Chapter 33 - Rainy Day

64 2 0
                                        

Chapter 33: Rainy Day

Napahinto ako sa paglalakad nang magvibrate ang phone ko. Tumabi muna ako sa gilid ng kalsada dahil masiyadong mabilis ang takbo ng mga sasakyan sa tabi ko.

*riiing* *riiiing*

"Bakit?" pagbati ko sa tumawag.

[Kahit kailan talaga di uso sayo yong 'hello' o 'hi'. Anyways, Makayla pinapatanong nila Alexa kung nakuha mo na daw yung results ng checkup mo nong huling araw?]

Naghanap muna ako sandali ng mauupuan. Good thing, may mga vacant benches pa pala dito sa labas ng convenient store.

Sandali akong natigilan sa tanong ni Keziah. Ngayon ko kinuha yong results ng huli kong checkup sa doktor ko. Hindi muna ako lumapit sa personal doctor ko dahil may contact yon kay mommy. Ayokong malaman nila 'to kaya ang magulang ni Alexa ang tumayong guardians ko during that time. Pero maging sila ay walang kaalam-alam sa dahilan kung bakit ako nagpa-checkup. Ang tanging alam lang nila ay kailangan ko yon for school activity.

[Hello? Earth to Makayla? Nandiyan ka pa ba?]

Agad akong napakurap nang muling magsalita ang nasa kabilang linya. I breathed silently and composed myself.

"Oo, nakuha ko na. Good thing ay naabutan ko yong mismong doktor para makausap ko na din siya about sa results. Pagkarating ko kasi kanina ay paalis na pala sana siya. Well...." I shrugged my shoulders. Sinakbit ko na ang bag ko sa aking balikat at muling ini-scan ang mga nakasulat na resulta sa papel.

Of all people, of all instances and of all situations... hindi ko maintindihan kung bakit muling bumabalik ang sakit kong 'to. Malinaw na malinaw pa rin sa akin hanggang ngayon ang mga dahilan kung bakit kinailangan kong makipaghiwalay kay Julian noon. Hindi dahil trip ko lang, hindi dahil napagod ako o nagsawa. Pero dahil kailangan. Kailangan para hindi lumala ang sakit ko at para na rin hindi siya masaktan dahil sa nangyayari sa akin.

[pupunta.....] nagtaka ako sa huling kataga na binitawan ni Keziah.

"Anong pupunta?" nagtatakang tanong ko rito. Sandaling binalot ng katahimikan ang linya sa pagitan naming dalawa. Hanggang sa malalim siyang huminga.

[Hindi ka nakikinig, Makayla. Lutang na lutang ka! Tell me.... anong naging resulta ng checkup mo? For sure naman positibo yan diba?]

Nahimigan ko ang labis na pag-aalala mula sa boses niya. Mahigpit kong hinawakan yong mga papel ng resulta na kinuha ko kanina, saka ako nagsimulang maglakad patungo sa malapit na sakayan. 

"Anong positibo ba ang inaasahan mo? Yong maganda ba o yong hindi?" mediyo natatawang tanong ko.

[Makayla, naman eh! Huwag ka ngang ano... siyempre yong maganda. Positibo nga diba?]

Napahinto na lang ako sa pagtawa nang mahimigan ko ang paghikbi kasunod nang pagsasalita niya. Umiiyak siya! Gusto kong matuwa dahil may nagaalala sa akin, pero hindi ito ang tamang oras para doon. They have to be brave kasi ako mismo.... pilit kong pinapatatag ang loob ko.

Tinanong ko lang naman sakaniya kung magandang positibo ba o hindi dahil gusto kong pagaanin ang vibes. Knowing Keziah? Babarahin agad ako nun, eh.

"May positive ba na negatibo?"

"Luh, Makayla! Gamitin mo nga utak mo, may hindi magandang positibo ba?"

"Ay, positibo tinatanong ko diba? Malamang.... tinatanong ko yong MAGANDA."

Those were the answers na inaasahan ko mula sa kaniya at susundan niya nang pagtawa. Ang kaso.... hindi ko sinasadya na mas pabigatin pa yong awra ng linya namin. Hindi ko inasahang iiyak siya sa gitna nang paguusap naming dalawa.

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon