CHAPTER 4: Malaya Ka Na

5.3K 101 4
                                    

Ang salitang malaya ka na ay mahirap sabihin, sobrang hirap bitawan. Paulit-ulit mo mang pag-isipan pero nalilito parin. Sobrang hirap pakawalan ang taong sobra mong minahal.

Ano ba ang gagawin? Ano ba ang dapat kong gawin? Alam kong ito ang utos ng utak ko pero pinipigilan ng puso ko.

Akala ko ako ang mundo mo pero niloloko mo ako. Matagal akong nagbulag-bulagan. Sa tuwing nakikita ko kayo ng babae mo pinipikit ko lang ang aking mga mata. Umiiyak sa tabi dahil alam kong magiging ok lang ako sa huli. Iisiping babalik ka parin sa akin. Hangga't ikaw pa ang sinisigaw ng puso ko. Hangga't ikaw pa ang laman nito at hanggang kaya ko pang tiisin ang lahat ay handa akong magpakatanga sa'yo.

Nagulat ako nang idilat ko ang aking mga mata. Ang mama kong panay hikbi sa gilid ng kama ko. Si papa na nakapamulsahan habang nakatanaw sa kawalan katabi ng malaking bintana sa kwarto ko. Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang galit na galit na boses ng kapatid ko. Sinulyapan ko ang kinaroroonan nila at doon ko nakita ang asawa ko habang kinakausap ni Gab.

"Napakawalang hiya mo kuya! Ikaw ang unang lalakeng kinaiinisan ko! Manloloko ka! Napakasinungaling mo pa!" Pilit na hinahampas ni Gab ang asawa ko. Patuloy lang ako sa pakikinig habang unti-unting tumutulo ang aking mga luha.

"Sorry Gab." mahinang sabi ni Vin.

"Don't say sorry! walang magagawa ang sorry mo! What if kung may masamang nangyari kay ate? May magagawa ba ang sorry mo? Mababalik ba ng sorry mo ang lahat ng kasalanan mo?" I hate you kuya Vin! Sinira mo ang tiwala ko! Pati tiwala ng pamilya ko!"

"Kasalanan ko ang lahat. Oo tinatanggap ko ang lahat dahil kasalanan ko naman talaga. Humihingi ako ng pasensya at sana bumalik ang tiwala ninyo sa akin. Hindi ko sinasadyang malasing ng gabing iyon."

"Kainin mo 'yang mga sinasabi mo kuya Vin! Kahit magmakaawa kapa hindi ka namin mapapatawad. Ano ba ang sinumpaan niyo ni ate sa altar? hindi mo ba naaalala? Sorry pero ako naaalala ko ang lahat. Pati noong panahong sinusuyo mo pa siya at hinihingi ang kamay ng ate ko. Ang sabi mo hindi mo sasaktan, ang sabi mo hindi mo paiiyakin, ang sabi mo aalagaan mo at higit sa lahat hinding-hindi mo lolokohin!" Sigaw ulit ni Gab kasabay nang paghagulhol niya ng malakas. Bawat salitang binibitawan niya ay siya namang pagkirot ng dibdib ko.

Ako dapat ang gumawa ng mga iyon. Ako dapat ang magalit. Ako dapat ang manakit at sumigaw sa harapan mismo ng asawa ko. Pero bakit ganoon? Bakit hindi ko kayang magalit sa taong mahal na mahal ko? Tumagilid ako ng higa para piliting hindi ko sila makita. Hinayaan ko lang sila at pinigilan ko na lang ang bawat pagpatak ng aking mga luha

"Abe!" Mahal, kausapin mo ako please!" Sorry asawa ko hindi ko sinasadya. Please mag-usap tayo magpapaliwanag ako!"

Yung tipong may naririnig ako pero baliwala lang sa akin. Wala akong lakas at oras para makipag-usap at makinig. Kahit kay mama at kahit pa pilitin akong magsalita ni papa ay ayaw ng bibig kong magsalita. Halos walang boses na lumalabas.

"Nak, tama na nasasaktan ako kapag nakikita kang nagkakaganyan, tama na anak." humihikbing sabi ni mama. Nakita ko ang sapatos ni papa alam kong nasa harapan ko na siya pero nanatili parin akong nakatagilid habang nakatitig sa sahig. Hinimas ni papa ang braso ko para patahanin ako pero mas lalo akong naiiyak. Alam ko kasing sila ang unang masasaktan at mag-aalala sa akin lalo na't nalaman nilang buntis ako. Paano kung malaman nila na matagal na akong niloloko ng asawa ko? Paano kong malaman nilang may babae si Vin? Hindi pa ako handa, hindi ko kakayanin ang lahat.

Natahimik ang lahat nang pumasok si doc. sa loob ng silid ko. Kinausap niya sina mama at papa na kailangan ko munang magpahinga. Samantalang si Vin ay patuloy parin sa pangungulit makausap lang ako.

"Next time be careful. Mahinang wika ni doc. Kami na lang kasing dalawa ang nasa loob. Tumango naman ako at humingi ng sorry.

"I cannot forgive myself. This is my fault!" sabay sabunot sa buhok ko.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon