Chapter 10: Trip
Ilang araw na ang nakalipas mula noong nagsorry si Nathalie sa amin. Ilang araw na din ang nakalipas mula nang maganap ang Worship Night namin and believe it or not— sobrang saya! That was the time na naramdaman ko na malaya ako. 'Yon ang time na nasaksihan ko kung paanong tinanggap ng mga estudyante ang Diyos sa buhay nila. During that time, I felt complete. Tipong wala na akong iba pang mahihiling.
Kahapon naman naganap ang Teacher's Day program sa campus namin. Sinurpresa namin nila Janella si Miss Linzo kaya sobra 'yong saya na nakita ko sa mga mata ni Janella.
"Nahihilo ako." kinapa ko ang noo ko pati ang leeg ko para sana masiguro kung nilalagnat ako.
"Matulog ka muna." sambit ni Janella sa akin habang pasulyap-sulyap sa cellphone na hawak niya.
"Gising pa ba kayo?" napatingin kami doon sa nagsalita sa harapan. Nakatayo na pala ulit si kuya Perry doon. Siya 'yong tour guide namin for the whole day today.
Fieldtrip kasi namin ngayon and thanks God, tapos na kami sa dalawang destination. Sobrang nahihilo na kasi ako, so after nitong isa pa naming destination ay magkakaroon na kami nang mahabang pahinga dahil ang huling pupuntahan namin ay Laguna.
"Opo!" nagsigawan naman kaagad ang mga ka-bus number ko.
"Alright! So ang next na pupuntahan natin ay ang Philippine Science Centrum." madami pa siyang sinabi pero hindi ko na siya nagawa pang pakinggan dahil sa sobrang hilo na aking nadarama. Pakiramdam ko ay anytime masusuka na lang ako. Pero sana hindi mangyari.
"Kulang ka sa tulog." napaangat ang tingin ko kay Gab nang magsalita siya. Napangisi na lang ako at muling tumungo. Napansin niya pala 'yon.
"Oo." minasahe ko ang sentido ko at saka ko sininghot ang Vicks Inhaler na dala ko.
Ilang minuto din kaming nagusap-usap ng squad namin at nagbiruan. Actually, sila lang ang nagbibiruan. Tumatawa lang ako at paminsan-minsan ay sumasagot din naman pero sobrang dalang lang dahil tuwing nagsasalita ako ay nararamdaman ko na anytime ay maaari akong masuka.
"Bus number 4, line up! One line for boys and one line for girls." agad naming sinunod ang sinabi ni kuya Perry. Pumila kaming lahat sa labas ng PSC habang hinihintay namin ang ibang bus number.
"Nandiyan na sila." napalingon ako kay Angeline nang magsalita siya bigla. Sinundan ko ang tinitignan niya at nakita ko ang ibang bus numbers na kararating pa lamang.
Pagkapasok namin sa PSC ay namangha kaming lahat dahil sobrang simple niya pero ang lakas ng dating ng vicinity nito.
Nagdiscuss ng kung ano-ano ang mga lecturer from PSC at kumuha pa sila ng ilang estudyante na magt-try noong Human Gyro.
"Hala ang galing!" nanlaki ang mata ko dahil akala ko ay tataob 'yong sphere kung saan nakahawak 'yung isang estudyante.
Ang dami pa naming ginawa, sinubukan pa namin 'yong electricity ball na kapag hinawakan mo ay magsisitayuan ang mga buhok mo.
Napuno nang tawanan ang silid dahil sa itsura ng isang babae na animo'y nasabunutan nang ilang beses.
Pagkalabas namin mula sa hall ay nakasalubong namin sila Nathalie na kasama sila Camryn. Nginitian ko siya nang magtagpo ang paningin naming dalawa. I bit my lower lips when she just ignored me. Nakikipagkulitan kasi siya kayla Camryn.
"Tara, Neon Laser!" pag-aaya nila Reigne.
Nang makapasok kami sa loob ng Neon Laser room ay agad kaming natuwa dahil ganitong ambience ang gusto namin tuwing kukuha ng litrato. Sobrang simple niya kasi walang design ang buong silid, pero dahil sa mga spotlight mula sa kabilang side ng pader na tumatama sa opposite side nito ay nabibigyan nito ng magandang kulay ang buong silid.
"Try mo nga doon, Makayla." itinulak ako ni Zet doon sa may pader kaya't lumapit ako doon. Kinuhanan nila ako ng litrato kaya todo ngiti ako kahit mediyo nahihilo pa din ako. I don't want to spoil any moment we have today.
"Ang ganda no'ng neon glitch effect." pagpuna ko nang makita ko na ang litrato ko.
Ang daming naganap sa PSC. Ilang beses pa naming nakasalubong si Nathalie pero hindi niya kami pinapansin kaya't binalewala na lamang namin iyon.
"Oh, ghad!" napahinga ako nang malalim nang muli na naming marating ang bus.
"Everyone, magpahinga na kayo. Matulog kayo dahil mahaba-haba pa ang biyahe natin bago makarating sa Laguna. Gain your energies!" lintaya ni kuya Perry na agad namang sinunod nang karamihan.
"Pansin niyo ba? Hindi tayo pinapansin ni Nathalie kanina." marahan kong tanong sa kanila habang china-charge ko ang cellphone ko.
"Ay, oo nga! Kasama niya kasi sila Zhei." binalingan ko ng tingin si Angeline at nagbikit balikat.
"Hayaan niyo na. Hindi niya tayo pinapansin, edi huwag niyo na din muna pansinin." napatingin kaming lahat kay Peren nang magsalita siya. She's the peacemaker in our squad. Kapag may nag-aaway, siya ang umaawat. Kapag may 'di nagkakaintindihan, siya ang nagpapaliwanag. Basta lahat ay
gagawin niya just to maintain peace.Sinubukan kong matulog at laking pasasalamat ko dahil nagtagumpay naman ako. Naramdaman ko ang mediyo pagkaantok kaya't sumandal ako kay Janella na katabi ko at saka hinayaan ang kadiliman na lamunin ako.
"Everyone, wake up! Get ready dahil andito na tayo sa Laguna!" kinusot ko ang mga mata ko hanggang sa napansin ko ang magandang tanawin sa labas. We're here!
Sinulyapan ko ang orasan ko to check the time. 1:08 pm na pala, ilang oras lang ang naging biyahe namin. Siguro ay dalawang oras mahigit lamang iyon dahil past 11 am kaming nakaalis kanina mula sa PSC. Nang maiparada na ang bus namin ay isa-isa na kaming bumaba at inabutan naman kami ni kuya Perry ng kaniya-kaniyang ticket for all rides.
"Enchanted Kingdom!" napuno nang malalakas at excited na sigawan ang bukana ng EK dahil sa mga estudyanteng kararating pa lamang.
I pulled out my phone from my pocket para kuhanan ng litrato ang EK, good thing ay nagwagi naman ako at naging maganda ang pagkuha ko rito ng litrato.
"I am now welcoming new memories from you, Enchanted Kingdom." nakangiting bulong ko habang nakatingin sa malaking estraktura ng EK.
*****

BINABASA MO ANG
Until He Fell
RandomIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...