CHAPTER 6: I'm Walking Away

3.9K 76 9
                                    

Seeng the person you loved the most with another girl hurts like hell.

You may forgive the person who has hurt you. But you can never forget the way they hurt you so much and made you in so many pained.

Akala ko tapos na. Akala ko ok na ang lahat. Akala ko hindi na ako iiyak. But why? After all nagawa niya parin akong lukohing muli? I am dying right now. Standing in front of them.

Naramdaman kong may tumakip sa mga mata ko at bigla akong niyakap. Si boss kasama ko pala dahil pinagmaneho niya ako alam niya kasing hindi maayos ang pakiramdam ko. I saw Vin at ang babae niya. Sa harapan mismo ng bahay namin naghahalikan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sobrang sakit. Durog na durog na naman ang puso ko. Gusto kong isigaw ang sakit.

Sinubukan kong pumakawala sa yakap ni boss at nagtagumpay naman ako. Hahakbangin ko na sana ang mga paa ko para lapitan sila nang bigla akong may maramdaman. Napatingin ako sa aking paanan at doon nakita ko ang dugong umaagos mula sa aking maselang bahagi. Natakot ako at tuluyan ng umiyak. Halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Hindi na ako makapag-isip ng maayos at ang paghagulhol ko lang ang tanging naririnig ko. Sumunod ay wala na akong makita at wala na rin akong alam sa mga sumunod pang nangyari.

"Tunay na challenging ang pagbubuntis. Sa tulong ni Vin maiibsan ang lahat ng hirap na ito ng kanyang asawa. Maraming hirap ang nararanasan ng isang nagbubuntis una nagiging emosiyonal dahil na rin sa raging hormones. Pangalawa, stress dala ng pagbabago sa katawan. Pangatlo labis na pag-aalala. Pang-apat ang pag-iisip tungkol sa kalusugan at kung anu-ano pa.

"God!" Bakit nangyari ito sa anak ko?"

"Ang pagtutulungan at pag-suporta sa isa't isa sa panahong tulad ng pagbubuntis at paghahanda para sa darating na anak ay mahalaga para sa isang mag-asawa. Pero kung ganoon sana ang ginawa ni Vin baka sakaling hindi ito mangyari sa dinadala ni Miss Madera. Suporta niya ang kailangan ng kanyang asawa.

That time habang nag-uusap sina mama at doktora ay lihim naman akong nakikinig. Hindi ko sila maintindihan. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari kung bakit ganoon na lang ang kanilang pinag-uusapan. Pinakiramdaman ko lang sila hanggang sa naalala ko ang dugong umagos mula sa parteng masilang bahagi ko. I know kung hindi ako nagkakamali dinugo ako kanina. Kinalma ko muna ang sarili ko pero kahit anong kalma ay panay naman tulo ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Doc. may isa akong kahilingan. Nakikiusap ako na huwag ngayon. Kailangan muna ng pahinga ng anak ko. Kailangan niya munang maging malakas kung sa gano'n ay hindi ako mag-alala sa kanya. Hindi ko alam kong paano at saan mag-uumpisa. Natatakot ako sa magiging reaction niya kapag nalaman niyang wala na ang baby niya. Hindi niya ito tatanggapin kaya doc tulungan mo ako at ang anak ko.

"Makakaasa ka. Ako na ang bahala sa anak ninyo.

"Salamat. Salamat."

Alam kong sa puntong iyon ay hindi ok si mama. Gusto kong magwala sa aking narinig. Hindi totoong wala na ang baby ko. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil kung hindi baka kanina pa ako nagwala. Siguro mga ilang oras din akong ganito nagkukunwaring tulog. Akala nila wala akong alam, akala nila hindi ko malalaman. After one week hindi parin ako maka move on sa pagkawala ng baby ko. Depression iyan ang salitang alam kong mayroon ako ngayon. Pakiramdam ko binabangongot ako. Mag-isang umiiyak, hirap na hirap ang kalooban ko. Sobrang lungkot ko na halos masiraan na ako ng bait. Oo, nandyan ang suporta ng mga kaibigan at pamilya ko pero wala paring makakapagpasaya kung alam kong hindi na mababalik ang baby ko. Gumuho na ang lahat ng mga pangarap ko pati ang magkaroon ng sariling pamilya.

Pumasok ako sa trabaho nagbabakasakaling mabawasan ang lungkot ko. Nakaupo ako habang nakatuon sa computer ang mga mata ko. Nakahawak lang ako sa keyboard habang nakatitig sa screen. Wala akong mabasa blangko lahat wala rin akong maintindihan at wala akong marinig ng kahit anong ingay o boses. I tried to stand up at lumapit sa bintana. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. I close my eyes and i saw my baby. Biglang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam pero may humihila sa akin para lumabas ng office. Naglakad ako hindi ko alam kung saan tutungo. My tears are still dripping hanggang sa bigla akong nagising sa lakas ng bosena ng isang van na ikinagulat ko.

"Are you ok?" tanong ni boss while hugging me.

"What happened? Why are we here? natataranta kong tanong. Nilibot ko ang aking mga mata nasa gilid kami ng kalsada habang pinagtitinginan ng maraming tao. May lumapit sa amin isang lalake at tinanong kung ok lang daw ba ako. Sinagot naman siya ni boss na siya na ang bahala sa akin at nag sorry din ito sa lalake. Ano ba ang nangyari iyon ang tanong ng isip ko. Tinawagan niya ang doctor ko at pinagpahinga ako. Nalaman kong muntikan na pala akong mabangga kanina mabuti na lang ay nakita ako ni boss. Sayang, sayang sana namatay na lang ako. Wala na akong ganang mabuhay feeling ko patapon na ang buhay ko. Sumusuko na ako hindi ko na kaya.

"Tama na! anak tama na!" sigaw ni mama. Hindi kaba nagsasawa sa kakaisip? Manhid kana ba sa lagi mong ginagawa? Paano kami? Paano kami ng pamilya mo na nag-aalala sa'yo?

"Tama si mama, ate. Alam kong nasasaktan kana pero please maawa ka naman sa sarili mo. Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na itigil mo na. Ang sakit para sa amin na makita kang nagkakaganyan.

Napasulyap ako sa kanila. Umiiyak na naman ako. Binigyan nila ako ng mahigpit na yakap. Pagkatapos ay binantayan nila ako hanggang sa makatulog.

Pag-gising ko biglang sumagi si Vin sa akin. Nakita ko ang babae niya habang naghahalikan sila. Hinimas ko ang aking ulo at napasandal sa wall.

"Ayoko na! Nakakapagod na! Dahil sa'yo nawala ang baby ko!" Iyak ako ng iyak habang sinisigaw iyon. Hinablot ko ang vase na malapit sa akin at hinampas ko iyon. Siguro tinamaan ako ng bubog sa katawan kaya may pumatak na mga dugo sa sahig. Wala naman akong maramdamang sakit na nasugatan ako kundi sakit sa puso ko. Sugat na sugat na ang puso ko at nagdurugo ito. Bakit sa akin lahat ito nangyayari? Bawal ba akong maging masaya? Wala naman akong kasalanan pero bakit ako nagdudusa? Ang unfair ng mundo! Sobrang unfair.

After one month medyo ok na ako. Unti-unti ko ng natatanggap na wala na ang baby ko. Pero ang hindi mawala ay ang sakit na nadarama ko. Nasasaktan parin ako tungkol sa asawa ko. Tama na siguro ang magpakatanga, panahon naman para magpahinga ang puso ko. Imumulat ko na ang aking mga mata at hinding-hindi na ako magbubulagbulagan pa. No point being with someone if your not happy. Hindi na ako masaya, hindi na ako magiging masaya sa kanya kaya mas mabuti pang itigil ko na. It's best to walk away.





_MissRas25

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon