Chapter 9: Sorry
"So, ano guys? Tuloy natin ang Wing District natin?" naguusap-usap kasi sila Angel about sa bonding ng squad namin.
As usual, nakatungo lang ako at nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook ko. Bigla akong tinawag ni Suzy kaya napatingin ako sakaniya.
"Ay, omg! Field Trip na natin next week." excited na sambit ni Gab.
"Baklang 'to! Excited lang?" natatawang pang-aasar ko sakaniya. Tumawa din siya at saka ngumuso. Ang cute talaga nito!
"Enchanted Kingdom!" sabay-sabay naming sigaw. Nagtawanan na lang kami at saka nagpatuloy sa paguusap.
"Tabi kami ni Makayla, ah?" paos na ani ni Suzy. Tumingin lang ako sa kaniya at saka ko binalingan si Janelle.
"Saan?" tanong ko.
"Sa Space Shuttle." ah, ok! Tumango na lang ako sa kaniya habang nakangiti.
Kinabukasan ay outreach program na ng level nila kuya Jace kaya halos isang subject teacher or dalawa lang ang pumasok sa room namin para mag-lesson. Busy kasi ang karamihan sa mga teachers ngayon kasi kung kahapon ay outreach program namin, ngayon naman ay outreach program ng 4th year levels.
"Gawin niyo na lang 'to, ok? Ano—" tumingin muna si miss sa mga students niya bago nagpatuloy. "Sorry, guys. May meeting kasi ako ngayon kaya kailangan ko nang umalis. Mag-iiwan na lang ako ng activity para sa inyo then check natin 'to sa Monday. Ok ba 'yon?" sinagot lang siya ng mga kaklase ko ng 'Opo, miss!' 'Sige lang po.' 'Ok po!'
Pagkalabas ni miss sa room namin ay nagkagulo na ulit ang mga kaklase ko. Halos mabingi na nga ako sa sobrang ingay nila, eh. Pero kagaya nga ng sinabi ni Jayrus sa akin, ok lang na maging magulo ang section namin as long as walang tinatapakang ibang tao ang mga ito.
Tumayo ako at lumabas ng room. Naglakad ako patungo sa hagdanan at naupo doon habang nakatukod ang mga siko ko sa tuhod.
Halos trenta-minutos din akong nakaupo doon hanggang sa naglabasan na ang mga students. Napakunot ang noo ko pero dahil pagod ako for some unknown reason ay hindi ko na sila sinaway.
"Makayla, si kuya Jace!" napatingin agad ako kay Reigne na sumigaw. Kalalabas niya pa lang sa room at ayon na agad ang lumabas sa bibig niya.
"Huh?" takang tanong ko. May itinuro siya kaya't sinundan ko kaagad iyon ng tingin. Naka-black shirt si kuya Jace at saka pants. Suot niya din ngayon 'yong pink niyang salamin. Mas bagay sa kaniya ang salamin na 'yon, to be honest.
"Mas nakakadagdag sa kagwapuhan niya 'yong pink niyang eyeglasses." nakangiting sambit ko kay Reigne habang 'di ko pa din inaalis ang tingin ko kay kuya Jace na nakikipag-usap sa kaklase niya.
"Oo nga. Ewan ko diyan, bakit 'di suot 'yong black." nakangising sambit din ni Reigne.
"Bayaan na. 'Di naman siya nagmukhang bakla, eh." tumawa ako at saka tumayo. I entered our classroom with a smile in my face.
Pero agad din iyong nawala nang makita ko si Nathalie na nakaupo sa tapat nila Angeline. Close na pala ulit sila?
Umiling na lang ako at lumabas ulit. Sakto naman na break time na pala kaya ang daming nagsisilabasan na students.
Kagaya kanina, naupo lang ulit ako sa hagdanan at tinignan ang mga students na nagsisilabasan mula sa kani-kanilang classrooms.
"Makayla, lock ko na ba 'yong mga pinto?" tanong ni Paulo sa akin pagkalabas niya sa room.
"Kapag wala ng tao sa room." tanging sagot ko sakaniya. Tumango na lang siya at umupo sa tabi ko. Naglokohan lang kaming dalawa at nagtawanan.
Maya-maya'y tumayo na ulit siya at isinara na ang mga classroom. Except sa classroom namin dahil si Angeline ang may hawak doon.
Napansin kong bumukas ang classroom namin at lumabas si Nathalie mula doon. She looked at me with her reddish eyes. Namamaga pa iyon kaya't halatang kagagaling niya pa lang sa pag-iyak. Umiwas ako ng tingin at binalewala ang kaniyang presensiya. Ngunit nagulat ako dahil naglakad siya patungo sa aking gawi.
"Makayla." banggit niya sa pangalan ko. "Bakit ka ba galit sa akin?" tanong niya. I secretly closed my eyes at huminga nang malalim. 'Because you are taking almost everything away from me!' gusto kong sabihin 'yan sakaniya pero 'di ko ginawa. Instead, sinagot ko siya nang maayos.
"I want you to make yourself better." tanging nasambit ko.
"Sabi ni Nicole sa akin nagtatampo ka raw." mahinang sambit niya habang nakaluhod siya sa harapan ko.
"Ba't ako magtatampo?" mahalaga ka ba? Umiling na lang ako at kinunot ang noo.
"Tapos ano," tumigil muna siya at umayos ng upo. "Nagkaroon ng botohan sa squad niyo nila Angel tapos ayaw niyo daw na maging parte ako ng squad niyo?" damn.
"Wala kaming sinabing ganon." tanging tinugon ko. "We just want to see you improve before we put you as part of our squad." labag 'man sa aking kalooban ay sinabi ko pa din 'yan.
Hindi ko alam kung bakit, pero ayoko nang magkaroon ng kahit anong koneksyon o relasyon sa kaniya.
"Sorry." mahinang sambit niya. Napangisi na lang ako at umiling.
"Kay Angeline ka mag-sorry. Siya 'yong na-offend dahil sayo kahapon." malamig kong tugon.
"Oo, kaya nga. Pero sorry pa din." umigting na ang panga ko at palihim na lang akong nagmura. Bakit ba kailangan niyang mag-'sorry' ng paulit-ulit? Naiirita ako.
"Tapos na 'yon." pinaka-ayoko kasi talaga ay 'yong puro na lang 'sorry' ang maririnig ko. Maaayos ba ng 'sorry' niya ang mga nakalipas na? Hindi naman.
"Makayla, sor—" tang*na naman!
Tumayo na lang ako at umiling.
"Andiyan na sila Angeline, talk to them if you want." malamig kong sambit bago ko siya iniwan doon.
Pagkababa namin ay nagulat ako dahil kasama pa din namin ng squad si Nathalie. Where's Nicole?
"Nicole?" hinanap ko siya ngunit wala siya sa paligid. Hanggang sa natanawan ko siya sa may canteen.
Napansin ko na 'di na masiyadong kinakausap ni Nathalie si Nicole simula no'ng nakausap niya na sila Angeline. Tch!
To Nicole:
Hey, ok ka lang?Nag-chat agad ako kay Nicole pagkauwi ko.
Nicole:
Ha? Oo naman.Tumango na lang ako at in-open ko 'yong group chat naming tatlo nila Melfa at Nicole.
-Tres Marias-
Ako:
Nyanyanya~~ Dondo ko.Nag-reply naman agad si Melfa na sinundan ni Nicole.
Melfa:
Uy! Kamusta KAYO ni Nathalie?Nicole:
Oo nga.Ako:
Wala. Nag-sorry siya pero ayos na. Tinanggap ko lang. Pero no relationship or friendship in between us na.After ko i-send 'yan sa kanila ay nag-out na agad ako at natulog. Tomorrow is our Worship Night. Excited na ako.
**
![](https://img.wattpad.com/cover/199407038-288-k986762.jpg)
BINABASA MO ANG
Until He Fell
De TodoIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...