Chapter 6: Effort
Weeks have passed, naging maganda naman ang pakikitungo sa akin ng squad nila Angeline. Ngunit isang pagbati ang bumago sa buhay namin nila Janella.
"Goodmorning, sir." nakangiting ani ko sa POD namin habang naglalakad kami nila Janella patungo sa corridor.
Isang tango lamang ang iginawad ni sir kaya't dumiretso na kami ni Janella. Napatigil na lamang kami nang pabalikin kaming muli ni sir.
"Kayong dalawa, dito muna kayo." ma-otoridad na utos ni sir kaya't nanatili kami ni Janella sa harapan ni sir. Hinintay muna niya na makalampas ang mga estudyante hanggang sa isinama niya kami sa kaniyang silid.
"Maupo kayo." sinunod agad namin ang sinabi nito sa amin.
"Sir, bakit po?" kinakabahang tanong ni Janella habang nagtitipa si sir ng kung ano-ano sa kaniyang computer.
Sumulyap lamang siya sa amin hanggang sa may sinabi siya sa amin na siyang ikinagulat namin ni Janella.
"G-grade 9 po, sir?" napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Ayokong manghula o manghusga, but I'm hoping na mali ang iniisip ko right now.
"Oo." damn!
"Pero paano pong nakapasok ang grade 9 sa room namin? Gayong wala naman pong nahagip na third year student ang cctv no'ng nagreplay po tayo." kunot-noong tanong ko. This is about the one who always steals in our room. Or should I say—'in our school' ?
"That's the main point. Mayroon siyang kasabwat from your level." what the eff? Ang lakas ng loob nila. Ghad!
Humaba pa ang usapan namin at may kung ano-ano pang ipinaliwanag sa amin si sir hanggang sa sinabi niyang nangangailangan ng tulong from our level ang marshals. Sila ang nagpapanatili ng kaayusan sa buong campus namin. Ngayon, dahil magkaiba ng schedule ang marshals at kami, kailangan daw nila ng magm-marshal from our level. In that way, hindi na sila maabala sa paglabas-labas mula sa kanilang room habang nagk-klase para lang sa amin.
"So ngayon, ok ba sa inyo na maging marshal?" tanong sa amin ni sir. Si Janella naman ay sobrang saya at agad na sumagot.
"Opo, sir!" ngiting-ngiti ang gaga kaya't napangiwi na lang ako.
"Ok po." tanging sinabi ko. Hanggang sa sinabi niya sa amin na kailangan pa namin kumuha ng 3 boys and 3 girls from our room na magm-marshal din. At doon nagtapos ang usapan namin nila sir.
"AHHHH!" napatingin ako kay Janella na huminga ng malalim at impit na tumili. "Akala ko mamamatay na ako do'n." natatawang sambit niya. Napa-iling na lang ako at sumulyap sa room nila kuya Jace. He is sitting beside the window habang nakikinig sa nagtuturo.
"Ako patay na ata. Patay na patay sa kaniya." nakangiti kong sambit habang nakatitig pa din kay kuya Jace.
"WHAT THE—?!" muntikan na akong mapamura nang maramdaman ko ang malutong na batok ni Janella sa akin.
Tinawanan niya lang ako hanggang sa makarating na kami sa room namin.
"Bakit kayo late?" seryosong tanong sa amin ng aming guro.
"Sorry po, sir. Nagkaroon po kasi kami ng appointment kay sir B!" natatawang tugon ko sakaniya. Tumawa din si sir nang marahan at hinayaan na kaming maupo.
Nagdiscuss siya at nagbigay sa amin ng seatwork hanggang sa natapos ang klase namin sa kaniya.
"Bakit kayo pinatawag?" tanong agad ni Camryn.
Nagbikit balikat lamang ako at tinignan siya.
"May diniscuss lang siya about sa nagnanakaw and marshals." tumayo ako at nagtungo kay Angeline.
"Order na ba ako ng hoodies natin?" tanong ko dito nang makatabi na ako sakaniya.
"Oo sige!" tumango-tango pa siya.
Nagpatuloy ang aming klase hanggang sa 'di ko na alam kung ano pang gagawin ko kasi nab-bored na ako. Napahikab ako, and thanks God! After so many years— hours, natapos na din ang aming klase.
"Makayla, birthday ni kuya Jace next week. Anong plano mo?" nakangiting tanong ni Reigne sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagkalkal ng gamit ko habang nagiisip nang magandang gawin for his birthday.
"Next week na pala 'yon? Ang bilis naman ng panahon." nagbikit-balikat ako at inilapag na sa sahig ang aking bag.
"Oo, 23 diba!" weh?! Ohhh!
"Ah, ewan pa. Magiisip pa lang ako." tumango na lang siya at sabay na kaming lumabas ng room.
Nang makauwi ako ay plakda agad ako sa aming higaan dahil sa pagod. Wala naman kaming ginawa masiyado kanina ngunit ramdam ko talaga na pagod na pagod ako. Aish!
Nagisip ako nang gagawin hanggang sa naisip kong gumawa ng message jar for kuya Jace.
To: Ulan
Alam ko na, jar na lang with messages 'yong ireregalo ko sakaniya.
I sent Reigne my composed message at hinintay ang reply niya.
From: Ulan
Ok goodluck!
Natawa na lang ako dahil sa reply niya. She's probably busy right now chatting with Martin. Mygoodness!
Nagreact na lang ako ng heart sa message niya at natulog na ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagprepare for school. Same routine, wala namang nabago. Sa school, gano'n pa din. Tuwing dadaan siya ay susulyap ako at ngingiti kahit 'di niya kita hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Napakabilis ng araw, hindi ko alam kung bakit. Today is already Saturday at ilang araw na lang ay birthday niya na.
"Ate, patulong naman. Gagawa ako ng DIY gift for someone." walang pagdadalawang isip naman na pumayag si ate at tinulungan nga ako sa paggawa ng DIY gift ko. Natuwa ako kasi kahit ilang oras kaming nagtawanan at nahirapan nang kaunti sa pagtapos no'ng message jar ay maganda naman ang kinalabasan. Sobrang simple ngunit halata ang effort.
Maliit na clear jar lang siya at sa loob ay nilagyan ko ng maliit na black paper as a cover at may nakalagay na "Happy Birthday. Pick one per day." Sa loob naman ay may color coding bawat message. Blue for my message. Red for quotes. Yellow for banat. Orange for jokes. Pinakamarami ang red dahil gusto ko siyang i-inspire everyday kahit sa gano'ng paraan lang. Nang maayos ko na ay nilagyan ko ng tatlong Ferrero Rocher at isang Snickers ang ibabaw ng rolled messages at sa takip naman ay nilagyan ko ang ilalim nito ng folded paper na nakadikit. Kapag binuksan ay may message 'yung paper na "I'm so glad I found you".
God! It's my first time to make an effort for someone. Sana magustuhan niya.
*****
![](https://img.wattpad.com/cover/199407038-288-k986762.jpg)
BINABASA MO ANG
Until He Fell
RandomIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...