Abe's Pov...
Tears are flowing. Pagsisisi ang dahilan nitong mga luhang patuloy parin sa pag-agos mula sa aking namumugtong mga mata.
Hindi ako nakinig. Hindi ko binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag ang asawa ko. Marahil dala iyon ng galit. Nawala si baby, nawala lahat ng mga pangarap namin.
Hindi ako perpekto. Husgahan niyo na ako. Nagkamali rin ako at handa akong magsisi sa mga maling nagawa ko. Ganunpaman, kailanman ay hindi napalitan si Vin sa puso ko. Marami ang nangyari sa buhay naming mag-asawa. Halos nasira na ang lahat pero naging tapat parin ako sa kanya.
I love Vin so much. Just him and nothing else. Nothing has changed at walang pumalit sa kanya.
Matapos kong malaman ang katotohanan ay agad akong nagdako sa lugar kung saan kami nagsimula. Nakatayo lang ako habang nakatitig sa petsang nakaukit dito.
Napakasakit isiping pinakawalan ko ang taong minahal ako ng sobra. Naalala ko ang lahat-lahat ng mga salitang sinabi ko sa kanya. Napakasakit dahil 'yung taong mahal na mahal ka ay pinagtabuyan mo papalayo sa'yo. Ang tanga-tanga ko dahil hindi ako nagtiwala sa kanya.
Niyapos ko ang nakaukit sa puno pagkatapos ay umalis na ako sa lugar. Bumyahe ako halos tatlong oras bago ko narating ang lugar kong saan muntikan ng magpakamatay si Vin.
Muli nakatayo lang ako. Nakatitig lamang sa mga alon. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya iyon. Naramdaman ko ang malamig na tubig na tumama sa aking paa. Kusa akong napahimas sa aking dibdib. Napaluhod ako sa buhangin. Wala rin akong pakialam kung mabasa man ako.
"Hindi ako sumuko. Ikaw at ako ay mananatiling tayo. Hindi kita iniwan. Hindi ako pagod. Please! pakiusap, manatili ka! humagulhol na ako. Gusto ko lang mabawasan itong dinadala ko.
"Sorry kung inakala kong niloko mo ako. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung hindi ako naniwala sa'yo. Vin, mahal na mahal kita. Bumalik kana! Gusto kitang yakapin, halikan at lambingin! Miss na miss ko na ang lahat sa'yo! Sorry, i'm really sorry."
"Alam kong matutuwa nito si Vin dahil nalaman mo na ang totoo. Pero hindi papayag ang asawa mo kung makikita ka niyang umiiyak, nahihirapan at nasasaktan. Tama na, kailangan mo ng magpahinga Abe.
Nilingon ko kung sino ang nasa likuran ko. Si Kiefer Ang. Pinantayan niya ang height ko para abutin ang panyo. Inayos niya rin ang buhok ko at nakita ko ang mga ngiti niya.
"Thank you." sabi ko.
"For what?
"Dahil tinulungan ni'yo ako ni Gab na maintindihan ang lahat. Kayong dalawa ang gumawa ng paraan para maunawaan ko iyon. Wala ng rason para tumanggi pa sa alok ninyong dalawa.
"So, gagawin mo na?
Tumango ako.
"Good. Tumayo kana riyan at ayusin ang sarili mo. Kapag nakita ka ng mama at papa mo sa ganyang hitsura baka magalit pa ang mga iyon.
Pinunas ko ang mga luha gamit ang panyo ni Keifer. Tumayo na rin ako at nilisan na namin ang lugar.
Magaan na ang pakiramdam ko. Nawala na ang mabigat na dinadala ko noon. Maliwanag na rin ang aking mukha na noon ay halos hindi na kayang ngumiti.
After a few months...
The suitcase lay on my bed. Nakaupo ako habang inaayos ang damit na dadalhin ko. Napagpasyahan ko kasing sundan si Vin. Alam kong malaki at malawak ang mundo pero hindi iyon hadlang para sa akin. Hindi madali pero kapag ginusto mo maraming paraan. Ako itong may kasalanan, ako itong nagkamali kaya gagawin ko ang lahat mahanap ko lang ang asawa ko para sabihin sa kanya ang salitang patawad.
BINABASA MO ANG
He Cheated
RomanceI may forgive you, but i am not stupid enough to trust you again. Cheating me was your choice not a mistake - Abegail Olesco