin. Pinakilala mo ako sa parents mo tinanggap nila ako at ganoon din naman sa mga magulang ko. Nalagpasan natin iyon at mas lalo tayong naging matibay at nangakong hindi maghihiwalay lalo na't tayo ay legal na magkasintahan. Mabilis matapos ang araw, buwan at taon. Wala tayong sinasayang at pinapalampas na mahahalagang araw para sa ating dalawa. Lahat ng lugar na gusto nating puntahan ay napuntahan na natin. Ilang boquet na rin ng mga rosas ang binigay mo sa akin at ibat'ibang klase ng mga tsokolate. Sobrang sweet mong tao. Napaka swerte ko dahil ikaw ang binigay sa akin ni Lord.

Sa ikaapat na pahina ng ating nakaraan. Naalala ko noong grumadweyt tayo ng kolehiyo. Pareho tayong nagtapos sa gusto nating kurso. Unti-unti na ring natutupad ang mga binuo nating mga pangarap. Malaki na ang pinagbago nating dalawa dahil mas naging matured na tayong mag-isip. Nag-aaway man tayo pero hindi na pinapatagal. Lagi nating tinatandaan ang mga sumpaan natin na love each other, don't lie, stay sweet, when you get hurt just forgive and forget, never talk about break-ups and when you had a fight, don't let the day pass. Ang sarap magmahal ng katulad mo. Ikaw ang kayaman ko dahil ikaw lang ang taong higit na nagpapasaya at nagpapangiti sa akin.

Umabot na tayo sa ikalimang pahina ng ating nakaraan. Ikaw at ako nagsumpaan na walang bibitaw, mapapagod at susuko. Madalas na tayong nag-aaway pero hindi pinapatagal at nagkakabati rin naman. Pareho na tayong may magandang trabaho kaya lahat ng gusto natin ay nabibili na natin. Nag-umpisa tayong magplano ng sarili nating bahay. Yung gusto mong design ay gusto ko na rin. Nakakatawa nga eh dahil kasama na sa plano ang magiging kwarto ng magiging anak natin. Lahat din ng mga design at color na gusto ko ay pinili mong maging pintura ng dream house natin. Salamat, salamat dahil ikaw ang lalakeng binalot ni Lord para iregalo sa akin.

Sa ikaanim na pahina ng ating nakaraan ay ito ang pinakamahalagang alaala na hinding-hindi ko makakalimutan. You asked me kung ano ang dream wedding ko.

Sabi ko "ayaw ko ng engrandeng kasal. Ayaw ko ng magastos simpleng kasal ok na sa akin.

Tinanong din kita sabi ko "ikaw ba anong gusto mo kung sakaling ikasal tayo?

Ang sagot mo "the one that will make you my wife."

Nakakainis dahil palagi mo na lang akong pinapakilig. Araw-araw, oras-oras, minu-minuto. Kaya kapag ikaw ay nawala sa akin mababaliw ako.

"Kapag kasal na tayo gusto kong gumawa tayo ng maraming baby. Sabay natin silang aalagaan. Gusto kong kasama mo ako sa pagpupuyat, sa pagtimpla ng gatas at pagpalit ng diaper. Sabay din nating ihahatid sa school kapag sila ay nag-aaral na.

Dahil sa sinabi mong iyon ay napalo kita sa balikat. Kinikilig kasi ako kaya hindi ko mapigilan ang sayang nadarama. Bakit pa ako maghahanap ng iba kung nasa akin na ang lalakeng sa tingin ko ay perpekto na. Wala na akong hahanapin pa at wala ng dahilan para magluko at maghanap ng iba. Kaya nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ulit dahil ikaw na ang huli ko. Ikaw na ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda.

Ito ang huling pahina ng ating nakaraan. Napakasarap balikan. Napakasarap tanawin ang mga alaalang alam nating tayo ay hindi sinadyang pinagtagpo pero may dahilan kung bakit tayo ay nagkakilala. Ang mga pahinang ito ay nakaukit na sa puso ko. Ituturing ko itong isa sa mahahalagang bagay na dapat kong ingatan.

Kung sakali mang may kasunod pa ang huling pahinang ito. Maari bang malaman kung saan at kailan ba ako dapat maging malakas at matatag para maging handa ako. Sa pagitan mo at sa pagitan ko alam kong palaging nasa gitna ang Diyos para sa ating dalawa.

_MissRas25

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon