CHAPTER 24: The Soft And Slow Kiss

1.4K 41 1
                                    

Vin's Pov***

"Ikaw parin talaga ang babaeng nakilala ko noon." Mahina kong sabi. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siyang natutulog. Her face was very innocent. I was even more fascinated by her. Kuminang ang kanyang pisngi nang tamaan ng sinag ng araw na nagmumula pa sa nakabukas na bintana. Tumayo ako at kinabig ang kurtina pagkatapos ay bumalik ako sa aking pwesto. Muli ko na naman siyang pinagmasdan hanggang sa nagising siya na kanyang ikinangiti ng makita akong nakatitig lamang sa kanya.

"Good morning." bulong ko. Nginitian lang niya ako at muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Ang lawak parin ng ngiti ko habang sinusubaybayan ang muling pagdilat ng kanyang mga mata. Tumayo ako at naupo sa gilid ng kama. Kinulong ko siya ng aking magkabilang bisig at siya ngayon ay nasa ilalim ko. Nilapit ko ang aking mukha para halikan siya sa labi ng bigla niya akong kilitiin kaya nadaghanan ko siya. Shit! ako itong kinikilig ng magkadikit na ang aming mga katawan. Hinila ko siya bigla at ngayon ay nagkapalit na kami ng pwesto. Siya na ngayon ang nasa ibabaw ko.

"Good morning mahal." bungad niya mula sa matamis niyang boses.

Hinaplos niya ang aking mukha habang nakangiti.

"It's been three months mula ng makulong si Sheena. I still can't believe na malaya na tayo. Wala ng sisira sa atin Abe. Gusto kong sabay nating kakalimutan ang mga nangyari. Ngumiti na naman siya at sinubsob ang ulo sa dibdib ko.

"I forgot that Vin mula nang makita ko si Sheena na nasa loob na ng kulungan. We've been apart for a long time and maybe God will let us be happy. Alam mo bang napakasaya ko ngayon dahil alam kong hindi na isang panaginip ang mga nangyayari sa atin ngayon.

Hinimas ko ang buhok niya. Hinalikan ko ito at mahigpit ko siyang niyakap.

"Halika na."

"Saan?"

"Kakain."

"Pwede bang mamaya na lang?

Sa higpit ng kapit niya sa balikat ko ay pansin kong ayaw niya na talagang umalis sa ibabaw ko. Napangiti na lang ako at mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Sige ganito na lang tayo magdamag. Nagluto pa naman ako ng paborito mong breakfast. Alam kong masarap iyon.

"Sige na nga kakain na tayo. Ayaw ko ring mabaliwala ang effort ng husband ko.

Bumangon na siya at agad akong hinila papunta sa kusina. Ito yung namiss ko kay Abe sa nakalipas ng maraming taon. Pagdating namin sa kusina ay agad siyang kumuha ng plato naming dalawa. Pinigilan ko naman siya dahil gusto kong ako naman ngayon ang magsisilbi sa kanya.

"Gusto ko maupo kana lang. Ako na ang gagawa ok? Pinaupo ko siya at pagkatapos ay tumalikod na ako para simulan nang magtimpla ng hot chocolate. Habang hinahalo ko iyon ay nakaramdam ako ng mga kamay na unti-unting bumabalot mula sa aking likuran.

"Gusto kong yakapin ka Vin."

Ngumiti lang ako at hinayaan na lang siyang gawin iyon. Namiss ko ang ganitong eksena. Namiss ko ang lahat ng mga ginagawa namin noon.

Madalas niyang gawin iyon kahit nagluluto ako nandyan lang siya nakayakap sa akin. Sa aming dalawa ako ang mas magaling at mahilig magluto.

Isang araw kinabahan ako kung bakit hindi ko siya makita. Natakot akong baka mamaya mawalay na naman siya sa akin at ayaw ko ng mangyari iyon. Papalapit ako sa kanya habang nakatayo at tumutogtog siya ng violin malapit sa pool.

She was wearing ng manipis na bistida na hapit sa kanyang katawan. Abe's body was so hot that I was suddenly na naakit ako. Papalapit ako sa kanya habang nakangiti. Alam kong nakita niya ako pero nagpatuloy parin siya sa pagplay ng violin. I kissed her on the cheek. Nakadampi lang ang aking labi habang patuloy parin siya sa pagtugtug.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon