Chapter 35 - Christmas Party

51 3 0
                                    

Chapter 35: Christmas Party

Tatlong araw na ang nakalipas simula nong nagkita kami ni Drake sa mall. I must admit, sobrang saya ko dahil onti-unti na kaming bumabalik sa dati. Pero hindi ko pa din maiwasang mangamba.

"Hay nako, Suzette! Kayo ni Paulo, ah.... tsk tsk." rinig kong pang-aasar nila Angeline dito. Napangiti na lang ako't napailing.

About Paulo, oo naging crush ko siya. Pero hanggang doon na lang yon, magkaiba ang crush at gusto para sa akin. Si Paulo, crush ko lang. Humahanga lang ako sa way ng pakikitungo niya sa iba't ibang tao. Oh well, masaya ako para sa kanila ni Suzette. Pero hindi ko pa din maiwasang malungkot para kay Jed.

Ang dami niyang plano para kay Suzette, tuwing nagch-chat siya sakin ay lagi niyang nababanggit sakin yong mga plano niya sanang ibigay at gawin para dito. I can actually see myself at him. Parang reflection lang. Yong mga effort ko para kay Jace noon na nabalewala, lahat yon ay nakikita ko ngayon kay Jed.

"Bakit ba ako na naman ang trip niyo, huh?" natatawang puna ni Suzette kela Angel. "Etong si Makayla, oh.... sino si Drake?" pagbaling nito sa akin. Nanlaki agad ang mga mata ko.

"H-ha?" nauutal kong tanong. Paano nilang nalaman yon? Darn!

"Naiwanan mo ang notebook mo kahapon, akala namin kung ano lang, yon pala diary mo. So sino nga siya?" taas kilay nitong tanong. Pati sila Angel ay tutok na tutok na sakin.

"A-ah... Kaibigan nila Nico! Oo, tama.... kaibigan nila." nakangiting tugon ko. Hindi nila kilala ang mga katropa ni Nico. Hindi rin nila yon kaclose kaya hindi na sila makakapagtanong pa. For now, ayokong malaman nila kung sino talaga si Drake. Hindi pa ako handa para doon.

"Nila Nico? Yong ex mo?" kunot noong tanong nila. Ibang tao ang sinasabi nila, yon yung bestfriend ni Nico na dancer na ex ko.

"Hindi.... iba pa." ani ko na lang. Iba pa dahil hindi naman talaga katropa nila Nico si Drake.

"Ah.... basta ipakilala mo kami soon, huh?" nakangiting sambit ni Angeline. Pero mas malawak ang ngiti ko kaysa sa kaniya, napaniwala ko ba naman sila sa mga palusot ko, eh. #Achievement!

Lumipas ang mga oras, nagsiuwian na lahat ng students. Ang saya lang dahil next week ay Christmas break na.

From: Drake
U home?

Me:
Kakauwi lang. Ikaw? Anong ginagawa mo?

Drake:
Kakatapos lang namin mag-swimming.

Me:
Ay, oo nga pala! May training ka every M-W-F. Puwede ba kong pumunta diyan?

Drake:
Wala na kami sa club. Punta ka na lang dito sa bahay, andito na ako.

Me:
Ok, sige... see you! Muwaps. HAHA.

Drake:
Ingat. Luvyou.

Me:
Wrong spelling, wrong meaning! Balakadyan.

Natatawang nagbihis na lang ako at bumyahe na papunta sa bahay nila Drake. Sumalubong sa akin ang nakangiting lalaki habang nakaangat ang dalawang braso para salubungin ako ng yakap. Humagikhik na lang ako at saka siya ginawaran ng yakap.

"I missed you..." he whispered. Ngumiti na lang ako at tinapik ang likod niya.

"Tara na sa loob." pagyaya ko rito.

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon