Chapter 24 - Bet

52 2 0
                                    

Chapter 24: Bet

Isang linggo na ang nakalipas mula noong nagkaroon ako ng kahihiyaan dahil kay Jace, and at the same time ay kilig moment with him. Masaya ako dahil onti-unti na kaming nagiging close. Pero, hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung bakit palagi na siyang sumasabay sa amin tuwing break time and lunch time, or minsan kung hindi naman siya nakakaabot ay humahabol pa din siya.

Kagaya ngayon...

"Kumain na kayo?" humahangos niyang tanong. Lumingon agad kami sa kaniya, 'yong iba ay tumango sa kaniya.

"Uh..." bahagya akong tumango. "..ikaw?" halos masampal ko ang aking sarili dahil sa tanong ko. Malamang hindi pa siya nakakakain. Napatingin siya sa akin at bahagyang napanganga. I just bit my lower lips and shook my head.

"Nakakain na din ako." he smiled. Lumitaw na naman ang malalim niyang dimples kaya't naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko.

"Anong kinain mo, Yeng?" baling niya sa kaniyang pinsan.

"Sinigang saka kanin." sagot naman ni Reigne.

Habang nag-uusap silang magpinsan ay tumalikod na muna ako sandali at humarap sa mga kaibigan namin. Natawa na lang ako nang mapansin ko ang busangot na mukha ni Angeline habang nakatingin sa hawak niyang salamin.

"Ano? Tuloy ba tayo sa birthday ko?" she raised her right brow. Nagbikit-balikat na lamang ako bilang sagot, hindi ko naman kasi alam kung anong isasagot ko.

Naglakad ako patungo sa pinakamalapit na bench at naupo. Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ko habang nagmamasid. Our campus is definitely fine, wild nga lang 'yong ibang students. Ang iba naman ay isip-bata pa din kahit mga highschool na, kaloka!

"Aray!"

"Ay, tae!"

"Ang sakit!"

Napangisi na lang ako kasabay nang pag-iling habang pinagmamasdan ko ang isang grupo ng mga estudyante na naghahabulan. Malamang nasaktan sila, ikaw ba naman ang madapa, eh.

"Jace!" rinig kong pagtawag ng isang babae sa lalaking gusto ko.

It was ate Myles' voice. Lumingon ako sa gawi nila at gamit ang kaliwang kamay ko ay hinawi ko ang buhok ko na nililipad ng hangin. I arched my eyebrows while staring at them. Nakangiting lumingon si Jace sa kaniya at sinalubong ito ng yakap.

Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko ngunit nanatili pa din sa kanila ang tingin ko. It feels like my eyes were glued on them, hindi ko magawang alisin sa kanila ang tingin ko lalo na nang marinig ko ang tawanan nila hanggang sa aking puwesto. Kung sabagay, malapit lang naman ako sa kanila.

Palakas nang palakas ang tawanan at asaran nila, kasabay noon ay ang patuloy na pagbigat ng dibdib ko. Hinampas ni ate Myles ang dibdib ni Jace kaya't bahagya itong napaatras, kasabay noon ay ang pagtingin niya sa aking gawi. Nagtama ang paningin naming dalawa pero pawang napako ang aking tingin sa kaniya dahil hindi ko ito magawang iiwas sa kaniya kahit aminado ako sa sarili ko na nasasaktan ako.

Nagseselos ako...

"Grabe, ang bilis ng panahon! Malapit nang mag-December."

"Oo nga, parang kailan lang first day of classes pa lang. Tapos ngayon, naka-5 months na tayong magkakasama."

Naririnig ko ang usap-usapan ng mga kaklase ko habang busy ako sa pagsusulat. Napailing na lamang ako at bahagyang napangisi, malapit na matapos ang school year, pero 'di ko pa din nakukuha ang gusto ko. Hindi ko pa din nagagawa ang dapat kong gawin. Habang madaming bagay na pumapasok sa aking isipan ay bigla akong nakaramdaman nang pagkahilo. I suddenly stood up and I was about to run out of the room nang malaglag bigla ang mga notebook ko. Alright, I'm so clumsy. Pinulot ko isa-isa ang mga 'yon hanggang sa napatigil ako, isang bagay ang nakaagaw sa aking atensyon.

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon