Chapter 19: Basketball
Sumandal ako sa pader ng aking kwarto at pumikit. I must admit, this day is so tiring. Pero 'di ko din naman maipagkakaila na sobrang saya ng araw na 'to. Ilang minuto pa ay naramdaman ko na ang paghapdi ng palibot ng mga mata ko. Hinayaan ko na lamang na lamunin ako ng kadiliman hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda na sa pagpasok. Sobrang busy namin dahil examination week na ngayon at next week na ang sembreak namin. Days have passed, natapos na ang mga exams namin. Naibalik na din sa amin ang mga test papers namin and thanks God, pasado ako sa lahat ng subjects.
"Sabay na tayo magbihis, Ulan." pagaaya ko kay Reigne. PE na kasi namin kaya't kailangan na naming magpalit ng uniform.
"Wait lang." dinampot niya ang bag niya at kinuha ang uniform doon. Nang makuha niya na lahat ng pamalit niya ay sabay na kaming umakyat patungo sa restrooms.
"Magtatali pa ba ako o hindi na?" I pouted while looking at myself through the mirror.
Sandaling tumingin si Reigne sa akin at ngumisi. Mas napanguso naman ako at umirap na lang sa kawalan.
Niligpit ko muna ang blouse at palda ko. Napagdesisyunan ko na din na hayaan na lamang na nakalugay ang mga buhok ko at bumaba na ulit kami ni Reigne.
"Ito daw 'yong rubrics ng grading natin sa Baskteball." hinawi ko ang buhok ko at inabot ang papel na hawak ni Jayrus. Sandali ko lang pinagmasdan 'yon at bumaba na din ako kasabay sila Angeline.
"Sinong partner mo, Makayla?" nilingon ko si Janella.
"Si Angeline." nginuso ko sila Angeline na nauuna na sa paglalakad.
"Hala, sino kayang partner ko?" nakasimangot niyang tanong.
"Sila Peren yata wala pang kapartner." tugon ko sakaniya. Napansin ko naman na agad siyang nabuhayan ng loob kaya't napailing na lamang ako habang nakangisi.
Nang makarating kami sa gym ay nandoon na lahat ng mga kaklase namin at nagsisimula na din mag-discuss si sir Del Mundo. Tumungo ako at dahan-dahang umupo sa tabi ni Raze.
"Considered na hindi lahat kayo ay marunong sa mga skills na nakalagay sa rubrics kaya't same total lang ang ginawa ko diyan saka sa attitude niyo sa paglalaro." paliwanag ni sir.
Napatingin ako sa aking kanan at napansin ko na nandoon si Luis kasama ang mga kaibigan niya. Bale apat silang nandoon kaya't mediyo nagtaka ako.
"Dribbling, passing at shooting ang gagawin natin ngayon. Nandiyan sila Luis dahil sila ang tatayo sa bawat corner ng field para saluhin ang bola at ipasa." paliwanag ni sir. Napatango na lamang ako at nag-iwas ng tingin kayla Luis.
Ilang minuto pa ang lumipas at tinawag na ni sir 'yong apat na tuko para gawin ang kailangan nilang gawin. Napanganga na lang kaming lahat habang pinapanood ang demonstration nila sir. Ang galing!
'Yong iba ay tumayo pa para lang mas makita ang bawat hakbang at galaw ng mga lalaki na nagtuturo sa amin ng gagawin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pati ako'y napatayo na din. Ang lupet!
"Ok. Tumayo na kayo at kumuha ng kaniya-kaniyang bola. Training lang muna tayo ngayon." sambit ni sir at pinatalbog sa sahig ang bola.
"Yon!"
"Nice one!"
"Naks! Thank you po, sir!"
BINABASA MO ANG
Until He Fell
Ngẫu nhiênIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...