Chapter 17 - Birthday

65 2 0
                                    

Chapter 17: Birthday

"Goodmorning!" napaigtad kaagad ako nang maramdaman ko ang paglubog ng kama sa aking tagiliran.

"Argh! Let me sleep." mahinang pag-angal ko rito. Halos mapangiwi ako nang marinig ko ang tawanan sa aking paligid.

"Gising na!" natatawang nilamutak ko na lang ang aking mukha at padabog na bumangon mula sa kama.

"Ano?" sinamaan ko ng tingin ang mga pinsan ko at pinagbabato ko sa kanila ang mga unan na nakakapa ko.

"Stop, Makayla. Aish!" ilag lang sila nang ilag habang ako naman ay tuwang-tuwa dahil sa mga itsura nila.

"My rule." sambit ko sa mga ito. Kaagad naman silang napa-irap sa hangin at sabay-sabay na nagkatinginan.

I just raised my right brow at them with a playful smile. Sunod-sunod silang bumaling ng tingin sa akin at nakasimangot na sumagot.

"Makayla's rule number 1," panimula ni ate Sep. "Never disturb her sleep." sabay-sabay nilang sambit na animo'y tumutula.

Ang kaninang mapaglarong ngiti ko ay kaagad na napalitan nang mas malawak na ngiti. A victory smile. I just smirked when I heard them murmuring.

"Happy birthday!" bigla naman akong napangiti nang seryoso noong bumati silang lahat nang sabay-sabay. Araw ko pala ngayon.

"Thank you." I just smiled at them and went out from my room.

"Mommy, daddy!" I called them out.

"Uuwi na tayo, mag-ayos ka na." napanganga na lang ako dahil naunahan na kaagad ako ni mommy.

"Sabi ko nga po." bulong ko. Tumalikod na ako at dumiretso na sa banyo upang mag-ayos. Nang makapag-gayak na ako ay saktong ako na lang pala ang hinihintay nila daddy sa salas.

"Tara na." tumayo na sila ni mommy at nauna nang maglakad palabas si daddy habang bitbit ang mga gamit namin. That's my dad!

I opened my phone right away nang makaupo na kami sa bus. I wore my earphones and played a music. Nang buksan ko ang aking messenger ay marami nang chat ang 'di ko pa nababasa. Ang aga pa, ah? Nang mabuksan ko na lahat 'yon ay iisa lamang ang laman ng mga iyon. They were all greeting me a 'happy birthday'.

Nathalie:
Makayla, what time tayo aalis?

Ay, oo nga pala! Dahil hindi puwede lumabas ngayon ang mga kaibigan ko ay si Nathalie na muna ang niyaya ko. Napagdeisyunan ko kasi na ngayon na bumawi sakaniya. At least, my birthday will be more special today. Boring, eh.

Ako:
After namin magsimba. Chat na lang kita. :>>

Nathalie:
Ok, ok. Happy birthday nga pala. :))💖

Napangiti na lamang ako at nagpasalamat sa kaniya bago ko isinara ang aking cellphone.

Pumikit ako at sumandal sa bintana. Dinama ko ang bawat kataga at linya mula sa kantang pinapakinggan ko.

Hey, crush. Bakit di ka maharap,
Pinangungunahan ng kaba at ng red flush.
Hey, Crush. 'Wag ka sanang maharas
Kung patagong kang mahalin ng wagas.
Isang araw ay naglakas ng loob, ~~

Natawa na lang ako nang maalala ko 'yong unang beses na sana'y lalapitan ko siya. Ayon din ang unang beses na nakatabi ko siya sa upuan at hanggang ngayo'y kinikilig ako kapag naaalala ko 'yon.

Dalang Rosas sayo'y inabot.
Kamay nagdaplis, puso'y kay bilis.
Parang ayaw nang umalis sa tabi mo magandang miss. ~~

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon