Chapter 14: Yelo
"IT 2 na nga lang!"
"Edi ikaw. Aladdin na lang kasi."
"IT 2!"
"Aladdin."
"Hep! Hep! Anabelle na lang para walang away." napangisi na lang ako at bahagyang nagpadulas mula sa sofa.
"Mabuti't naisipan mong umawat, ate Maren?" natatawang sambit ni Angeline dito. Saglit akong sumulyap sakanila at saka muling tumingin sa cellphone na hawak ko.
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni ate Maren bago niya ako tawagin. Inaya niya na akong magluto at magprepare ng aming kakainin kaya't tumayo na agad ako at nagsimula nang mag-ayos."Ako na lang gagawa ng shake. Ikaw na sa kakainin natin, ate." pumayag naman kaagad siya kaya't sinimulan ko nang ihanda ang Chukie.
Kakaunti lamang ang Chuckie na dala namin kaya't mas maiging i-blender ko ito para kahit papaano ay mapadami ito ng mga yelo.
"Reigne, pahiram ng pitsel!" ani ko habang inaayos ko ang base ng blender.
"Wait." binalingan ko na ang mga kaibigan ko na sobrang busy sa panonood ng cartoons. "Daddy, 'yung pitsel natin?" rinig kong tanong ni Ulan sa daddy niya.
"Nandiyan sa cabinet. Buksan mo." sinunod kaagad ni Reigne ang daddy niya at nang mahanap niya na ang pitsel ay inabot niya na iyon sa akin.
"Zet, pahugas." kinuha niya kaagad mula sa kamay ko ang pitsel at siya na mismo ang naghugas noon.
"Oh, bawasan niyo nang kaunti." inabutan ko ng kalahating baso ng Chuckie si Nika na agad niya namang ininom. Muntikan na kasing umapaw 'yong Chukie kaya't pinabawasan ko sakaniya iyon.
"Tapos na?" tumingin ako sa kanilang lahat na ngayo'y nagkukumpulan na sa isang lamesa at pasimpleng nilalantakan ang niluto ni ate Maren na Canton. Pambansang pagkain ng magto-tropa: Pancit Canton.
"Hoy, pahingi!" kaagad ko silang nilapitan dala-dala ang Chuckie. Nang mailapag ko nang maayos ang pitsel sa lamesa ay kaagad kong tinusok ang canton at isinubo. Argh, ang sarap!
"Game na! Anabelle." nagsitakbuhan na kaming magkakaibigan patungo sa sofa at nagkaniya-kaniya ng puwesto habang kumakain.
Sa simula ng palabas ay halos hindi na ako lumingon sa screen dahil ang boring ng scene, ngunit nang mapatili si Peren ay muntikan ko nang maihagis ang platong hawak ko.
"Peren!" angal ko dito habang pinupulot ko ang ilang strips ng canton na tumalsik. Napuno ang salas ng tawanan at harutan habang ang movie ay nagpapatuloy pa din.
Nang makahiga ako sa sofa ay dinantay ko ang kamay ko kay Aly at walang emosyong tumingin sa screen ng tv. Hindi ko mawari kung boring ba talaga 'yung palabas o sadyang immuned na ako sa ganito. Noong nasa kalagitnaan na ang palabas ay naramdaman ko na lamang ang onti-unting paglamon sa akin ng kadiliman kasabay nang pagtili ng mga kaibigan ko dahil siguro sa movie.
"Ahhh!" naririnig ko pa din ang pagtili nila ngunit sadyang wala na akong makapang lakas upang labanan ang aking antok.
"Ano ba 'yan? Wala 'man lang reaksyon si Makayla!" bahagya kong pinilig ang aking ulo upang maiwasan ang aking panaginip.
Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang napakalamig na bagay na tumama sa aking balikat. Dahil sa gulat ay hindi ko inasahang nasa dulo na pala ako ng sofa kaya't dali-dali akong nahulog mula doon.
Hindi pa din magawang mag-sink in sa utak ko ng pangyayari kaya't bahagya akong natigilan. Noong narealize ko nang pinagtripan ako nang mga kaibigan ko ay kaagad kong dinampot ang yelo mula sa aking binti at ibinato ko iyon kung kanino 'man.
"Aray! Bakit niyo ba ako dinadamay?" matinis na boses ang nag-react dahil sa ginawa kong pagbato ng yelo.
"Takte kayo! 'Wag kayong matutulog kapag kasama ako, yelo ang babasagin ko sa inyo." papikit-pikit na tumayo ako at saka naghikab.
"Uwi na tayo." rinig kong pagaaya ni Angeline.
Nag-cr muna ako upang maghilamos at maghugas ng kamay. Pagkalabas ko ay narinig ko kaagad ang boses nila Aly na nagtatawanan mula sa labas ng bahay.
"Natatawa ako kay Makayla." napailing na lang ako nang marinig ko si Angeline.
"Oo nga! Nakangiti habang tulog." tawang-tawa si Zet habang nagk-kuwento kaya't napatawa na din ako at saka lumabas.
"Saya niyo." napangisi na lang ako at sabay-sabay na kaming naglakad upang umuwi.
"Bye, Reigne. Tito, salamat po!" kumaway kami sakanila at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Infinitea muna tayo?" pumayag naman kaagad ang iba kaya't sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag na din.
Hindi na kami nagtagal sa Infinitea dahil pagkatapos naming maka-order ay naghiwa-hiwalay na din agad kaming lahat ng landas.
"Oi, ingat!" nagpalitan na lamang kaming lahat ng 'ingat' at 'goodbye'.
"Aly, ginagawa mo?" halos maglumpasay na ako sa sahig dahil sa kakatawa. Lutang si Aly!
"Ha? Ay oo nga." pati sila Angeline ay natawa na din.
"Uuwi ka na lang, lutang ka pa." tawang-tawa kami dahil kay Aly.
Kaming dalawa kasi ang dapat na magkasabay. Ngunit laking gulat ko dahil habang nagu-'goodbye' siya kayla Angeline ay sakanila siya sumasabay ng lakad. Supposedly, sa akin dapat siya nakasabay sa paglalakad dahil ako ang kasabay niya. Damn! Basta, sobrang lutang niya.
"Ok ka na?" natatawang tanong ko dito nang makasakay kaming dalawa sa jeep. Napailing na lang siya at bahagyang tumawa.
"Grabe, ang bangag ko pala." natawa na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Sinabi mo pa." I smirked.
"Kuya, dalawa po." inabot ko sa driver ang baryang hawak ko pang-bayad.
"Exam na nga pala next week." napanguso na lang ako at tumingin sa labas ng jeep.
Since I was a child, nakasanayan ko nang pagmasdan ang paligid ko. Hindi ako sanay matulog sa kahit na anong sasakyan dahil mas nakasanayan kong panoodin ang bawat galaw ng mga bagay mula sa labas ng aking sinasakyan.
"Uy, Aly! Ingat ka saka salamat." ngumiti ako sakaniya nang makababa na ako. Kumaway lang siya sa akin habang nakangiti kaya't napahagikhik na lang ako nang umandar na ulit ang jeep.
Tumawid muna ako sa kalsada at pumasok sa Mightee Mart. I went to find the Big Oven's brownies na sobrang paborito ko. Nang makapagbayad na ako ay dumiretso na kaagad ako sa bahay namin at natulog.
This day is so exhausting!
*****
![](https://img.wattpad.com/cover/199407038-288-k986762.jpg)
BINABASA MO ANG
Until He Fell
RastgeleIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...