Chapter 3 - Stuttered

105 3 0
                                    

Chapter 3: Stuttered

"For this week, we will be busy for the upcoming Buwan ng Wika program." sambit ni Miss Camargo.

Inilibot ko ang paningin ko at pinagmasdan ang mga kaklase ko. Karamihan ay may iba't ibang ginagawa, ang iba naman ay nakikinig.

"Kailan po ba ang Buwan ng Wika, miss?" napabaling ang tingin ko kay Jayrus na nagtanong.

"The program will be held next week, August 30." madami pang sinabi si miss ngunit hindi na ako nag-abala pang makinig hanggang sa natapos siya at lumabas na ng room.

"Andiyan na si sir?" tanong ni Theo kay Ellizar na nakasilip sa nakakawang na pinto.

"Wala pa!" sinabayan niya pa ito ng pag-kumpas ng kamay.

"Padaan ako." marahan kong itinulak ang pinto at dumaan sa pagitan nila Vin at Theo.

"Daan lang, boss!" natawa na lang ako sa inusal ni Vin at inilingan siya.

Pupunta lang talaga ako sa canteen para bumili ng lollipop. Habang pababa ako ay sakto namang lumabas mula sa room nila si kuya Jace. Nagtama ang paningin naming dalawa ngunit ngumiti lang ako sakaniya bago nag-iwas ng tingin.

Nang makarating ako sa canteen ay bumili agad ako ng lollipop at isang bote ng tubig bago muling umakyat.

"Hindi nag-aya!" biglang sumalubong sa akin ang napaka-ingay na si Nathalie. Jusko!

Nathalie Abby Monteverde is my friend since first year high school. Napaka-payat ng isang 'yan, aakalain mo lagi na stick siya na naglalakad. Kaloka! Mabait naman siya, 'yon nga lang ay masiyadong takot maubusan ng lalaki sa mundo. Tch! The only thing I hate about her is 'yung paghahabol niya sa mga lalaki. But, who doesn't? I mean, lahat naman siguro tayo ay ganon. Tipong kahit mali na, basta gusto natin ay ipagpipilitan natin. Iba-iba nga lang tayo ng way to have what we want. Pero siya, she chases everything to have them.

"Sa canteen lang ako nagpunta, alangan namang i-broadcast ko pa." I mentally rolled my eyes.

"Kahit na!" she pouted like a damn duck. Argh!

"Wala pa ba si sir?" I asked her nang makalapit ako sa may locker.

"Tingin mo?" pambabara niya. Aba't—!

"Tingin ko? Ampanget mo." napangisi ako nang ipadyak niya ang paa niya. Ayan, mambara ka pa! Natatawa akong napailing na lamang at nauna nang pumasok sa room.

"Andiyan na si sir!" langhiya! Kakaupo ko pa lang, eh. I just shrugged before standing up and walked towards Nathalie.

"Book ko?" inilahad ko sa harap niya ang palad ko asking for my book.

"Walang buko rito." napabuntong hininga na lang ako at binatukan siya.

"Stupid. Tantanan mo nga 'yan, para kang t*nga!" tanging nasabi ko at saka lumabas ng room para kumuha ng libro sa locker. Iisa lang kasi 'yong locker namin ni Nathalie, hati kami dito kaya tinanong ko siya kanina kung nasaan ang libro ko. Baka kasi kinuha niya na, and sad to say, she didn't!

"Pasabay na no'ng akin." she yelled from the door. I rolled my eyes at her and pulled her book with mine from the locker.

Bumalik na ako sa room at sakto namang inaayos pa lang ni sir 'yong projector niya. Ang daming nagkakagusto diyan kay sir, eh. Gwapo daw kasi. Nyanyanya! I know right. Char, ang harot!

"Pinagnanasahan mo na naman si sir!" biglang sulpot ni Nathalie sa tabi ko. Anak ng tupa!

"Letse! Bumalik ka nga sa upuan mo. Pinagnanasahan daw amp, 'wag mo nga akong idamay sa gawain mo." natatawang itinulak ko siya. Good thing 'di na siya pumalag.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsimula nang mag-discuss sa amin si sir ng kung ano-ano. I was busy taking down notes when someone called me.

"Makayla." hindi ako tumingin sa tumawag.

"Egg." ay, pots—!

"Itlo—" naputol ang sasabihin niya dapat nang tinignan ko siya nang masama.

"Geh, tuloy mo." may pagbabanta sa boses ko pero naka-ngisi ako.

"Joke lang." pilit siyang tumawa habang nakaharap sa akin.

"Tch. Ano ba 'yon?" tanong ko sakaniya habang sinasara ko ang ballpen ko.

"Wala lang." bigla siyang tumawa kaya't napasampal na lang ako sa noo ko.

"Ulul." inirapan ko na lang siya at nakinig na kay sir. Iba na pala 'yong sinasabi ni sir ngayon.

"Sa August 30 na ang Buwan ng Wika, and as of the program, sasayaw kayo ng interpretative dance. Kada section ay 20 students lang ang required na sumayaw. 10 boys, 10 girls." paliwanag ni sir.

Napatango na lang ang iba kong mga kaklase, 'yong iba naman ay nag-react. Ako, chill lang. I just shrugged my shoulders and looked at sir.

"Ano po 'yong sasayawin namin?" Jayrus asked. Napaka-active talaga ng isang 'to!

"Isang dugo, isang lahi, isang musika." sagot dito ni sir.

Madami pa siyang ipinaliwanag tungkol sa sayaw at doon sa program. Nakapili na din siya ng mga sasayaw na students from our class. And guess what? Napagtripan ako ng mga kaklase ko at isa din ako sa mga sasayaw sa August 30. Ghad!

"Lunch na noh? Tara na." lumabas na kami ni Nathalie, saktong kararating lang din pala ni Nicole at sabay-sabay na kaming tatlo bumaba.

Nicole is from the other section, pero kaibigan din namin siya. Maganda 'yang si Nicole, jusko! Napakaraming nagkakagusto. Kung si Nathalie ang naghahabol sa mga lalaki, si Nicole naman ay kabaliktaran. Siya mismo ang hinahabol. Nicole Isha Fortalejo. Unlike Nathalie, itong si Nicole ay matangkad at maganda ang katawan. She's one hella 'model-like' gal.

"Oi, alien! Labas tayo mamaya?" patanong ko kay Nicole na pag-aaya.

She looked at me and raised her eyebrows.

"Hmmm. Sige sige." tumango siya.

"Geh, 'wag niyo kong isama!" biglang singit ni Nathalie.

Napatingin kami ni Nicole sakaniya. I raised my one eyebrow at her.

"Papayagan ka ba ng lola mo?" mediyo pataray kong tanong dito. That's me, lumalabas ang pagiging bitcheza maldita ko kapag may mali na ipinagpipilitan ang mga kaibigan ko. 

"Hindi." see? Tch.

"Exactly." napailing na lang ako.

"Sa sunod ka na lang, Nathalie. Kapag pumayag na lola mo." pag-amo sa kaniya ni Nicole.

"Ih, kahit na. Sayang 'yong gala niyo ngayon." pagpupumilit niya.

"Tch." nauna na akong maglakad sa kanila at dumiretso sa canteen. Saktong habang nakatingin ako sa kaliwa ay may kasalubong pala ako.

"Sh*t. Sorry." when I looked up, I was amazed. "K-kuya J-jace." I stuttered. Naramdaman kong natuyo ang lalamunan ko when I stared at his face.

'Di rin nagtagal ay bumalik ako sa aking huwisyo at nilisan na ang lugar. I continued walking towards canteen and find a vacant seat.

Jace....

*****

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon