Chapter 32 - Coke

50 2 0
                                    

Chapter 32: Coke

"Hala, may practice ba tayo mamaya?" gulat na tanong ni Gab. Kunot-noong napatingin naman ako sa relo ko.

"Hindi na muna... Tuesday pa lang naman ngayon. Sa Friday pa tayo tutugtog. Siguro bukas na lang pagtapos ng klase." tugon ko. 3:34 pm na kasi. Kailangan kong umuwi nang maaga ngayon dahil may aasikasuhin ako sa bahay.

"May practice daw ba ngayon? Pinapatanong po ni Lil." tanong ni Paulo na kararating lang. Bahagya na lang akong bumuga sa hangin at sumulyap kay Gab. Tumalikod na ako at inayos ang bag ko.

"Wala po, bukas na lang daw tayo magpractice sabi ni Makayla." rinig kong tugon ni Gab.

"Bukas?! May practice tayo ng volleyball bukas diba?" nagtatakang tanong ni Paulo. Kusa akong napatigil sa pagsasara ng bag.

"Weh?" gulat na tanong ni Gab. "Oo nga pala! Nakalimutan ko..."

Lumingon na ako sa kanila. Sinakbit ko na ang bag ko at dinampot ang mga librong ilalagay ko sa locker. Napataas ang isang kilay ko nang mapagtanto kong nakatitig sa akin yong dalawa.

"Problema niyo?" takang tanong ko. Nagsenyasan pa sila kung sino ang magsasalita. I heaved a sigh... ayokong magsayang ng oras.

"Ano kasi, Makayla...." sambit ni Paulo.

"Eh kasi...." patuloy ni Gab na di niya rin matuloy. Bumuga ako sa hangin at inayos ang mga librong hawak ko.

"May volleyball practice kayo bukas? Sige lang. Sa Thursday na lang tayo magpractice, lunch and break time." bahagya akong ngumiti sa kanila. Natuwa naman agad silang dalawa dahil nakuha pa nilang mag-high 5 at mag-'yes!'. Napailing na lang ako at naglakad na palayo sa kanila.

Kahapon naganap yong masaya kong moment kasama si Paulo. Yon yung time na kinurot ko siya at namula nang husto ang braso niya. Ngayon naman ay tapos na ang Tuesday at isa lang ang masasabi ko.... sobrang bilis ng oras!

Pagkarating ko sa bahay ay hindi ko na nagawa pang magbihis dahil agad ko nang inasikaso ang mga kailangan kong gawin. Nadatnan ko din ang pamangkin ko na mahimbing na natutulog.

"Oh, tulog pala si Harvey?" patanong na sambit ko.

"Oo, kanina pang nag-aaya yan sa Jollibee. Ikaw lang ang hinihintay nila, eh nakatulog naman kahihintay." natatawang tugon ni daddy. Napatango na lang ako nang ilang beses.

"Ma, gisingin mo na po si Harvey... alis na tayo. May kailangan pa kasi akong gawin mamaya." sambit ko habang naghahanap ng damit pamalit.

Sa wakas ay makakapagbihis na din ako! Sobrang init kaya ng uniform namin. Napailing na lamang ako at naglakad patungo sa cr. Sunod-sunod na tunog mula sa phone ko ang aking narinig pagkabalik ko sa kuwarto. Ang daming nagch-chat....

-GOV-

Xandra:
Aba, Makayla.... buhay ka pa ba? Antagal mong di nagparamdam tapos puro ka pa seen.

Ish:
Oo nga! Kala mo bula, eh. Bigla-biglang nawawala.

Keziah:
Kasoy lang ang peg.... kung kailan niya trip saka lang paparamdam.

Drite:
Transformer ang lola niyo, teh! From being a human to bula hanggang sa kasoy. Jusko! HAHAHA.

Ish:
Try niyo pagsunod-sunurin, mga bakla! HAHA.

Xandra:
Oo nga HAHA.

Until He FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon