a/n: play niyo na lang mamaya yung kanta. Thank you sa mga readers na umabot hanggang dito. Luvyuuuh‼️💖
Chapter 37: Wakas
"Damn..." inis kong bulong. Kanina pang nagm-message si Drake sa akin pero hindi ko magawang magreply dahil nag-guilty ako.
Napagusapan namin last time yong about kay Jace, alam niya na gusto ko yong tao na yon pero ok lang daw sa kaniya as long as papayag pa din ako na ligawan niya ako. Naiinis lang ako sa sarili ko kasi pumayag ako sa gusto niya. Ilang beses na kaming lumabas na magkasama, pero palagi akong wala sa huwisyo o 'di kaya naman ay lutang ako madalas.
*bzzz* *bzzz*
Drake:
Nasaan ka?
Anong ginagawa mo?
Sinong kasama mo?
Bakit hindi ka nagr-reply, mi amor?
Darn! Nag-aalala na siya sakin habang ako, eto, nagpapakaselfish. Ayokong magreply sakanya dahil hindi ako makapag-isip ng tama. Ayokong magkamali. Alam ko na nangako ako sakaniya na babawi ako, lalaban na ako, handa na ako, pero sh*t.... mahirap pala! Mahirap dahil hanggang ngayon ay nasa iba pa din yong puso ko.
"Ano bang meron sayo na wala ang iba, Jace?!"
Para akong tanga na kinakausap ang sarili ngayon sa harapan ng salamin pero wala akong pakialam. Ang alam ko lang ay masama ang kutob ko sa nangyayari na 'to sakin. Hindi 'man ako ang masasaktan, pero sa pangatlong pagkakataon, ako na naman ang magiging dahilan ng sakit ng ibang tao na walang ibang hinangad kundi ang mahalin lang ako.
Drake:
Magreply ka naman, oh. Please.... alam kong nababasa mo to. Pangalawang araw mo na akong hindi kinakausap.... i miss you.
Mariin akong napapikit at bumuntong hininga.
Bakit palaging nasasaktan yong mga tao na deserve maging masaya? Bakit palaging nababalewala yong mga tao na walang ibang ginawa kundi bigyan ng atensyon ang taong gusto nila? Bakit palaging nasasaktan yong mga tao na walang ibang ginawa kundi ang gamutin ka? Wawasakin ko na naman yong tao na bumuo sa akin sa pangalawang pagkakataon....
Ako:
Drake, magkita tayo mamaya sa madalas niyong tinatambayan ng mga kaibigan mo. 7 pm, Drake.... kailangan nating mag-usap. Sana dumating ka...
Wala pang ilang segundo nang mag-message ako sakanya ay tumunog na agad ang phone ko, senyales na nagreply agad sya.
Drake:
Sige, mi amor. Gusto mo bang sunduin na lang kita?
Ako:
Hindi na, doon na lang tayo magkita. Ingat ka.
Drake:
I will.... ikaw din, mag-iingat ka. See you later. I miss you, gusto na kitang yakapin nang mahigpit....
Humigpit ang hawak ko sa phone ko kasabay nang pagbigat ng dibdib ko. Panibagong sakit na naman ang matatanggap niya mula sa akin sa pangalawang pagkakataon....
"I'm sorry, Drake..... sorry dahil mahina ako."
Saktong 6:30 ay dumating na agad ako sa usapan namin ni Drake. Nakatitig lang ako sa mahabang mesa na kulay berde habang nakahalukipkip. May mga bolang gumugulong na nagdudulot ng ingay, malakas ang pagkatok ng ulan sa bintana at malamig na simoy ng hangin ang pumapasok sa silid. Nanatili akong nakatulala at nagiisip ng maaaring sabihin mamaya kay Drake para hindi siya masaktan. Pero sa tingin ko, kahit anong sabihin ko ay masasaktan pa din siya.
"Drake." agad akong napatayo nang bumukas ang pintuan ng silid.
"Makayla!" agad niya akong sinalubong nang mahigpit na yakap na agad ko namang kinalas.
BINABASA MO ANG
Until He Fell
De TodoIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...
