Chapter 5: Squad
"Ang bilis ng panahon." napatingin ako kay Nicole na nakahalumbaba habang nakatingin sa pagkain ni Nathalie.
Napailing na lang ako at nagbikit-balikat. I fixed my uniform and put down my pen. Tinatapos ko kasi 'yong format ng essay ko.
"Sobra! Parang kelan lang no'ng tinatamad pa akong pumasok for the first day of classes. Tapos ngayon, mags-September na!" pailing-iling kong tugon.
"Sana hanggang future, tayo-tayo ang magkakasama 'no?" sandali akong natigilan at natulala sa worksheet ko.
"Diba, Makayla?" napabalik na lang ako sa katinuan ko when Nicole snapped her fingers in front of me.
"H-ha?" napatingin ako sa kanilang dalawa ni Nathalie na napakunot ang noo. "Ah, oo." pinilit kong huwag magmukhang pilit ang ngiti ko kaya sinabayan ko 'yon ng pagak na tawa.
"Tara na nga! Time na, oh." sumulyap ako sa relo ko at nauna na sa pagtayo. Niligpit ko ang gamit ko at nagsimula na akong lumabas sa canteen.
"Uy, bye!" paalam ni Nicole na kumakaway sa amin habang naglalakad siya patungo sa room nila. Haist! Bakit ba kasi sa ibang section pa napunta si Nicole?
Kumaway na lang din kami sa kaniya at saka kami pumasok ni Nathalie sa room.
Sinubukan kong umidlip sa desk ko dahil antok na antok ako, pero naramdaman kong may umupo sa may tabi ng desk ko na binalewala ko lang. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko na para bang ginugulo ang buhok ko. Wtf?! Sinubukan kong tabigin ang kamay niya. Sandali siyang tumigil, ngunit maya-maya lamang ay ginulo niya na ulit ang buhok ko.
"Stop." maikling ani ko. Ngunit akala mo'y bingi ang tao na iyon at nagpatuloy sa pag-gulo ng aking buhok. Nang mairita ako ay agad akong bumangon mula sa pagkakatungo sa desk at sininghalan siya.
"What the f-!" I didn't continue cussing kasi nga nagbabagong buhay na ako. I closed my eyes and breathed heavily. "Just stop the sh*t, please. I'm tryin' to take a damn nap here because I am sleepy as f*ck right now." hindi ko na napigilang mapamura nang ilang beses kaya't napailing ako at bumuntong hininga. I hate it when someone is trying to disturb my sleep.
Parang bata naman na ngumiti lang si Nathalie at nag-peace sign. She even laughed right after smiling at me. Is she crazy? Myghad!
"Creepy mo, tongaw!" I rolled my eyes at her.
"Suri." she said while giggling. Gross!
Umiling na lang ako at sinubukang muli na umidlip.
Lumipas ang ilang araw at linggo, ganoon pa din ang eksena sa school. Nothing changed. Pero something is off between Nathalie and me these past few days. Parang naging malayo ang loob ko sa kaniya. I don't know why. For sure this isn't just because of my sleep that she disturbed. Hindi ako gano'n kababaw na tao.
"Makayla, bakit parang ilag ka kay Nathalie nitong mga nagdaang araw?" napalingon agad ako kay Angeline na nag-aayos ng locker niya.
"Huh? Hindi ko din alam." I shrugged my shoulders and walked close to her.
"May problema ba?" she asked me with her concerned look. Napatitig na lang ako sandali sa kaniya and was mesmerized with her beauty. Ang ganda ni Angeline.
She has a fair skin tone, natural pinkish lips and 'yung cheeks niya ay halatang natural ang mediyo pagka-pinkish. Mukha siyang naka-blush on. Pero kung tititigan mo naman ay masasabi mong walang halong kahit anong makeup. Parang kanta lang. 'Walang halong kemikal.' Di, charot! Mas nakadagdag sa ganda niya 'yong nakabuhaghag niyang buhok na may touch of brown. She's simply pretty with those natural features of her.
"Ganda ko 'no?" napabalik ako sa reyalidad nang humangin. I made a sad face and answered her question.
"Piso, oh. Hanap ka kausap." I smiled at her sarcastically. Natawa na lang siya sa inasta ko kaya napangiti na ako nang totoo. She's really gorgeous, no joke.
Days have passed, naging malapit ako sa mga kaibigan ni Angeline. Matagal ko na silang gusto maging kabigan, ang kaso 'di ko ginawa kasi nga may attitude ako. Baka kasi 'di nila magustuhan. But, one conversation with them changed my perspective about them.
"Noon talaga, nahihiya akong lumapit sa inyo." natatawa kong sambit habang isinasara ang bote ng tubig na hawak ko. "I mean, everyone of you are natural. Eh, ako? Jusko! Don't expect that we're same." napapairap kong sambit.
"Hindi rin." natatawang tugon ni Nika kaya napatingin ako sa kaniya.
"Uy, matagal na kaya kitang gusto maging kaklase. Simula no'ng grade 7 tayo, 'yung lumapit ka sakin to ask me about Nathalie's bad side. Sabi mo pa sa akin no'n, you want to know everything about her. Aside from her good side, gusto mo din malaman ang bad side niya." nakangiting sambit ni Angeline.
"In that way, matulungan mo siyang maging 'better'. Ayon na 'yung time na sabi ko, 'ideal friend ko 'tong si Makayla.' Ikaw kasi 'yong tipo ng kaibigan na hangga't walang natatapakan ay sige lang ng sige. Pero kapag alam mong may maaapakan ka na, doon ka na humihinto." muling pagpapatuloy niya habang humihigop ng sabaw sa instant noodles niya.
"Saka, you want to help others improve and be good to everyone's sight kahit ikaw pa ang masira." she pointed her fingers na animo'y may natuklasang mahiwaga kaya natawa ako.
Napalingon na lang ako at pinagmasdan ang canteen. Hanggang sa napako ang tingin ko sa puwesto ni Nathalie at Nicole na magkasamang kumakain. They are still using the area na nakasanayan naming pagtambayan tuwing break time. Back then, tatlo kaming gumagamit no'n. Apat pa nga, eh. Counted si Reigne. Pero ngayon, dalawa na lang sila.
Bumuntong hininga ako at bumaling ulit kayla Angeline na mga busy sa pag-kain.
"Anyways, welcome to squad!" they said in chorus. Somehow, napapagaan nila ang loob ko. For now, I want to keep this side. I want Nathalie to realize her mistake. Siguro sa mga panahong 'to ay nagtataka siya sa pag-iwas ko, but I won't avoid her for nothing. Umiiwas ako kasi may rason. May mali.
'I'll get us back, soon.'
******
BINABASA MO ANG
Until He Fell
De TodoIsang simpleng babae lang naman si Makayla na nagaaral sa pribadong paaralan. Ngunit hindi niya inaasahang mahuhulog na lamang ang loob niya sa pinsan ng kaniyang matalik na kaibigan. Noon ay nilalampas-lampasan niya lamang ito, ngunit dumating sa p...