Chapter 21 - Sleepover

57 2 0
                                    

Chapter 21: Sleepover

Inilibot ko ang paningin ko sa salas. Nathalie is holding a bunch of chichirya. Si Angeline ay busy sa panonood. Si Janella ay takot na takot habang sumisiksik sa dulo ng sofa. Palipat-lipat naman ang tingin ni Reigne mula sa flatscreen at sa phone niya. Suzette is licking her lollipop while leaning on the sofa in front of the flatscreen. Coco, Suzette's younger sister is staring at the flatscreen while chewing the food inside her mouth. Napailing na lang ako't bumuntong hininga.

"Tita, makikiligo po ako." I stood up and walked in front of her. Tumingin siya sandali sa akin saka tumango.

"Sa taas walang ilaw, diyan mayroon." itinuro niya 'yong banyo sa gilid.

"Diyan na lang po ako maliligo." I smiled at her. Dinampot ko ang bag ko at kumuha ng pamalit doon.

Pagpasok ko sa banyo ay isinabit ko ang mga damit ko at binuksan ko agad ang shower sa pag-aakalang sira 'yon.

"Ahhh!" napatili ako dahil sa sariling katangahan. Alright, it's perfectly fixed. Myghad!

"Ok ka lang diyan, Makayla?" rinig kong sigaw mula sa labas. I just heaved a sigh.

"Ok lang!" sigaw ko pabalik.

Mabilisan akong naligo at naglinis ng katawan. Great! I am sleeping at Reigne's house for the second time. Nang matapos na akong magbanlaw ay saglit akong humarap sa salamin at tinitigan ang aking sarili mula doon. Am I ugly? Am I worthless? Am I— argh, sh*t! Hinilamos ko ang magkabilang palad ko sa aking mukha at mabilisan na akong nagbihis.

"Ano 'yan, Makayla?" tanong ni Nathalie sa akin pagkalabas na pagkalabas ko mula sa banyo. Tumingin ako sa aking kamay at napansin kong hawak ko pa nga pala 'yong panghilamos ko.

"Pond's?" I shrugged my shoulders at akmang lalampasan ko na sana siya nang magsalita siya ulit.

"Pahiram ako..." mahinang sambit niya.

Nilingon ko kaagad siya at inabot sa kaniya 'yong facial wash. Dumiretso na ako sa sofa at nagpatuyo ng buhok habang nags-scroll sa phone.

-/Gals/-

Lexi: Hey, sobrang busy niyong lahat! Hindi na tayo nakakagala. :((

Ishtel: Graduating here, sistah. I miss you all!

Jana: Graduating din ako, duh? Gala tayo next week.

Ako: Can't do it next week. Puno schedule ko for that week.

Ishtel: Aba! Nagparamdam ang loka.

Ako: Well...

Lexi: Status?

Ako: Seryoso, Lex?! Gano'n pa din, kaloka!

Jana: Care to ask her the same question, @Makayla?

Ako: Oo nga naman. So... @Lexi, how's your status?

Lexi: Oh, please... shut it!

Ishtel: What now, Lexi? Baka naman gusto mong sagutin ang tanong ni Makayla? HAHAHAHA.

Lexi: Same old.

Ako: Knew it! HAHA.

Yanzy: Umingay!

Kezi: Omg! I miss you, gals!

Ako: Oh, shoot! Set the date. I'll log out now.

Hindi ko na hinintay ang reply nila at agad na akong nag-out. Paniguradong hahaba nang hahaba ang usapan nila sa gc kaya't mas pinagbuti ko na lang na mag-out. I won't be able to sleep kung hindi pa ako nag-out kanina dahil paniguradong hindi na sila papayag na tumigil ako sa kaka-chika.

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon