Kiefer Ang's Pov***
Another pov na naman. Kung ito na ang huling pov ko siguro mas pipiliin kong ibigay kay Abe ang oras dahil para sa kanya gagawin ko ang lahat. Para sa babaeng mahal na mahal ko handa akong magsakripisyo. Gusto kong maging masaya uli siya. Alam kong hanggang magkaibigan na lang kami at wala ng hihigit doon dahil una sa lahat mahal na mahal niya ang kanyang asawa at kahit kailan hindi niya lolokohin si Vin sa kabila ng lahat na nangyayari sa kanila. Si Abe ang babaeng hindi lumilingon sa iba. Sabihin na nating ilang beses na siyang nasaktan at umiyak ngunit hindi niya pinalitan si Vin sa puso niya. Siya ang babaeng nararapat na mahalin, alagaan, pahalagahan at ingatan. Napakaswerte ni Vin sa kanya. Naiinggit ako, sana ako na lang ang nauna. Nakakalungkot, masakit para sa akin ngunit kailangan kong tanggapin.
Bandang alas kwatro ng hapon nang lumabas ako ng silid. Sinilip ko si yaya sa kusina dahil bigla akong nakaramdam ng gutom. Magpapaluto sana ako ng meryenda ngunit hindi na lang dahil biglang nagtext si Gab. Nag-alala ako sa bata kaya agad ko namang pinuntahan. Pagdating ko sa national bookstore nakita ko siya agad na kumakaway sa akin. Lalapitan ko siya ng may ngiti ngunit biglang naglaho ng makita kong kasama niya si Sarah. Umakyat ang galit ko, hindi ko alam pero iyon ang naramdaman ko. May kung anong kasamaan ang nababalot sa babaeng iyon. Hindi ko na nagawang lapitan sila kaya sila na mismo ang lumapit sa akin.
"Kuya Keifer bakit ba bigla kang natigilan nang kawayan kita? Galit kaba dahil pinapunta kita rito?
"Hindi ako galit.
"Talaga ba? kasi kung hindi---hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin.
"Sasamahan kita Gab. Sa tingin ko hindi ka ligtas dahil nararamdaman kong nasa paligid lang ang kriminal. Mas mabuti ng kasama mo ako para alam kong safe ka. Ngumiti ako at doon bigla akong niyakap ni Gab. Siguro masaya siya sa sinabi ko dahil totoo namang ayaw ko siyang mapahamak at isa pa para ng kapatid ang turing ko sa kanya.
"Ahem! pwede ba mamaya na 'yan? Bakit hindi na lang natin subukang kumain? pagbasag sa amin ni Sarah.
"Sa bahay na lang siguro kami kakain. Atleast doon sure kaming safe ang kakainin namin. Medyo nagtaka si Sarah sa sinabi ko malamang baka tinamaan siya sa sinabi ko.
"Pasensya na may iba pa akong pupuntahan. Kailangan ko ng magpaalam.
"Mas ok 'yun." Napasulyap sa akin si Gab na medyo nalalabuan sa akin. Esti, mag-iingat ka Sarah. Iuuwi ko na rin itong kaibigan mong si Gab. Dagdag ko pa.
"Ok. Tanging sagot ni Sarah. Nagpaalam na ito kay Gab samantalang sa akin ay wala man lang paalam. Haha!
On the way na kami sa bahay nina Gab dala ang napakaraming libro at kung ano-ano pa.
"Sa palagay mo ba sino si Sarah para sa'yo Gab?
"Syempre isang mabait na kaibigan."
"Ilang percent ba na siya ay mabait na kaibigan? Sigurado kaba?
"Well, hindi ko siya kilala mula ulo hanggang talampakan dahil hindi pa kami ganoon katagal na naging magkaibigan pero sa nakikita ko sa mga kilos niya ay isa siyang mabuting tao.
"May mga masamang tao na akala mo parang anghel sa harap ng ibang tao. Hayaan mo iyon lamang ay isa sa mga paalala ko. Bilang kuya mo gusto kong palagi kang mag-iingat lalo na kapag kasama mo si Sarah.
"Parang pinapalabas mong masama si Sarah?
"Hindi naman sa ganu'n. Basta huwag kang magtitiwala sa kanya. Ilayo mo ang sarili mo sa kanya malay mo may plano siya sa'yo at kinukuha lang niya ang loob mo.
"Hindi talaga kita maintindihan kuya."
"Masyado ka pa talagang bata Gab.
"Hindi na ako bata. Nakakainis ka naman kuya Keifer!"
BINABASA MO ANG
He Cheated
RomanceI may forgive you, but i am not stupid enough to trust you again. Cheating me was your choice not a mistake - Abegail Olesco