CHAPTER 3: I Won't Waste Time

4.9K 85 4
                                    

Tanga raw ako. Oo, tanga ako dahil nagmamahal lang naman ako ng totoo. Naisip ko na ring wakasan ang katangahan ko kay Vin. Ayaw ko ng umasa pero gusto ko pa ring maghintay kahit alam kong nasasaktan na ako ng sobra pero nandyan parin ako umaasang may magbabago pa.

Tama na, iyan ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko. Konting tiis pa, iyan naman ang binubulong ng puso ko. Saan ako magsisimula? Alin ba sa dalawa ang pipiliin ko?

Hinihimas ko ang batok ko habang nag-iisip. Napalingon ako nang tumunog ang cellphone ko na nakalapag lang sa kama. Excited akong mabasa kung sino ang nagtext pero nabigo ako.

"Ate nasa labas kami ni mama. Open the door please." Nagulat ako sa aking nabasa. Bumangon ako agad at dali-daling lumabas ng aking silid at dumiretso na sa main door para pagbuksan sina mama at ang kapatid ko ng pinto. Pagkabukas ko agad naman akong sinalubong ng yakap ni Gab at nagmukha pa siyang ahas na talagang pumulupot sa akin. Napangiti ako dahil anim na buwan ang nakalipas ng huli nilang bisita sa bahay.

"Pasok kayo ma." Sabi ko habang nakapulupot parin ang kapatid kong si Gab.

"Namiss kita ate, sabay kiss sa magkabila kong pisngi. Bakit ka kasi nag-asawa agad? Nasaan si kuya Vin? Wala na tuloy akong kalandian at kaasaran sa bahay."

"Sus! Ang drama mo. Tama na nga 'yan dahil nabibigatan na ako sa'yo. Bahala ka kawawa si baby. Sa sinabi ko nagulat si mama. Napalundag naman sa tuwa si Gab.

"Buntis ka? Totoo ba Abegail? Seryosong wika ni mama.

"Ito naman si mama hindi na mabiro syempre joke lang." Palusot ko at mukhang napaniwala ko naman siya.

"Sayang naman anak. Ang bagal-bagal naman ng asawa mo. Tumatanda na kami ng papa mo kailan niyo ba kami bibigyan ng apo?

Napahimas ako sa tiyan ko. Tumalikod ako agad at nagkunwaring pupunta sa kusina para kumuha ng pagkain.

"Ang gulo ng bahay niyo ate! Ano ba 'yan wala ba kayong maid? Ang kalat sobra." Reklamo ni Gab.

"Wala na akong panahon para maglinis. Nakakahiya sa inyo ni mama. Saad ko at bumalik na ako sa sala na may dalang pagkain nila.

"Kung gano'n ako na lang. Gusto kong tumira rito kasama ka ate. Isasama ko si manang para may katulong akong maglinis at mag-ayos sa napakaduming bahay niyo.

"Hindi! Samahan mo na lang si mama. Atupagin mo na lang ang pag-aaral mo. Huwag kang tumulad sa akin na ang tanga-tanga.

"Ha? What do you mean na ang tanga-tanga ate? Nakakunot na tanong ni Gab sabay subo ng isang piraso ng apple na hiniwa ko lang kanina.

"Sinabi ko ba 'yon? Kunwari akong napakamot sa aking ulo.

"Naku ulyanin kana talaga, basta magpapaiwan ako rito at sasamahan ko kayo ni kuya Vin. Tatawagan ko mamaya si manang na pumunta na lang dito para naman may katulong ako.

Napabuntong hininga na lang ako. Hinayaan kung ano ang gusto ng kapatid ko. Nilapag ko ang cellphone ko sa table pagkatapos ay naupo sa sofa katabi ni mama. Tahimik na uli kami hanggang sa napatuon si mama sa akin.

"Next week anniversary niyo na ni Vin. May plano na ba kayo? Kung gusto niyo magcelebrate tayo kasama ang papa mo. Mas maganda iyon kung sama-sama tayo tutal naman gustong-gusto ng papa mo na pumasyal dito.

Medyo nag-alinlangan ako sa sinabi ni mama kaya naman bigla ko siyang pinigilan.

"Ok na kami ni Vin kahit wala ng magaganap na celebration. Kaya pwede ba ma!" napataas ang boses ko na ikinagulat naman ng dalawa. "Sorry po." dagdag ko pa.

"Tama naman si ate kailangang silang dalawa lang. Kahit 'wag ng icelebrate basta may honeymoon na magaganap para naman magkababy na kayo ate. Bakit ba kasi hindi kapa nabubuntis? Baog kaba?"

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon