Chapter 1 - Talk

160 5 0
                                    


Chapter 1: Talk

Makayla's POV

"Hala! Ano nga ulit 'yung formula nito?"

"Andaming kelangang gawin, jusko!"

"Basta sa Lunes na ako magpapasa niyan."

"Tongks! May ESP pa, uy!"

"Langhiya, oo nga pala!"

Nakatingin lang ako sa mga kaklase ko na wala ng ibang ginawa kundi ang magreklamo. Maraming kailangan gawin at ipasa, pero ayan sila, puro reklamo imbis na gumawa.

"Eh kung sinisimulan niyo na sana ngayon imbis na puro kayo reklamo, baka may matapos pa kayo." suhestiyon ko sa kanila habang inaayos ang salamin ko.

Napatingin naman agad ako kay Jayrus na nakatingin din pala sa akin. Bigla siyang tumango saka tumawa.

"Oo nga, guys! Para kayong mga ewan, hay nako!" natatawang patuloy ni Jayrus sa sinabi ko.

"Kasi naman, 'bang hirap aba!" nakangusong sambit ni Angeline.

"Akina nga, alin ba diyan?" tumayo ako at saka lumipat ng upo sa tabi niya.

"YOWN!" 'yung kaninang nakasimangot niyang mukha ay agad namang napalitan ng ganado at masayang itsura. Napailing na lamang ako at saka tinignan ang papel niya.

"Aly, halika nga rito. Ano daw formula nito?" hinatak ko si Aly palapit sa amin at ipinakita sakaniya 'yung papel.

"Photomath niyo na lang." kunot-noong sagot niya sa amin habang tinitignan 'yong papel.

"Langhiya." natatawang ani ko rito. Itinulak ko na siya nang marahan paalis habang tumatawa, sinabayan niya naman 'yong pagtawa ko at saka siya bumalik sa tabi ni Angel.

"Joke lang. Ito oh, cancellation lang naman 'yan. Pero i-factor mo muna 'yung three terms na denominator." paliwanag niya kay Angel. Tumayo ako at pinaupo siya doon sa kaninang puwesto ko. Habang nagpapaliwanag siya ay sakto namang may tumawag sa akin.

"Bakit?" tanong ko kay Aaron na hinahampas na 'yung desk niya.

"Ano 'to?" tanong niya sa akin na animo'y hirap na hirap na sa ginagawa habang itinuturo 'yong papel niya for Elective.

"Jusko! Statement lang 'yan, ah." sagot ko rito habang tumatawa.

Nang mapansin kong mas naguluhan siya ay agad kong hinatak ang isang upuan sa tabi ko at saka naupo sa tabi niya. Binasa ko 'yung statement sa papel niya at saka nagisip ng pwedeng gamiting term para masimulan 'yong essay niya.

"About computer. Nahihirapan ka lang naman kasi masiyadong mahaba at malalalim 'yung terms, pero kapag inintindi mo 'yung statement madali mo nang magagawan 'yan ng essay. Go na." pinakita ko sakaniya 'yung papel at saka ipinaliwanag ang statement.

"Hala, ayon lang 'yun?" gulat niyang tanong. Natawa na lang ako at saka tumango. "Thank you!" mahabang lintaya niya. Nginitian ko na lang siya at saka naglakad patungo kay Janella.

"Teah, samahan mo nga ako sa baba. Nagugutom ako." nakangusong pagaaya ko sakaniya. Nagayos muna siya ng sapatos at saka ako hinawakan sa balikat.

"Tara."

Habang naglalakad kami pababa ay inangat ko ang uniform ko.

"Ang luwag ng palda ko!" angal ko habang ini-aangat ang blouse para mahatak ko pataas ang palda.

"Wali! Ok lang 'yan" tumatawang tinapik niya ang balikat ko. Napakunot na lang ako ng noo at saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Hala, Makayla! Si kuya Jace, oh!" napatingin agad ako sa tinitignan niya.

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon