Chapter 25 - Sheet or Sh*t?

51 2 0
                                    

Chapter 25: Sheet or sh*t?

Sa pagpatak ng tubig sa katawan ko ay madaming katanungan, realizations at pag-aalala ang pumapasok sa isipan ko.

Hanggang kailan ko titiisin 'to?

Bakit ako pa?

Kaya ko ba?

Deserve ko ba 'to?

Worth it ba kung lalaban ako?

Isang malakas na kalabog ang idinulot nang pagsuntok ko sa pader. Bawat minutong ngumingiti ako sa mga kaibigan ko, nandoon ang sakit. Bawat pagtawa ko sa harapan nila, nakatago ang pagluha ng mga mata ko. Sa kada halakhak ko, nandoon ang kagustuhan kong humagulhol sa sakit.

There's always the pain in my every smile...

"Makayla!"

"Oh, shoot! Huwag niyong itulak." gulat kong sambit nang bumukas nang bahagya ang pintuan ng aming kuwarto.

"Shhh." rinig kong pagsaway mula sa labas.

*bogsh*

"Sabi't huwag itulak ang pinto, aba! Nagbibihis kaya ako." I rolled my eyes on air and faced the mirror in front of me.

Hawak ko na ang tube ng foundation ko at akmang bubuksan ko na sana ito nang mapatigil ako. I can't always hide the real me behind this liquid. Karamihan ay minamahal ako dahil sa nakikita nilang panlabas kong anyo. But, we should be vocal here, hindi sa lahat ng oras ay makikita nila ang ganda na lagi nilang napupuna mula sa akin.

For me, ito lang ang nagpapaganda sa akin. I heaved a sigh and placed back the tube on my bag. I've decided to at least try being simple in front of everyone. Tanging pulbos at liptint lang ang nilagay ko bago lumabas.

"AY!" gulat na sambit ni Suzette habang nakahawak sa dibdib niya.

"Kanina pa kayo?" pambabalewala ko sa reaksyon niya.

"Bakit ba bigla kang lumabas diyan? Nagulat tuloy ako!" natatawang sambit niya. I just ignored her statement and went directly to salas.

"Andito ka din, Angeline?" kunot-noong tanong ko. Bakit nandito 'tong dalawa na 'to? Kela Janella kami magp-practice, ah?

"Sarado pa kasi 'yong tambayan sa intersection ng bahay nila Janella." lintaya ni Angeline. Napanganga na lang ako at napatigil sa pagaayos ng buhok.

"At dito kayo dumiretso?" naningkit ang mga mata ko na may halong pang-aasar sa kanila.

"Siyempre! May pagkain dito, eh." taas-baba ang kilay ni Suzette habang inaasar ang pamangkin ko.

"Oh, Ejhay?" nakangiwing puna ko sa pamangkin ko. Karga siya ni Angeline at pilit niyang ipinapasok sa cabinet ang bata.

I just shook my head and pulled the two of them out of the house. Kapag nagtagal pa sila doon ay baka kung ano-ano pang magawa nila sa loob, 'prevention is better than cure'— ika nga nila.

Dumiretso muna kami sa The Tent para kumain. Pare-parehas kami nang inorder, Beef with mushroom. Hinalo ko ang sauce ng beef sa kanin ko at kaagad na tinikman iyon. Nag-iba na 'yong lasa ng food nila, unlike dati, sobrang malasa. Ngayon, 'yung sauce na lang ang nagbibigay ng lasa sa pagkain.

"Wala ng pipino ang rice nila." puna ko habang tumutusok ng beef.

"Oo nga. Dati lahat ng rice nila may ganon sa ibabaw, eh." puna din ni Suzette.

Dinalian ko na ang pagkain ko dahil isang oras na lang ay magp-practice na kami. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na muna kami sa café at hinintay ang iba pa naming kaklase. Unang dumating si Warren, ang cute talaga nito!

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon