CHAPTER 10: I Was Deeply Hurt

2.8K 64 7
                                    

Vin Pov..

"Doc, pwede ho bang ipaliwanag ninyo sa akin kung ano ang amnesia? Tanong ko. Isang oras bago ako nagkamalay sabi kasi nila muntikan na akong malunod mabuti na lang ay naagapan ako agad. Naupo siya sa gilid ng kama ko.

"Ang amnesia ay ang kondisyon ng pagkawala ng memorya o alaala ng isang tao, maaaring ito ay ang mga impormasyon at pangyayaring bumubuo sa isang pagkatao, pati na ang mga pagkakakilala sa mga taong nakapaligid. Ang pagkawala ng alaala ay maaring permanente o pansamantala lamang.

Napatitig ako sa kanya. Napalunok at bahagyang napapikit.

"Doc, habang nasa ilalim ako ng tubig maraming alaala ang bumalik sa akin. Bumalik lahat-lahat tungkol sa amin ng asawa ko. Yung dating alaalang sumasaglit lang sa akin noon pero ngayon bumalik na. Gusto kong tulungan mo ako, alam kong may alam ka sa mga nangyari. Pakiusap huwag tayong magbulagbulagan sa kasinungalingan ni Sheena.

"Kung sakali mang sasabihin ko sa'yo ang lahat pwede mo ba akong tulungan? Tulungang hindi madadamay ang pamilya ko.

"Sige mangangako ako. Asahan mo ako doc."

He sighed deeply at tumalikod sa akin.

"Ang kahit na anong aksidente, disgrasya o karamdaman na makaapekto sa ulo at makapipinsala sa bahagi ng utak na responsable sa pagpoproseso ng memorya ay maaaring magdulot ng kawalan ng memorya o amnesia. Ang amnesia na nagdulot ng pinsala sa utak ay tinatawag na neurological amnesia. Narito ang ilan sa mga maaaring dahilan ng neurological amnesia. Nilahad niya sa akin ang isang folder. Binasa ko ang mga nakasulat habang siya naman ay patuloy lang sa pagkwento.

"Kung ganoon isang sintomas ng amnesia ang nangyari sa akin? Tumango si doc. At muling nagsalita.

"Ang taong nakararanas ng amnesia ay maaaring magkaroon ng problema sa pag-alala ng nakaraan, o kaya ay problema sa pagpapanatili ng mga bagong impormasyon sa isip. Pinakakaraniwan ay ang dalas ng pagkakalimot sa mga kakalipas pa lang na kaganapan sa buhay. Maaaring naalala pa ang mga kaganapan sa kabataan ngunit hindi ang mga kaganapan sa nakalipas na taon. Madalas din ang pagkalito sa mga bagay-bagay o disorientasyon. Dahilan kung bakit wala kang maalala tungkol sa iyong asawa pati na sa ibang bagay. Noong magkamalay ka pagkatapos mangyari ang aksidente ay nagsagawa kami ng interbyu tungkol sa mga alaala. Sa pamamagitan nu'n, maaaring matukoy ang sanhi ng pagkawala ng memorya mo, kung gaano kalawak ang saklaw ng apektadong memorya, at iba pa. Pinag-aralan din namin ang mga reflexes o abilidad ng utak sa pagresponde sa mga bagay-bagay. Bukod sa mga iyon, isinailalim ka namin sa MRI at CT Scan upang matukoy kung may problema sa iyong utak. At hindi nga kami nagkamali.

"Pero bakit ka nagpagamit sa kanila? Bakit pumayag kang magsinungaling? Alam mo ba kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal? Pati pamilya ko nasira na at ang mga taong nakapaligid sa akin ay tuluyan ng nawala.

"Wala akong nagawa. Hawak nila ako sa leeg. Patawarin mo ako Vin. Bago ko makalimutan may mga times na bumabalik ang mga alaala mo. Iyon din ang pagkakataon nilang kailangan kitang turukan. Based sa napag aralan ko, nakaimbento ako ng gamot na pagkalimot. Tinuturukan kita tuwing naaalala mo ang asawa mo. Patawarin mo ako ayaw ko mang gawin pero binabantaan nila ako. Forgive me if I agree to the wrong decision."

Napatingin ako sa kawalan and took a deep breath.

"Tulungan mo ako doc. Kapag ginawa mo iyon palalagpasin ko pa ang ginawa mo.

"In what way? after all can you still trust me?

"100 percent no. Basta gawin mo na lang ang tama. Isipin mo ang pamilya mo. Hindi 'yung ikaw pa ang maglalagay sa kanila sa butas ng karayom. Isa lang ang hihilingin ko. Sabihin mo kung nasaan si Anika at ang mommy ko. Dalhin mo sila sa ligtas na lugar. Pinapangako ko rin na magiging ligtas ka at ang pamilya mo.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon