Vin's Pov***
Ito ang pinakaunang beses na pupuntahan ko sa restaurant ang asawa ko. Sa totoo lang may meeting sana ako kaso pina-cancel ko dahil mas gusto kong bisitahin si Abe. Alam kong hanggang ngayon ay hindi parin nakakapag move on si Abe sa pagkawala ni papa. Alam kong nagluluksa parin siya hanggang ngayon. Lalabas na sana ako ng kotse nang makita ko si Keifer. Kausap niya ang kasama nitong driver at mukhang may pinaggagawa.
"Boss anong gagawin natin dito?
"You see that restaurant?
"Opo boss.
"Kausapin mo ang may-ari at sabihing ngumiti naman.
"Nahihibang kana ba boss? Kilala mo ba ang may-ari?
"Hindi. Basta gawin mo.
"Tsk! Ito naman puro kalokohan ang sinasabi palibhasa walang girlfriend.
"Dami mo pang sinasabi. Sige na lakad na!"
Hinintay kong makaalis ang driver niya bago ko siya lapitan. Since wala na ang driver ay lumabas na ako ng kotse at lumapit sa kanya.
"May kailangan ka sa asawa ko? bungad ko sa kanya. Nabigla siya nang makita ako.
"Vin, ikaw pala. I'm glad to see you again. It has been a long time nang huli tayong magkita.
"Kaya nga. How are you? Why are you here in front of Abe's restaurant? Baka gusto mong pumasok sa loob?
"Salamat na lang Vin. Ahm, hindi na kami magtatagal.
"Sigurado ka?
Tumango siya.
"Bago ko makalimutan alagaan mo ang kaibigan ko. She needs that. Sometimes you also ask her how she feels. Lagi ka niyang kinekwento sa akin. Abe is the only woman I have ever met na sobrang tapat sa'yo. Don't let her go. Keep her and give her value. Abe loves you so much. I do not want you to regret kapag dumating ang araw.
Naningkit ang mga mata ko. Mukha kasing malalim ang mga sinabi niya. Hindi ibig sabihin na magkaibigan sila ng asawa ko ay pwede na siyang makialam sa buhay namin. Nakatayo lang ako sa harapan ng restaurant nagdadalawang isip kung papasok ba ako o hindi.
Hindi pala kami ok ng asawa ko. Ano ba ang dapat kong gawin para suyuin siya? Nag-iba na nga talaga siya. Hindi na siya ang dating Abegail Olesco na nakilala ko. Hinablot ko ang cellphone na nasa bulsa ko at tinawagan ko si Abe. Nagriring lang ang kanyang cellphone baka nga busy siya ngayon. Ilang beses ko siyang tinawagan pero hindi niya parin sinasagot. Halos isang oras akong nakatayo habang hinihintay na sagutin niya ang tawag ko.
"Sir? sir Vin?"
"Ako nga."
"A-akala po namin ay busy po kayo. Sabi kasi ng secretary n'yo ay puno ang schedule n'yo ngayon kaya hindi ka na namin tinawagan ulit. Salamat naman po dahil nandito na kayo.
"Medyo namumutla ka yata. Nasaan ang asawa ko?
"Nahimatay po siya kanina habang nasa counter siya. Siguro sa sobrang pagod.
"Kumusta na siya? nasaan siya ngayon? kinabahan ako at hindi mapakali.
"Nagkamalay na po siya sir. Sa katunayan nandyan pa po si doc kausap ni ma'am.
"Pwede ba akong pumasok? gusto kong makita ang asawa ko.
"Yes po sir."
Agad akong pumasok sa loob. Hindi na ako nagdalawang isip kung anuman ang sabihin ni Abe sa akin. Wala akong pakialam kung pagtabuyan niya man ako. Pagpasok ko sa silid ay sumalubong naman sa akin si doktora. Kinausap ko siya tungkol sa kalagayan ni Abe. Ang sabi niya kailangan munang magpahinga ni Abe, bawal mapagod at mastress dahil baka makasama lamang sa kalusugan niya. Nagpasalamat ako kay doc. at nagpaalam na siya sa akin. Binuksan ko ang pinto para kausapin ang asawa ko.
BINABASA MO ANG
He Cheated
RomanceI may forgive you, but i am not stupid enough to trust you again. Cheating me was your choice not a mistake - Abegail Olesco