CHAPTER 9: Alaala

4K 75 14
                                    

Vins Pov...

People cry not because love ends. They cry because love still continues even if it's over. Huli na ang lahat! Huli na bago ko pa man maalala ang lahat. Unti-unting dinudurog ang puso ko. Ilang taon na ang nakalipas ng lukohin ko ang asawa ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

I'm drunk. Nakailang bote ako mula pa kanina. Ang sakit lang kasi dahil tuluyan kana talagang iniwan ng taong mahal mo. Hindi ko alam pero ito ang paraan para mawala ang sakit sa puso ko. Ramdam na ramdam ko ang alon crashing to my body. To the point na wala akong maisip na tama kundi ang gustong mamatay na lang.

"Abe! Abe! sigaw ko. Tuluyan ka na ba talagang sumuko?! Ano ba ang ibig sabihin ng ikaw at ako? Naiiyak na ako habang patuloy parin sa pagsigaw habang binabanggit ang pangalan niya.

"Sabi mo ikaw at ako ay mananatiling tayo! Nasaan kana? Bakit iniwan mo ako? Pagod kana ba? Pagod kana dahil ang akala mo niloloko kita! Abe! Mahal ko!" Abot baywang na ang tubig kaya medyo nahihirapan akong maglakad. Hinampas at sinuntok ko pa ang tubig. Nagpatuloy lang ako hanggang sa umabot na ito sa balikat ko.

"Wala ng saysay kung mabubuhay pa ako! Wala ng dahilan para manatili pa ako! Ikaw ang mundo ko pero nasira na kaya ano pa ang dahilan para mabuhay pa ako? Ito! Ito ang tama! Ito ang tama!" Huling sigaw ko. Yung tipong marami pa akong gustong sabihin pero tuluyan ng nilamon ng tubig ang buo kong katawan. Lumalaban at pilit na ibinubuka ang aking bibig pero wala na. Hindi ko na kaya. Nakadilat lang ang aking mga mata habang nakatitig sa kawalan. Oo, alam kong patuloy parin sa pag-agos ang aking mga luha. Ramdam ko rin ang bawat tibok ng aking puso habang ang buo kong katawan ay wala ng dahilan para labanan ang tuluyang paglamon papunta sa ilalim ng malawak na dagat.

Alaala na lang ba? Ang magsisilbing lakas ko? Alaala nating dalawa na pinanghahawakan na sana ay maibalik pa. Unti-unti ng pumipikit ang aking mga mata at kasunod noon ay ang pagtangay ng aking katawan patungo sa ilalim ng tubig.

"Hi!" Ikaw ba si Vin Madera?

"Yes, ako nga bakit?

"Nabasa ko ang nakasulat sa papel na nilukot mo. Sorry kung hindi ko agad nabasa.

"Ok lang. Sa susunod kasi mag-iingat kana. Ayaw kong may nangbubully sa'yo. Ayaw kong pagtawanan ka nila.

"Akala ko kasi nagpapansin ka lang sa akin kaya binato mo ako. Tinarayan pa kita at nagalit pa ako sa'yo.

"DON'T CRY, YOU SMILED IN FRONT OF THEM. HUWAG KANG MAGPAPATALO SA PAMBUBULLY NILA." Iyon ang nakasulat sa nilukot kong papel.

"From now on i will teach you kung paano tumugtog ng violin. Ipakita mong kaya mo. Magiging magkaibigan na tayo kahit na hindi kapa sumasagot ng oo. Lahat ng ipapagawa ko susundin mo para matuto ka. Kung sasabihin mong mahirap at hindi mo kaya inuunahan na kita na sa umpisa lang 'yan. Lahat napapagtagumpayan basta may tiyaga.

The violin is a great musical instrument to learn and very comfortable to play. Isa 'yan sa mga talent na pinamana sa akin ni daddy bago siya nawala.

Matalino si Abe, hanga ako sa kanya. Sa lahat ng bagay walang mahirap sa kanya pero para sa kanya feeling niya hindi niya kaya. We have different speed level. Learning the violin depends on your speed level. It also depends on your consistency, how much you practice. So nagawa 'yon ni Abe.

Hard work lang. If you want to play the instrument professionally, you have to commit your time and energy toward achieving it. Tama?

Four to five days per week kaming magkasama ni Abe. Sinasabay din namin ang mga projects at assignments namin sa school. Nagiging hobby na naming dalawa iyon.

Unang buwan, naging close na kami. Nag-start na rin 'yong feelings ko sa kanya. Actually may'ron na nga eh kahit noong hindi ko pa siya kilala kasi madalas ko siyang nakikita.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon