Chapter 28 - Tiwala

46 3 0
                                    

Chapter 28: Tiwala

"Reigne...." munting pagbigkas ko sa pangalan ng kaibigan ko. Muntikan ko nang mabitawan ang boteng hawak ko habang nakatitig sa tatlong tao na nasa harapan ko.

"Makayla!" gulat na tugon niya. Mapakla akong ngumiti sakaniya.

"Totoo ba?" kunot-noong tanong ko. Dahan-dahan siyang umiling. She bit her lower lip while staring at me. "TOTOO BA?!"

"M-Makayla...." she stuttered. Napangisi na lang ako.

Sobrang bilis ng mga pangyayari, parang kahapon lang ay handa na sana akong lumaban ulit para kay Jace, pero ngayon andami kong natuklasan. Natuklasan ko ang mga katotoohanan na siyang mismong wawasak sa buong pagkatao ko. T*ngina!

"Sasabihin ko naman dapat sayo ang lahat, kaso..." I cutted her off. Malamig ko siyang tinitigan habang onti-unting nagtitiklop ang mga labi ko.

"Hindi, eh.... huwag na tayong maglokohan. Tigilan na natin ang lokohan na 'to! Naisip mo ba talaga noon na aminin sa akin ang lahat, huh? Reigne?"

"Makayla, believe me— gusto kong sabihin sayo lahat.... gusto kong aminin sayo ang totoo simula pa lang." she tried to explain herself.

"Bakit hindi mo ginawa?" malamig kong tugon.

"Dahil nakita ko kung gaano kang kasaya kasama ang pinsan ko! Ayokong sirain yon dahil nakita ko din na habang tumatagal ay nagiging masaya na din ang pinsan ko kasama ka! Walang halong pagpapanggap o kalokohan dahil sa mga oras na yon, nakita ko ang totoong saya sa mga ngiti ng pinsan ko..." her tears fell. Napatigil ako sa sinabi niya.

Hindi naman siya nagsisinungaling diba? Gusto kong maniwala sakaniya, gusto kong tanggapin si Jace ulit sa buhay ko. Pero paano ko gagawin yon? Ganong nasira na ang tiwala ko sa kanila. Bukod doon, hindi naman naging kami ni Jace kaya't wala akong dapat tanggaping muli at simulan.

"You know that I have trust issues, right? Huwag niyo nang asahan na madali kong maaayos ang pakikitungo ko sa inyong muli." tanging sinambit ko kahit na andami kong gustong sabihin sa kanila. Tumalikod na ako at humakbang palayo.

"A-ayun na yon? Paano yong sinabi ko? Balewala na ba s-sayo yon? Hindi mo na ba gusto ang p-pinsan ko?" nauutal na tanong ni Reigne. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Janella, Reigne, Jace...." I mentioned their names. Nakatitig lang silang tatlo sa akin na animo'y nagtataka kung bakit ko sila tinawag. I bitterly smiled at them. "Gusto ko pa din ang pinsan mo, Reigne. Pero hindi ko gusto yong sakit. At... balewala? Let's just say that your lies made everything nonsense now. So, uh! Wala na akong pake."

Sinimulan ko nang humakbang ulit palayo sa kanila. Hindi ko naman gustong iwanan o balewalain yong nararamdaman ko para sa kaniya. Kaso, hindi nga yata kami ang para sa isa't isa. Nakakag*go lang isipin na kung sino yong gusto mo, siya pa yong di puwedeng mapasayo.

"Wait lang, ipapasa ko lang muna 'to." tumayo ako at tinalikuran sila Angeline.

"Hanapin mo na din si Yeng, baka makasalubong mo." pahabol pang utos ni Nika. Tumango na lang ako at lumabas na ng room.

"Miss, ito na po 'yung project ko. Sorry po nalate ako nang pagpapasa, inayos ko po kasi 'yong ibang terms." sambit ko habang inaayos ang lagay ng paper sa lamesa.

"Sige... ok na yan." she smiled at me and gave me a thumbs up. Napangiti na lang ako at lumabas na. Teka, si Reigne! Hahanapin ko nga pala...

"Takte, boi! So kayo na nga ni Myles?" rinig kong tanong ng pamilyar na boses. Napanganga na lang ako. Bahagya akong sumilip sa nakaawang na pintuan upang alamin kung tama ba ang hinala ko.

"Oo, mag-iisang linggo na...." tugon ng isang lalaki. Onti-unti akong nanghina hanggang sa hindi ko 'man lang namalayang napasandal na ako sa pintuan.

Ang sakit! Tang*na, bakit hindi niya agad sakin sinabi? Sobrang nakakadismayang isipin na umasa na naman ako sa wala. Akala ko ok na, akala ko may pagasa na.... pero wala pa din pala!

"Kailan mo balak sabihin kay Makayla yan? Alam mong gusto ka non." tanong muli ni Janella.

"Hindi naman kailangang malaman ni Makayla." nakatungong sambit ni Reigne. Napaawang ang labi ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Reigne!" hiyaw ni Janella. "Kailangang malaman ni Makayla ang totoo dahil umaasa siya kay Jace!"

Hindi ko lubos na maisip na hahantong sa ganito ang lahat. Kailan lang ay masaya pa kami, eh. Kinikilig pa ako kay Jace.... parang kailan lang noong napagisipan kong ok lang na tamaan, basta't may gagamot. Ang kaso... andito na naman ang sakit, pero wala pa din yong gagamot. My tears fell down.

"Seryoso, Janella? Hindi na importante kung alam ni Makayla ang lahat o hindi. Siya lang naman ang umaasa sa pinsan ko." sagot ni Reigne. T*ng*na! Gusto kong magalit, gusto kong magmura, gusto kong manakit dahil sarili kong kaibigan si Reigne pero ganon siya mag-isip. She doesn't care about me!

"Yeng...." bigkas ni Jace. "Kailangan niyang malaman. Tama si Janella."

"Hindi, Jace.... alam nating masasaktan lang si Makayla kapag nalaman niya lahat. Hindi na dapat humantong sa ganon 'to." matigas na sambit ni Reigne. Napangiti na lang ako nang mapakla.

"Sabihin na nating masasaktan siya, pero—"

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang pakinggan ang mga kalokohang ito o hindi. Sobrang sakit dahil pakiramdam ko'y tinraydor ako ng sarili kong mga kaibigan. Dali-dali akong tumayo. Hindi ko 'man lang namalayang nakasanggi pala ako ng isang bagay na nagdulot nang malakas na tunog.

*dang* *dang*

"M-Makayla....." napatingin sa gawi ko ang tatlo. Mapait na ngiti ang ibinigay ko sa kanila. Ang sakit....

"Anong nangyari sayo, Makayla?" salubong ni Nika sa akin. Napangisi na lang ako't umiwas sakaniya.

"Makayla...." ma-otoridad na bigkas ni Angeline.

"Wala, nahihilo lang ako." malamig kong tugon. Hindi ko alam kung may dapat pa ba akong pagkatiwalaan sa mga taong nasa paligid ko.

"Bahala ka diyan, di ka na namin guguluhin. Magpahinga ka muna." tinalikuran nila ako. Sinundan ko na lamang sila ng tingin hanggang makalabas sila.

Umupo ako sa aking upuan at tinakpan ang aking mukha. Bakit kailangang masaktan tayo sa tuwing nagmamahal tayo? Bakit kailangang may sumira sa tiwalang binuo mo noon pa man? Naiintindihan ko naman kung di ako gusto ni Jace, pero di ko maintindihan kung bakit nila tinago sa akin ang totoo.

"Umiiyak ka ba?" rinig kong sambit ng kaklase ko. I lifted up my head. Si Paulo pala...

"Hindi yata." inirapan ko siya kasabay ng pagpapahid ko sa aking luha.

"Ay, hindi ba? Oo nga no?" pag-gatong niya sa pagtanggi ko. Napangisi na lang ako.

"Wag ka kasing umiyak, ang pangit mo....." pang-aasar niya. Natawa na lang ako at sinamaan siya ng tingin.

"Sira ka!"

Tumayo siya. Nagulat ako dahil akala ko ay aalis siya, 'yon naman pala ay tatabihan niya lang ako. Kaagad niya akong inabutan ng bubblegum at inasar.

"Uhog mo tutulo...." seryosong sambit niya. Natawa ako nang malakas at sinuntok ang braso niya.

"Nakakainis ka!" namamaos kong tugon. Patuloy pa din siyang nang-aasar habang patuloy pa din akong naiinis. Maya-maya'y bigla siyang nagseryoso ngunit nakangiting tumingin sa akin.

"Huwag ka nang umiyak, may mga bagay na hindi karapat-dapat iyakan kahit masakit." he comforted me. Napangiti na lang ako.

"Salamat, Paulo." ....dahil nandiyan ka sa mga oras na hindi ko kayang magtiwala sa kahit na sino.

*******

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon