Vin's Pov**
I've been like this for a few days. I feel like I have a strange feeling that I do not know what is really happening to me. Arggghhh!"
Maaga akong ginising ng asawa ko actually hindi na ako sumama sa lakad niya dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Tinanong ko naman siya kung sasamahan ko pa siya sabi niya ok lang daw na 'wag na dahil mas gusto niyang makapagpahinga ako. Alam niya kasi at naiintindihan niya ako dahil pagod din naman ako sa trabaho. Pero kahit ganoon ay nagagawa ko paring ipadama sa asawa ko kung paano ko siya alagaan.
It was 11:36 am nang magising ako. Shit! Hindi pa ako nakakapagluto ng lunch namin. Sunday ngayon kaya wala akong pasok. Kinabahan ako dahil baka kanina pang naghihintay si Abe. Baka gutom na siya. Kinabig ko ang pinto ng kwarto habang nakaboxer lang ako. Dumiretso na ako sa kitchen dahil kailangan ko na talagang magluto. Pero bago ako maghanda ng lulutuin ay minabuti ko munang magtimpla ng hot chocolate para mainitan ang tiyan ko. Habang hinahalo ko iyon ay napaduwal ako kaya agad akong napatakbo sa lababo.
"What is happening to me?" sabi ko sa sarili ko. After kong magduwal hindi ko na pinansin ang hot chocolate. Nagtaka ako dahil hindi naman ako ganito tuwing magtitimpla ako at mas lalong ito ang madalas kong gawin every morning. Ayaw ko ng amoy kaya tinabi ko muna mas lalo lang akong nasusuka. Kinuha ko ang isang apple na nasa ref. at hiniwa ko ito. Iyon na lang ang kinain ko.
"Hi Mahal!"
Napasulyap ako sa nagsalita at doon nakita kong nakangiti si Abe. Tumakbo ito papalapit sa akin at agad akong niyakap.
"Magpapalit lang ako. Ayaw ko namang naka boxer lang ako sa harapan ng maganda kong asawa. Sabi ko at pumasok na ako sa silid para magpalit. Paglabas ko nandoon parin sa pwesto si Abe.
"Ayaw mong inumin itong hot chocolate?
"Hmmm, hindi na. Ayaw ko ng amoy dahil nasusuka lang ako.
"Bakit?
"Kaya nga itong apple na lang ang gusto kong kainin. Sabay kuha roon sa apple na hiniwa ko at pagkatapos ay sinubuan ko rin siya.
"Mahal, Bakit hindi kana lang kumunsulta sa doktor kung may tanong o ikinababahala ka sa iyong kondisyon?
"Wag na mahal. Ayos na ako, ok na ako dahil nakita na kita.
"Sus! bola! nag-aalala lang naman ako sa'yo eh."
Pinisil ko pisngi niya at hinalikan sa labi.
"Basta ok na ako. I love you." Sabay yakap sa kanya. You are my medicine. You know that." dagdag ko pa.
A few more days passed.
Gabi na. Matutulog na sana kami nang bigla kong sungitan ang asawa ko. Pinahiga ko ba naman siya sa sofa dahil ayaw ko siyang makatabi. Ayaw ko ng amoy niya. Samantalang ang hilig niyang sumiksik sa kilikili at dibdib ko.
Kinabukasan..
"Good morning mahal." bungad ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako.
"Tumabi kaba sa akin kagabi?" tanong ko ulit.
"Oo, bakit bawal na bang tumabi? Bakit ba ang sungit mo? Alam mo naninibago na ako sa'yo. May iba kana ba ha Vin?! Masyadong masikip kung sa sofa ako matutulog kaya lumipat ako habang tulog na tulog ka.
"Ayaw ko ng amoy mo Abe! Kumapit 'yung amoy mo sa damit ko kasi tumabi ka sa akin.
"Hala?" Seryoso ka ba diyan mahal?"
Hindi na ako sumagot dahil bigla na lang akong napatakbo sa loob ng banyo. Sinundan niya naman ako at doon nakita niyang nagduduwal at nasusuka na ako.
BINABASA MO ANG
He Cheated
RomanceI may forgive you, but i am not stupid enough to trust you again. Cheating me was your choice not a mistake - Abegail Olesco