CHAPTER 29: Kung Buhay Ka Pa Ngayon Baka Bukas o Isang Araw Wala Kana

883 37 7
                                    

Abe's Pov***

Dalawang linggo na ang nakalipas ng huli naming pag-uusap ni papa. Hindi ako makatulog ng ilang gabi sa kakaisip tungkol doon sa aking nalaman. Kaya naman pinuntahan ko kung saang ospital iyon.

"Saan ka pupunta? tanong ni Vin.

"Mahalagang bagay lang ang aasikasuhin ko.

"Hindi ako pumasok dahil alam kong kailangan mo ng oras ko. Sasamahan kita.

"Hindi mo na kailangan pang samahan ako. Sana pumasok kana lang.

"Sasamahan kita.

Hindi na ako umimik pa. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Nasa loob na kami ng kotse. Sobrang tahimik ko, walang salitang lumabas sa bibig ko. Paano? Paano ako magrerelax kung sa tingin ko nanganganib ang buhay ni papa?

Pagdating namin sa ospital kinausap ko agad ang doctor ni papa. Una ayaw niyang umamin dahil ayaw ng papa ko na malaman ko ang tungkol sa kalagayan niya. Iyon ang araw na halos ikamatay ko ng marinig ko ang paliwanag ng doctor.

"Ang heart disease (coronary artery disease) ay tumutukoy sa iba't ibang uri ng mga sakit sa puso. Dahil sa hindi tamang pamumuhay ng karaniwang tao, maituturing ito na isa sa pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas at sa buong mundo. Ang heart disease ay dulot ng kondisyon na tinatawag na artherosclerosis na nag-reresulta sa pagpigil sa pag-daloy ng dugo sa puso. Minsan, tinatawag din itong cardiovascular disease dahil nabibilang ito sa kategorya ng mga sakit sa cardiovascular system kagaya ng atake sa puso (heart attack), irregular na pagtibok ng puso (palpitations), at pagsakit ng dibdib (chest pain). Hindi natin alam kung hanggang kailan kakayanin ng papa mo. Kaya sana maintindihan mo siya kung bakit ayaw niyang sabihin sa'yo ang tungkol sa sakit niya.

"Alam ba ni mama ito?

Tumango siya na nagpahina sa tuhod ko.

"Alam ni mama? bakit wala silang sinasabi sa akin? anak ba nila ako? bakit tinago nila sa akin? bakit ngayon ko lang nalaman kung kailan wala ng panahon para alagaan si papa?"

Humagolhol na ako. Ang sakit sa dibdib. Lumabas kami sa ospital na halos wala na akong lakas. Si papa? Si papa na mahal na mahal ko ay may sakit sa puso? ang lakas pa ni papa bakit? bakit nagkaroon siya ng ganoong sakit? Sabi ko sa isipan ko hanggang sa nagflasback lahat ng pinag-usapan namin noon ni papa.

"Did you know we do not know what will happen tomorrow or the coming of days, months and years. Huwag tayong umasa sa nararating natin ngayon. Kung may pera ka ngayon baka bukas o isang araw biglang maubos 'yan. Kung buhay ka pa ngayon baka bukas o isang araw wala kana. Kung masaya tayo ngayon baka bukas o isang araw hindi na. Kung mahal ka ng taong mahal mo ngayon baka bukas o isang araw hinda na. Ganoon dito sa mundo walang permanente at lahat nagbabago.

"Papa." naiiyak kong sabi. Mula kanina hanggang ngayon ay halos hindi ko parin matanggap at inaalala ko parin ang kalagayan ni papa.

"Matulog na tayo mahal."

"Gusto kong makita si papa.

"Gabi na, bukas na lang. Pupuntahan natin siya.

"Paano kung?"

"Ssshhhh! ano ka ba 'wag kang mag-isip ng hindi maganda. Stop thinking bad things ok?"

Tumango ako. Kahit na ipikit ko ang aking mga mata ay hindi parin ako makatulog. Nakayakap ang aking asawa, nabalot ng buo niyang katawan ang aking nanlalamig na katawan pero pakiramdam ko hindi parin ako kombensido.

"Matulog na tayo mahal.

Tumango ako at hinintay na dalawin ng antok.

Kinabukasan maaga akong pumunta sa bahay nina papa. Hindi na ako nagpaalam pa kay Vin. Iniwan ko silang tulog ni baby. Nagbukas ako ng maaga sa restaurant niya at nagluto ng mga recipe niya.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon