Chapter 34: Us
"D-Drake...." nauutal kong sambit. Hindi ko inasahang magkikita kami sa mga oras na 'to. Buong akala ko ay nasa ibang bansa pa din siya kasama ng pamilya niya. Ilang beses akong napailing kasabay nang pagkunot ng aking noo.
"Makayla." bahagya siyang ngumiti sa akin. "How's your life?" umayos siya ng tayo at inalalayan akong makabalik sa aking huwisyo. Namula agad ako dahil sa kahihiyan. Hindi ko 'man lang namalayang napatitig na pala ako sa kaniya.
I must admit, sobrang laki na nang pinagbago niya. Hinding-hindi ko maipagkakaila na mas naging guwapo siya. Maging ang katawan niya ay sobrang ganda ng built. He was my first dream guy....
"Uh-ah! Oo nga pala.... same old. Ikaw? Kamusta ang b-buhay?" hindi ko 'man lang nagawang pigilan ang mautal. I gulped when I felt his stares at me. Mas nag-iwas pa ako ng tingin sa gawi niya.
I suddenly heard his chuckle due to my embarrassing behaviour. Napangiwi na lang ako at pilit na inayos ang sarili. Humarap ako sa kaniya at taas noong sinalubong ang kaniyang mga mata. He coughed, maybe to compose himself a bit.
"Gaya mo, ganon pa din naman ako. Kakauwi lang namin ng kapatid ko kaninang umaga." tugon niya.
"Ohhh...." tanging nasabi ko na lang. "So kasama mo din si Hans?"
"Hmmm, hindi. Nauna kami ni Jiena rito dahil may mga inaasikaso pa sa ibang bansa si Hans kasama sila Ivy." he shrugged. Umangat ang kanang kamay niya at lumapat iyon sa balikat ko. Napatingin ako sa kamay niyang nasa balikat ko lang.
"Uh, Dra—"
"Akina yang bag mo, ako na ang magbibitbit. Tara, kain muna tayo?" sunod-sunod niyang sambit.
"Drake, hindi mo na kailangang gawin 'to. Wala ka ng responsibilidad sa akin." umiwas ako sa kaniya.
"Makayla, look...." he looked at my eyes diretcly. "I insist, alright?"
Alam kong wala na akong magagawa. Imbis na mag-inarte pa ay pumayag na lang ako at kusang loob ko nang inabot sa kaniya yong bag.
"Sige. Sakto... gutom na din ako." I laughed to prevent the vibes from getting heavy.
Pinitik niya ang ilong ko. Napasimangot na lang ako sa kaniya at umirap. Habang naglalakad kaming dalawa ay pumasok sa isipan ko ang maraming katanungan. Actually, hindi ko kailanman inasahang magk-krus muli ang landas namin ni Drake. Sobrang tagal na nong huli kaming nagkita. Pero hanggang ngayon ay parehas na parehas pa din ang nararamdaman ko tuwing nasa tabi ko siya.
"Ang lalim ng iniisip mo, ah? Ako ba yan, Makayla?" pabirong tanong niya. Tinawanan ko na lang siya at binilisan ko na ang paglalakad.
"Ewan ko sayo!" singhal ko rito.
"Teka lang, uy!" naramdaman kong binilisan niya din ang paglalakad para mahabol ako. Lihim na lang akong napangiti. Napasinghap agad ako nang akbayan niya ako.
"Bon Chon or Zark's?" tanong niya habang tumitingin sa paligid. I bit my lower lip to think.
"Bon Chon na lang! Matagal na din nong huli tayong kumain dun, eh." I grinned. He formed his lips into a thin straight line which shows his dimples. Ang gwapo mo talaga, Drake!
Pagdating namin sa kainan ay sinamahan ko na siyang umorder. Pang-anim pa kami sa pila kaya mediyo natagalan kami. Pero hindi naman kami nagmamadali kaya ok lang.
Sino ba namang mag-aakala na kahit hindi naging maganda ang huling pagsasama namin ay magiging magaan pa din ang loob ko sa kaniya? Napangiti na lang ako nang bahagya habang pinagmamasdan siya. Matangos na ilong, perfect jawline, thin-reddish lips, thick eyebrows na saktong-sakto lang para mas ma-define ang asset niya at mahahabang pilikmata. Kung hindi ko lang siya nakasama dati, iisipin kong modelo o artista siya. Pero hindi... dahil naging magkaibigan kami noon. Higit pa sa magkaibigan.
"Hala, ang guwapo niya!"
"Omg, ano kayang pangalan?"
"Kaano-ano niya yong kasama niya?"
"Kasama niya nga ba? Bes, malay mo naman nagkataon lang na magkatabi..."
"Bes naman! Imposible.... kita mong may hawak na bag si kuyang guwapo, diba? Pang-babae pa!"
Mediyo natawa na lang ako at napailing. Kahit saan talaga kaming dalawa magpunta ay laging may nakakapuna sa kaguwapuhan niya. Nakakaloka!
"Gusto mo bang maupo muna? Maghanap ka na muna ng uupuan natin para 'di ka mangalay kakatayo." baling sa akin ni Drake.
"Hmmm..." I bit my lower lip and roamed my eyes. "Madami pa namang vacant tables. Sasamahan na muna kita rito. At saka... turn na natin oh." mediyo natawa pa ako nang mapagtanto kong turn na pala namin.
"Oo nga. Mabilis ang serving nila ngayon, ah." natatawang tugon niya din.
Hindi ko na narinig ulit yong mga nag-uusap kanina sa likuran namin. I shrugged my shoulders and looked at the menu. After umorder ni Drake ay binitbit na namin yong mga pagkain.
"Doon na lang tayo, Drake..." itinuro ko yong puwesto na wala mediyong tao. Hindi kasi ako sanay kumain kapag madaming tao. Saka, madami kaming kailangang pag-usapan ni Drake.
"Tara.." pinauna niya na ako sa paglalakad habang siya'y nakasunod lang sa akin.
Pagkaupo namin ay sinimulan na agad naming kumain. Madami siyang tinanong sa akin tungkol sa kaganapan ko ngayon sa buhay, pero tanging pagtawa at pag-iling lang ang sinagot ko sa kaniya. Hanggang sa napadpad ang usapan namin sa nakaraan. Sandali pa akong natigilan, ngunit nakabawi din agad.
"Paano tayo humantong sa ganito?" tumamlay ang tono ng pananalita niya kumpara sa kanina. I gulped and tried to avoid his gaze.
"Drake..." nanginginig kong sambit. Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko.
"Makayla, let's talk about us." pursigidong ani niya. Napabuntong hininga na lang ako at umiling.
"Matagal na yon, Drake. Sa sobrang tagal non, masasabi kong isang malaking laro lang ang lahat ng naganap dati sa pagitan nating dalawa." kunot-noong tugon ko. Bahagya pa akong napapailing.
"Sabihin na nating laro lang lahat ng yon para sayo, pero hindi din naman natin maipagkakaila na totoo ang naramdaman natin noon, diba?" punong-puno ng pagmamakaawa ang pananalita niya. Animo'y nagmamakaawa siyang sabihin ko ang totoo sa kaniya.
"Oo, totoong-totoo. Hindi 'man naging maganda ang huli nating pagkikita, Drake...Pero nasisiguro ko na puwede tayong bumuo ng panibagong pagsasama. Pagsasama na muli nating babaunin sa ating memorya. New collection of memories..... new moments with you." I sincerely smiled at him. "Hayaan mong bumawi ako sayo." mariin kong hinawakan ang kamay niyang nasa lamesa at diretso akong tumitig sa kaniya.
"We will, Makayla.... we will. And this time, wala ng laro. Wala ng challenge at wala ng lokohan. Ready ka na?" he intertwined our fingers. Sinalubong niya ang mga titig ko na agad namang nagpausbong sa tuwang nararamdaman ko.
"Matagal na akong handa para dito, Drake. Handa ako para sayo." I nodded.
"Handa ako para sa ating dalawa...." kuminang ang mga mata niya na agad namang nagpaalerto sa akin. He's crying!
Sobrang suwerte ko dahil yong lalaking pinapangarap ng nakararami ay ako mismo ang iniiyakan..... ghad!
*****
![](https://img.wattpad.com/cover/199407038-288-k986762.jpg)
BINABASA MO ANG
Until He Fell
RandomIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...