CHAPTER 31: He Is Annoying

1.9K 58 9
                                    

Abe's Pov***

Hindi parin mawala sa isipan ko ang nakita ko. Nasasaktan parin ako kahit anong gawin ko. Ginawa ko na ang lahat para lang makalimutan ko kaso patuloy paring sumasaglit sa isipan ko.

"Ma'am Abe? pukaw sa akin ni Carlo isa sa mga empleyado ko.

"Oh Carlo bakit?

"May naghahanap po sa inyo sa labas.

"Sino raw siya?

"Jeff daw po ma'am.

"Sige pupuntahan ko siya. Sabi ko at agad ko namang pinuntahan si Jeff. Ano na naman ba ang kailangan ng kaibigan kong 'yon.

Pagdating ko sa labas nakita ko silang dalawa ni Yuri. Hinablot nila ako at isinakay sa van.

"Ano bang kailangan niyong dalawa?" naiinis kong sabi.

"Ikaw ah! Maldita kana talaga!

"Pakialam mo ba Jeff! Bakit ba nandito kayo?"

"Alam mo na. Tungkol sa birthday ng asawa mo.

"Hindi na matutuloy. Nagbago na ang isip ko Yuri.

"Ano? bakit?"

"Sayang naman Abe kung hindi matutuloy. Alam mo ganda na sana ng plano ikaw lang ang sumira!"

"Sa tingin mo magiging masaya pa ako?

"Ano bang nangyayari sa'yo? sabihin mo nang hindi na kami mangulit.

Napasubsob ako sa upuan at tuluyan ng umiyak. Sinabi ko sa kanila ang totoo.

"Gaga! bakit mo hinayaang dumampi yung labi nila? sana sinubsob mo yung hayop na babaeng 'yon sa pader nang makuha niya ang hinahanap niya!

"Tama ka Jeff, kung ako sa'yo Abe hinablot ko ang makapal niyang mukha sabay subsob sa pader. Walang hiya siya! Pigilan n'yo ako talagang susugurin ko 'yang malanding sekretaryang 'yan! Akala mo walang pinag-aralan lakas ng loob mang-agaw ng asawa!"

"Pakiusap, ayaw kong malaman ito ng pamilya ko. Sa atin lang ito."

"Eh sira ulo ka rin pala. Pagtatakpan mo pa ang asawa mo?"

"Tama na Yuri, tama na."

"Dyan ka magaling ang manahimik na lang lagi. Umiiyak kahit nasasaktan na ng sobra. Pati ako naiinis na sa'yo."

"Kung ayaw niyang makinig sa atin pwes tayo ang kakalbo sa sekretartyang 'yon! Tara Yuri!

Hinayaan ko na lang sila at lumabas na ako ng van.

"Saan ka pupunta? tanong ni Jeff.

"Babalik na ako sa loob. Marami pa akong dapat kailangang gawin.

"Hindi ka ba gagawa ng paraan para turuan ng leksyon 'yung sekretarya ng asawa mo?

"Ayaw ko ng gulo. Bumalik na kayo sa trabaho niyo.

"Tumakas nga lang kami kay boss Keifer eh, tapos babaliwalain mo lang?

"Tatawagan ko si Keifer at sasabihing ginugulo niyo ako.

"Nakakainis kana Abegail Olesco Madera! sigaw ni Yuri.

"Bahala kayo. Sige na papasok na ako sa loob.

"Makikita mo kakalbuhin namin si secretary Lee. Malandi siyang hayop siya! Si Vin pa talaga ang nilandi niya aba'y gagawin namin ang lahat para mapahiya 'yang Athena Lee na 'yan sa maraming tao!"

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na ako sa loob. Nagpaka busy ako buong maghapon hanggang sa gabi na akong nakauwi. Nadatnan ko si Vin na nasa labas ng bahay habang karga si Asher. Sinalubong ko sila at hinalikan ang anak ko.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon