Chapter 21: Pretend To Forget

1.3K 44 6
                                    

Abe's Pov***

Sabi ko 'wag na siyang babalik sa akin dahil siya na mismo ang sumuko sa aming dalawa. Sa dami ng aming pinagdaanan pareho kaming nawalan ng pag-asang lumaban para ayusin ang aming relasyon. Tanging nagawa ko ay ang umiyak na lang at magmukmok sa tabi. Nawalan ng pag-asang mabuhay at parang wala ng lakas para harapin ang bukas.

Kapag nagmahal ka ng sobra talagang masasaktan ka. Mahal ko si Vin at siya lang ang lalakeng pinangakuan kong makasama habang buhay. Nadapa kaming pareho ngunit lalaban ako, ipaglalaban ko ang relasyong binuo naming dalawa. Hindi ako susuko, ipaglalaban ko parin siya.

"Ready kana?" tanong sa akin ni Keifer na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang magbihis lalake.

"Hindi ako comportable sa ginagawa mo Keifer.

"Kailangan mong gawin iyan. Kailangan mong makasakay sa kotse nang ganyan ang ayos mo. Kailangan mong magpanggap bilang isang lalake.

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang. Sumakay kami ng kotse na parang isang normal lang syempre kailangan kong umarte katulad ng sinabi ni Keifer. Maingat kaming bumyahe, maingat ding nakarating sa lugar na sinabi niya. Bakit ba kasi may paganito pa itong si boss hindi ko tuloy siya maintindihan.

Nasa loob parin kami ng kotse. Tahimik lang ako habang naghihintay kung ano pa ang ipapagawa nitong kasama ko.

"Kailangan mong magbihis. Wika niya. Napataas naman ang kilay ko. Kung bakit kasi kailangan ko ulit magbihis.

"Sa tingin ko hindi ok kung ganyan ang ayos at suot mo. Importanteng tao ang makakausap mo ngayong gabi kaya kailangan mong palitan iyang suot mo.

"Sino ba kasi ang taong kakausapin ko? Kahit anong ayos ko sa tingin ko ok naman ako kasi maganda talaga ako."

"Tsk! Sige na maganda ka talaga. Ibig kong sabihin kailangan mo paring magpalit ng damit.

"Ano na naman ba kasi 'yang nasa utak mo?"

"Basta, sekreto nga diba?"

"Kinakabahan ako sa'yo."

"Isuot mo ito. Sabay abot nung box. Binuksan ko ang box at doon bumungad sa akin ang isang napakagandang dress na kulay pula.

"Ito ang isusuot ko? Pe-pero bakit?"

"Wag na nga kasing makulit. Wala na tayong oras Abe."

"Kinakabahan ako baka kung mapahamak tayo sa ginagawa mo."

"Magalit kana sa akin. Pero ito ang tanging magagawa ko para sa inyo Abe. Gusto kong maging masaya ka kahit ngayong gabi lang.

"Hindi ko isusuot 'yan. Dito lang tayo Keifer at kung ano man ang nasa isip mo wala akong pakialam! medyo nasa tono yung boses ko ayaw ko kasing may mapahamak sa aming dalawa.

"I will explain after this Abe. You have to trust me. Please?"

Dahil sa titig na iyon ni boss ay nakumbinsi niya ako. May tiwala ako sa kanya.

"Tumalikod ka 'wag kang titingin. Maghuhubad ako. Pag ikaw tumingin tutusukin ko 'yang mga mata mo!

"Ok fine tatalikod na ako.

Naghubad na ako at agad na nagpalit. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng kaba sa dibdib ko. I feel like I’ve felt this before.

After kong magpalit nakita ko ang sarili ko sa salamin. As in wow ang ganda ko sa pulang dress na suot ko. I feel like I'm going to date my husband right now. I feel like I have a strange smell, parang may naamoy akong kakaiba. My memories go back to the past. Excited akong makita niya ang kabuuan ko at kung gaano ako kaganda. He would hold my hand as he danced to the sweet melody. Yung mga titig niya sa akin sobrang namimiss ko na.

He CheatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon