Chapter 36: Mall
Pagtapos ng Christmas party ay dumiretso muna kami nila Angeline sa bahay namin para kuhanin ang pera ko pati phone. Hindi kasi kami nagdala ng phone kanina sa school dahil mas mage-enjoy kami kung walang distraction.
-Squad-
Janella: Asan na kayo? @Angeline @Makayla
Suzette: Nandito na kami sa bahay nila Janella, kayo na lang ang wala.
Angeline: Nandiyan na si Aaron?
Janella: Oo, teh! Kanina pa.
Ako: Papunta na kami.
Binaba ko muna yong phone ko at bumaling kay mommy na busy sa pakikipagusap sa kaniyang telepono.
"Ma, aalis na po kami." paalam ko rito. Sandali niyang nilayo mula sa kaniya yong phone para balingan kami.
"Sige, ingat kayo. Umuwi ng maaga, huwag magpapa-gabi."
"Sige, ma. Bukas na po ako uuwi ng umaga." natatawang tugon ko rito.
"Loko!" pailing-iling niyang ani. Natawa na lang ako dahil sa inasta niya. "Pasaway ka talaga. Sige na, umalis na kayo. Mag-iingat kayo, ha."
Tumatawa lang si Angeline sa tabi ko habang nakikinig sa usapan namin ni mommy. Hindi din nagtagal ay nagpunta na kami sa bahay nila Janella dahil tinatadtad na nila kami ng chat.
"Andiyan na pala sila, eh!" rinig kong sigaw ni Suzette mula sa loob ng bahay nila Janella.
"Obvious ba?" sigaw pabalik ni Angeline. Sira talaga! Tumawa na lang ako at isinara yong gate.
"Tara na ba?" tanong ni Janella.
"Wala pa si Aly saka si Peren. Hintayin na natin." tugon ko habang nagtitipa ng message sa phone.
-GOV-
Kezi: Kailan ba tayo gagala?
Lexi: Nangangati na akong gumala, abough! Si Makayla lang naman ang laging MIA.
Ishtel: HAHAHA! Mag-set na lang tayo kapag active na lahat. Puro IA sila ngayon lalo na si Makayla, paniguradong busy yon sa buhay niya.
Jana: Bahala siya. Nagtatampo na ako. Palagi siyang wala, hilig mang-indian!
Ako: Sorry, guys. Sa pasko, magkita-kita tayo. Ano, g?
Lexi: Hmp! Make sure na sisipot ka na!
Ako: Yes, boss!
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na din yong mga hinihintay namin kaya umalis na kami. Habang nasa biyahe kami ay puro chat naman ni Dylan ang bumulabog sa messenger ko.
Dylan:
Nasaan na kayo?
Papunta na ba kayo?
Chat ka na lang kapag nandito na kayo.Ako:
Oo, sige. Sorry late reply. Malapit na kami.Malapit lang naman dito yong mall na pupuntahan namin kaya madaling bumyahe. Wala pang trenta-minutos ay nakarating na kami sa mall. Ang nagpatagal lang talaga sa amin ng kaunti ay yong traffic na malapit sa two-ways ng bayan dahil may ginagawang kalsada doon.
To Dylan:
Pre, andito na kami.Dylan:
Sige. Nasa Soyabar kami, punta na lang kayo.Gaya ng sinabi niya, kami na mismo ang nagpunta sa kinaroroonan ng boys. Sa escalator pa lang ay natanaw na agad namin sila, si Josh ang unang nakapansin sa amin at siya na din ang nagsabi sa mga kasama niya na nandito na kami.
BINABASA MO ANG
Until He Fell
RastgeleIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...