Chapter 29: Gusto
"Uh..." sambit ni Reigne. Tinaasan ko siya ng isang kilay habang nakahalukipkip.
"Hmm?"
"S-sorry...." she heaved a sigh. Pinigilan ko ang ngiti ko.
Maaaring nagtampo ako sakaniya noon dahil sa ginawa niyang pagtatago sa akin ng totoo. Pero kailangan kong tanggapin ang lahat. Si Jace? Lalaki lang yon, pero si Reigne? She's a girl.... she's an important girl. Kaibigan ko yan, eh.
"Sorry kung hindi ko sinabi sayo lahat. Natakot lang naman ako na masira yong kasiyahan mo, Makayla. Mahalaga ka sakin... sobra pa sa sobra." seryosong sambit niya. Napansin ko ang pangungusap mula sa mga mata niya. Napangiti na lang ako.
"Alam mo? Para kang ewan... ok lang yon. Masakit, pero kailangan kong tanggapin na 'di kami ang para sa isa't isa. At yong nililigawan niya? Masaya ako para sa kanila. Nakakalungkot isiping di kami puwede, pero tanggap ko yon. Kaya ko namang mag-move on, eh.... kakayanin ko." totoong ngiti ang binigay ko sa kaniya.
"Makayla...." she stuttered. Tinawanan ko na lang siya.
"Huwag kang iiyak!" dalawang kilay ang inangat ko habang tumatawa. Para kasi siyang naiiyak na ewan.
"Naman kasi!" ungot niya. Mas lumakas ang tawa ko. Animo'y naiiyak na ewan ang itsura niya, eh. Jusko!
"Ganito na lang..." nagseryoso na ako ngunit nakangiti pa din. "Sa inyo tayo magpractice bukas. Sabado naman, eh."
"Uy! Game... sige sige." she smiled. Mahirap buoin ang tiwala kaya't masakit kapag nasira yon. Pero in our case? We should believe that we can still make it up. Hindi naman lahat ng nasisira ay hindi na naaayos.
"Asan na ba yon? Ang layo naman kasi ng inikutan, aba!" reklamo ni Gab. Natawa na lang ako't napailing.
"Wait...." chineck ko ang phone ko, sakto naman na nagchat pala si Paulo.
Paulo:
Saan ba yan? Malapit ba dito?
Napakunot ang noo ko sa chat niya. Nagtipa na ako ng irereply sana ngunit may dumating agad na picture.
*Paulo sent a photo.*
Binuksan ko yong sinend niya. I showed the picture to Reigne, sabi niya doon lang yon sa kanto ng phase nila.
Ako:
Diretso ka lang. Kanto lang yan nitong corner nila Reigne.
Nag-seen lang siya sa reply ko. Napasimangot na lang ako sa ginawa niya. Di 'man lang nagreply hmp!
*sheeeez*
Saktong humangin kaya't maging ang buhok ko ay tinangay. I lifted up my head. May humaharurot na motor patungo sa gawi namin nila Gab.
"Yon! Si Paulo na ba yan?" rinig kong tanong ni Janella. Hindi ko na siya nagawa pang lingunin dahil nakatitig lang ako kay Paulo na nakangiti habang nakatutok ang paningin sa kalsadang dinaraanan.
"Siya yan...." seryosong tugon ko. Habang nakatitig ako kay Paulo ay nag-angat siya ng tingin. Sumakto yon sa mga mata ko. Napailing na lang agad ako at umayos ng tayo.
"Hay nako, Paulo! Ang tagal." I rolled my eyes at him.
"Wow ha!" tumatawang tinignan niya ako. Nginisian ko na lang siya at nanguna na ako sa pagpasok sa bahay nila Reigne.
"Practice na tayo!" sambit ni Lil.
"Sige, tara." tugon ni Janella. Umupo na ako sa tabi ni Janella.
BINABASA MO ANG
Until He Fell
RandomIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...
