Chapter 26 - Inis

57 2 0
                                    

Chapter 26: Inis

"Hala!"

Muntikan na akong mapatalon nang marinig ko bigla ang sigaw ni Janella mula sa tabi ko. Anong problema ng isang 'to?

"Huy, anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ko.

Napatitig na lamang ako sa kaniya nang mapansin ko ang bahagyang pagkaestatwa niya mula sa kaniyang kinatatayuan. Isa sa mga kinakainisan ko sa kaniya ay ang pagsisimula ng isang bagay na hindi niya naman kayang ituloy o di kaya'y tapusin 'man lang.

"May sasabihin ako."

"Ano 'yun?"

"Ay, wag na pala."

Nakakairita. Tipong nananahimik ka tapos bigla ka niyang kakausapin para lang bitinin sa kuwento niya.

"Ano kasi..." animo'y nag-aalinlangan pa siya kung itutuloy ba ang sasabihin o hindi.

Walang kahit na sino ang gugustuhing mabitin, myghad! I stood up at pabagsak na ibinaba ko ang phone ko sa kanilang sofa.

"Spill it or shut up for the rest of the school year, Janella. You choose." seryosong sambit ko dito.

Wala naman talaga sa plano ko ang takutin siya, pero kailangan kong maging seryoso para malaman niyang 'di sa lahat ng oras ay puwede siyang magsimula ng mga bagay na hindi niya kayang tapusin.

"MaynililigawannasiJace." mabilisang sagot niya matapos huminga nang malalim. Napanganga na lang ako sa pagkamangha, how can she do such thing?

"Ayusin mo." naiinis kong utos. She heaved a sigh for the second time.

"May nililigawan na si kuya Jace." she shook her head twice before staring at me.

Kung kanina'y naiinis ako dahil sa pambibitin niya, ngayon nama'y naiinis ako dahil pakiramdam ko ay ako mismo ang may kasalanan kung bakit ako nakaramdam nang pagkirot mula sa aking dibdib.

Sana hindi na lang totoo. Sana ay nagbibiro lamang si Janella. Everyone knows her as a girl who takes everything as a joke. Naramdaman ko ang pag-init ng sistema ko paakyat sa aking mukha. No, I'm not blushing. I felt the warmth stopped from my head to my chest. Kasabay nang pag-init non ay ang pagkirot ng bandang dibdib ko.

"Makayla! Anong mukha 'yan?"

I was hit back to reality when someone snapped in front of me. It's Reigne. Tumawa na lamang ako nang bahagya at palihim na pinunasan ang luhang lumandas mula sa aking mata.

"Uh... may nililigawan na daw si Jace?" I asked. Umarte ako na animo'y masaya pa sa nalaman.

"Huh? Sinong nagsabi sayo? Wala, ah!" nagtatakang tanong niya na may halong gulat. Sandali akong natigilan at napaisip.

"Si Janella?" sagot ko na animo'y patanong.

"Eh? Teka nga!" tinalikuran niya ako at dumiretso sa puwesto ni Janella.

Habang naguusap silang dalawa doon ay napapansin ko ang bahagyang paghampas ni Reigne sa hangin at ang pagtawa ni Janella.

"Seryoso, Janella!" tumatawang sigaw ni Reigne. "Sino nga?"

"Ka-grade level niya. Kilala mo kung sino." ngumisi si Janella.

Lumingon silang dalawa sa akin habang naglalakad palapit sa puwesto ko. Inigtingan ko na lamang ang aking panga dahil sa inis. Paanong nangyari na may nililigawan na si kuya Jace? Ganong kailan lang ay kasama pa namin siya.

"Sabihin mo na kaya para di na kami mahirapan." may halong inis ang tono ni Reigne kaya't napailing na lang ako.

"Eh, kasi nga...." Janella shook her head at bahagyang tinapik ang kaniyang leeg.

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon