Chapter 31: Saya
Tulala. Halos lahat ng mga kaklase ko ay busy sa kani-kanilang sariling mundo. Nakahalumbaba lang ako habang nakatingin sa kanila.
"Guys, sa Friday na daw ija-judge ang bawat rooms. Dapat matapos na natin ang pagd-decorate hanggang Thursday." paga-announce ni Jayrus.
Tumayo ako at naupo sa tabi nila Nathalie. Kailangan kong tumulong imbis na tumulala sa isang tabi. Wala na naman akong gana ngayon.... actually, araw-araw wala.
"Makayla, bakit nakatulala ka?" biglang pagsasalita ni Nathalie. Napatingin agad ako sakaniya. Umiling na lang ako. Lumilipad na naman pala ang isip ko, haist.
"Wala lang 'to. Ano pa bang gagawin? Akina, tutulungan ko na kayo." sambit ko. Binalewala ko na lamang ang nasa isipan ko.
Nawawalan ako ng konsentrasyon nitong mga nagdaang araw. Dati naman ay hindi ako ganito. Tuwing may pasok ay ganadong-ganado ako, pero ngayon parang gusto ko na lang matulog magdamag.
"Ito, oh. I-fold mo lang ng side to side para doon sa DIY christmas tree natin." tugon ni Paulo. I lifted my head and looked at him.
"Sige. Lahat ba yan?" tanong ko. Kinuha ko mula sa kaniya yong mga plastic na kulay green.
"Oo. Sabi nila Jayrus." tugon niya. Tumango na lang ako sakaniya at itinupi na ang mga plastic.
"Ang boring...." maya-maya pa'y biglang sambit ni Nathalie. Halatang wala siyang gana habang tinutupi yong mga plastic na hawak niya. Bahagya na lang akong tumawa.
"Kanta na lang kayo." suhestiyon ko. Mas ok kung sila lang ang kakanta, baka kasi bumagyo kapag sinabayan ko pa sila.
"Ay, oo nga! Tara, game!" umayos siya ng upo. Sakto namang tumugtog yong kantang Binalewala mula sa mini speaker na dala ng mga kaklase ko.
Ikaw na pala ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko.~~
Bahagya na lang akong napangiti. Tuwing naririnig ko ang kantang 'to ay si Jace agad ang pumapasok sa isipan ko. Sobrang dami ko nang nagawa para sa kaniya noon, pero sa huli.... ibang tao pa din ang pinili niyang mahalin at makasama. Bakit kaya ganon, 'no? We keep on loving the person who can't love us back. Nakakat*nga lang....
"Wag na yan, ayoko niyan! Ano na lang.... kanta tayo nong about sa mga tao na bagay para sa isa't isa." biglang singit ni Nathalie sa kalagitnaan ng pagtugtog nong speaker.
"Bagay tayo.~~" umayos ako ng upo at kinanta yong Bagay Tayo.
"Di na 'ko magdadalawang isip kung gusto kita...~~" patuloy ni Nathalie. Tinawanan ko na lang siya. Bahagya akong lumuhod para maabot yong iba pang plastic. Napatingin ako sa kaharap kong si Paulo na busyng-busy sa pagtutupi.
"Bagay tayo.~~" hindi pa din ako nagpatinag. Itinuloy ko pa din yong lyrics kahit alam kong hindi yong ang kasunod ng linyang kinanta ni Nathalie.
Nagulat na lang ako nang tumawa agad si Paulo at mediyo tumingin pa sa akin. Siya na mismo yong nagtulak ng mga plastic patungo sa harapan ko kaya't hindi na ako nahirapan sa pag-abot non.
"Bagay tayo, pero bagay ba kayo?" pagsingit ni Paulo. My jaw dropped as my mind became confused.
"Huh?" mahinang tanong ko. Hindi ko naintindihan yong tanong ni Paulo.
"Wala!" he exclaimed. Tumalikod siya sa amin at humarap sa kabilang grupo. "May gunting kayo? Pahiram nga ako..."
"Bagay daw kayo, Makayla.... pagong ka na naman mag-isip." bulong ni Nathalie sa akin. Nanlaki agad ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Until He Fell
AléatoireIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...