CHAPTER 8: Take My Heart And Take My Hand

4K 71 9
                                    

Vin Pov....

Only those who love truly are dying daily. Alam mo ba kung ano ang meaning ng love? Alam mo ba? Ikaw na nagbabasa nito alam kong alam mo. Then, why? Bakit kayo galit sa akin? Ang dami-daming taong mapanghusga. Ang lawak-lawak ng mundo bakit sa akin lagi ang tingin ninyo? Pati ako hindi ko na alam kung saan lulugar. Tao lang din naman ako, may puso at damdaming nasasaktan. Kahit ako hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa akin. Basta paggising ko wala akong maalala, kahit isang tao wala akong makilala. Ang daming katanungan sa utak ko na gustong-gusto ng kasagutan.

Dalawang buwan na ang nakaraan at sariwa parin sa aking isipan noong huli naming pag-uusap ng aking asawa. Lahat ginawa ko na, hanggang sa nagpasya na lang akong tumigil na sa kakasuyo sa kanya. Tumigil ako dahil alam kong iyon ang ikakabuti niya at iyon ang hiling niya. Tumigil ako dahil iyon ang paraan para hindi ko na makitang umiyak ang babaeng mahal ko. I will do everything for her. No matter what happens. I will not give up I'll still fight for what we started.

Uumpisahan ko na ring ayusin ang buhay ko na dapat noon pa ay ginawa ko na. Kung alam ko lang hindi sana umabot sa ganito. Hindi sana masasaktan ang babaeng nag-iisa sa buhay ko. Of course it hurts because I was the reason for her crying. I was the reason for losing our baby. Kasalanan ko ang lahat. Ako dapat ang magdusa hindi ang asawa ko.

Siguro naman there is always a chance for who deserve the chances. I really miss the moment being with her. Hindi ko man maalala yung iba pero ang puso ko ay mas higit na nakakakilala at nakakaramdam sa kung anong story ang may'ron kami noon.

Kaso ang tanga ko eh! Ako ang totoong nagpabaya para humantong sa hiwalayan. Binigyan niya ako ng second chance para itama ang pagkakamali. Para baguhin ang sarili ko para sa kanya pero paulit-ulit ko parin siyang sinasaktan at niloloko. Binigyan niya ako ng second chance at higit pa pero sinayang ko lang. Aaminin ko hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya kahit ako man ay naguguluhan na. Alam kong kayo ay gulong-gulo na kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman. Para akong nasa madilim na lugar na wala akong makitang liwanag. Nananaginip at binabangongot. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses. Gusto kong humingi ng tulong pero walang taong handang makinig.

Ngayon pwede bang hayaan niyo akong balikan ko ang nakalipas? At sisimulan ang librong gusto kong ibigay kay Abe para mabasa niya ang kwento kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa nakalipas na mga taon.

Flasback...

"Pay attention to her! Soon you will realize the decision you made. I know pare, your wife is a good woman kaya 'wag mo siyang pakawalan at 'wag mong sasayangin ang lahat at mapupunta lang sa wala. Iyan ang sinabi ng kaibigan ko pagkatapos mangyari ang aksidente.

"Oo nga mahal ko siya. Mahal ko si Abe pero hindi ko alam kung bakit? Para bang may kulang pa. Ani ko. Napabuntong hininga at lumapad ang mga mata ko habang pinipilit na bumalik ang aking mga alaala.

"Labas na ako sa kung anong problema ninyong mag-asawa pare. Pero kung mahal mo siya hindi kana maghahanap ng wala sa kanya at dapat masaya kana sa kung anong may'ron sa inyong dalawa. What if kung malaman ng asawa mo na nag-checheat ka sa kanya? Kasal na kayo diba? Aniya habang nakasandal sa dingding.

"Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin. Sagot ko. May asawa na ako pero bakit may isa pang babaeng nag-mamay-ari sa akin? Basta paggising ko siya na ang kasama ko. Nalilito ako at wala akong maintindihan.

"Ito lang ang maipapayo ko sa'yo bilang kaibigan. Don't lie, don't cheat. Sabay tapik sa braso ko.

Noong mga oras na iyon pakiramdam ko ang dami-daming kulang. Hanggang sa isang araw dumaan ako sa harapan mismo ng pinapasukan ni Abe. Nakatitig lamang ako sa gusali. Inuntog ko pa nga ang ulo ko sa salamin ng kotse baka sakaling may maalala pa ako. Lumabas ako ng sasakyan pagkalabas ko saktong may lumapit sa akin. Isang lalake, matangkad. Naningkit ang aking mga mata ng tanungin niya ako.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon