CHAPTER 2: Keep Yourself Happy

4.9K 91 0
                                    

Sabi nga words may lie, but actions will always tell the truth. Hindi ako sigurado kahit na itago ko pa ang mga problema ko nakikita at nakikita parin ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinipilit kong maging masaya sa harap ng maraming tao. Ngumingiti ako at pinapakita kong malakas ako pero bakit? Bakit nalalaman parin nilang sobrang bigat na ng dinadala ko. Araw-araw pasan-pasan ko ito na kahit anong gawin ko nalulungkot at nasasaktan parin ako.

"Kapag hinusgahan ka nila, Hayaan mo sila! Gawin mo na lang itong inspirasyon para maging mas matatag ka. Sabi ni doc. madalas niya akong pinagsasabihan dahil concern siya sa akin. Tumango lang ako pero ang totoo pinapakinggan ko lang at pinapalabas sa kabilang tainga.

"After ko rito tutungo ako sa opisina. Doon na lang ako magpapahinga. Saad ko habang nakatitig sa tiyan ko.

"Bibigyan kita ng prenatal vitamins para kumpleto ka sa nutrisyon. Binabalaan kita Miss Abe na huwag kang iinom baka mamaya sa sobrang tampo at galit mo sa asawa mo ay magpakalasing ka dahil makakasama 'yan sa baby mo. Mahalaga ring uminom ng 400 grams ng folic acid, dahil makakatulong iyon sa brain and spinal cord development ng iyong baby. Umiwas kana rin sa pag-inom ng kape, dahil makakasama sa iyong fertility.

"Salamat doc. Gagawin ko 'yan para sa magiging baby namin ni Vin. Gusto kong malusog si baby, iingatan ko ang sarili ko dahil siya lang ang daan para maging ok kami ulit ng asawa ko.

Ngumiti lang si Doc. Kinalaunan ay nagpaalam na ako. Dapat out na ako sa trabaho kaso mas gusto ko pang manatili sa office ko para ilibang ang sarili ko. The more na mag-isa lang ako at walang ginagawa ay mas lalo ko lang binibigyan ng oras ang pagkamalungkutin ko at kung ano-ano ang naiisip ko. After a while i reached the parking area. Then I went to my office. Nagpaka-busy ako. Actually lahat ng mga dapat kong gawin ay natapos ko na kaya kahit hindi ko trabaho ay trinabaho ko na. Maya-maya ay may kumatok.

"Miss Abe!" Miss Abe!"

"Yes, tuloy ka. Sagot ko pero nakatuon parin ang mga mata ko sa computer.

"Nagsisipag kana naman babae ka. Oh! sa'yo na 'yang mga chocolates mo! Sabay lapag sa table ko.

"Ayaw ko ng mga 'yan! Diba sabi ko kapag may nakita pa kayong mga pagkain o ano paman sa labas ng office ko ay huwag niyo ng ipapasok dito? Naiirita kong wika.

"Akin na lang 'yan Miss Abe! singit ni Yuri na kakapasok lang sa loob.

"Gaga! akin 'yang mga chocolates kaya nga inunahan na kita!

"Itchuserang bakla noong mga nakaraan ikaw din ang kumain tapos ngayon sa'yo parin?

"Gaga! Makikiagaw kapa Yuri eh, ang taba-taba mo na.

"Chubby lang! kami ang tunay na mga sexy.

Yung tipong ang gulo at ang ingay nila. Ayaw ko ng ganito kaya tumalikod ako pagkatapos ay napatingin ako sa kawalan. Pansin kong tumahimik sila pero hindi ko parin sila pinansin.

"Simple means sobrang obvious niya ayaw niya lang aminin. Halata naman.

"Yeah! Tama ka bakla. Gaga na ang kaibigan natin. Mas gaga pa sa'yo bakla.

Naririnig ko sila pero binabaliwala ko na lang.

"Manhid manhidan ang peg. Kaya ayaw ka naming nag-iisa kasi umiiyak ka, baka bumaha na ng mga luha. Alam mo naman na may'ron na talagang iba, akala mo darating ang time na magbabago feelings niya? Paano kung hindi magbago feelings ni Vin? Let him go! kung talagang para sa'yo babalik sa'yo.

"Korek! may laman yung mga sinabi mo bakla. Unahin ang isip bago ang puso, para hindi maging tanga. Miss Abe naririnig mo ba kami? Ha?!"

Nakakainis na sila. Imbis na wala na yung sakit ay bigla na namang bumalik dahil sa mga sinasabi nila. Naramdaman kong pabigat na ng pabigat ang mga luhang nasa gilid ng magkabila kong mata.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon